Idris Geordi Alam mo yung pasulyap sulyap? Ako 'yon, eh. Sinusulyapan ko yung puting buhok sa may unahan ko habang nagme-meditate kami kanina. Pero pucha, di niya ako nililingon. Ginayuma na ata ako ng babaeng 'yon, eh! Sabi niya may something raw sa puting buhok niya pero di pa niya sinasabi. Binulong niya lang 'yon kay Sir Cain kaya napamura ako no'n dahil naghihintay pa ako kung ano 'yon. "You don't have a power to levitate things so just start packing your things and stop staring at it." Napaigtad ako sa gulat nang magsalita si Kris na tapos ng magimpake ng gamit niya. Pakingshet, kanina pa pala ako nakatitig sa mga damit kong nasa kama at katabi naman nito ang malaking maleta. Hindi ko nalang pinansin si Kris at umupo na sa gilid ng kama. Pagkatapos ay sinimulan ko ng inimpake sa

