Idris Geordi Mahirap maging kargador. Palaging pawis, malagkit ang balat at palagi pang nagpapasinag ng araw. Langya dahil parang mauubos 'tong mahika sa kwintas na suot namin dahil sa sobrang init. Napapaso na ang balat ko at mukhang hindi na kaya ng powers ko este powers ng kwintas ko. Pero mas mahirap ang buhay ng mga tao dito. Kinausap ko kanina ang isang kargador na mukhang matagal na sa syudad na ito kanina. Tinanong ko siya kung anong meron sa syudad na 'to. "Pre, hindi sa nananakot ako pero lugar 'to ng mga kriminal. Lahat ng mga krimen nangyayari na dito." "Krimen?" "Oo! Krimen, criminals. All in one; magnanakaw, terorista, drug lords o pushers, mamamatay tao... lahat!" All criminals are here. Paano nagagawang mabuhay ang mga tao dito? Sa unang tingin mo palang sa syudad na

