Vanndale Wolfe Kanina pa tapos ang aming night class ng major subjects. Nandito kaming tatlo ni Kraig at Dirk na kagrupo ko sa first batch dito sa kwarto ng dorm namin. Nakahiga lamang ako sa kama ko at nagkunyaring natutulog. Pero ang totoo ay nakikinig ako sa usapan nila. Hindi naman sila matanda kaya hindi naman masama ang gagawin ko, 'diba? Sabi kasi ni mama, huwag makinig sa usapang matatanda. Tsaka, ako naman ang pinakamatanda dito. "What now, Kraig?" Naks! Englishero pala 'tong mga kasama ko. Malamang, mayayaman, eh. Kumakain ng gintong kutsara sa bibig. Kung pupunta kaya ako sa bahay nila at nakawin ang mga kutsara nila? Dagdagan ko nalang ng mga pinggan at baso para naman makapagpatayo na ako ng mansyon namin. Tsaka ang mansyon namin, may isang napakalaking kwarto kung saan n

