Third Person 5 years ago... Malakas ang ihip ng hangin at kasabay nito ang kulog at kidlat nang lumabas ang isang lalake mula sa mansyon. Suot ang itim na balabal ay nakaangat ang kaniyang hood nito, nakayukong naglalakad sa madilim na kalsada. Hindi masyadong matao nang gabing 'yon. Maulan at medyo malakas ang ihip ng hangin. Bumabagyo. Ibinalita sa buong Vlad City na may malakas na bagyo ngayong gabi kaya naghahanda ang mga mamamayan para sa posibleng mangyari. Nakarating ang lalakeng naka-balabal sa tapat ng isang maliit at lumang bahay. It was made of oak wood covered with brick walls. Isang palapag lang ito na halos maabot na ng mga matatangkad na tao. He stood up, tinanggal ang hood ng balabal at pinagpagan ang sarili. Tumutulo mula sa kaniyang balabal ang tubig dulot ng malakas

