Sadie
"Bwisit na ulan."
My foot kept tapping the tiled floor while I'm waiting for the rain to stop. Wala akong dalang payong at hindi ko ugaling magdala ng payong. I don't really have the right to complain, but I'm Sadie Yamaguchi. I complain about everything because I want to.
Bumuntong hininga ako't inilabas na lamang ang phone ko. Kung payday lang ngayon ay nagmaganda na ako sa coffee shop na nasa ibaba ng insurance company kung saan ako nagtatrabaho, pero dahil petsa de peligro ay wala akong choice kun'di ang magpalipas ng oras sa harap ng building habang nagsha-shower si Lord sa langit.
I visited the Ducanis' IG accounts and liked their recent posts, but what caught my attention was Khalila Ducani's post. It was a shadow of six people, and her caption was "where to sell possessive older brothers? Big discount."
I smirked and posted a comment. "Isasanla ko sa demonyo ang kaluluwa ko makakuha lang kahit isa sa mga kuya mo."
I shook my head after hitting the comment button. Nang matitigan kong muli ang post ay napawi ang ngisi ko.
Pangit kaya ang panganay na Ducani kaya hindi nagpapakita sa publiko? I mean, the Ducanis are very good-looking. Baka tinatablan din sila ng sumpa na sa isang pamilya, may kapatid talagang hindi nabiyayaan ng magandang panlabas na anyo.
"Can't relate. Mahirap lang ako pero nabiyayaan ako ng ganda," I murmured to myself.
"Hi, Sadie. Hatid na kita sa sakayan," alok ng isa sa mga katrabaho kong palagi na lang nagpapapansin.
My brow shot up. "Mukha bang hindi ko kayang maglakad papunta ng sakayan mag-isa?"
Napakamot siya ng batok. "Ito naman hapon na ang sungit pa rin."
Nagpamaywang ako. "At kailan pa nagkaroon ng timer ang ugali ko?"
Tinawanan siya ng isa pang kasama. Nang marinig kong nagbulungan ang dalawa at sinabing wala naman akong masyadong boobs, naningkit nang husto ang mga mata ko.
"Kakanood ninyo ng hentai, ine-expect ninyo na na dapat ang laki ng boobs ng babae ay mala-lobong puputok na." Umirap ako. "Mag-deodorant ka rin hindi puro gel ng buhok. Lakas ng putok mo, gago."
Napakamot ang dalawa ng ulo saka na umalis. Umirap naman akong muli saka na lumabas ng building kahit bahagya pang umaambon. Why is it always the fours that love to criticize women's vital statistics? Kung makasita ng laki ng boobs ng babae akala mo naman aabot ng ngangala ang sandata. Bwisit!
Inis na inis tuloy akong nagmartsa. I need to calm myself down before I go home to an empty apartment. Kaya kahit umaambon pa rin, dumiretso ako sa Ducani Empire at muling tumingala.
I drew in a sharp breath and reminded myself that someday, I'm going to see the whole city from up there. Not as a visitor nor an employee but a legit wife of a Ducani.
Lord, bagsakan mo na ako ng Ducani sa harap ko bago pa ako mawalan ng pasensya sayo.
"Umuulan. Grabe naman ang dedication na makasilay," I heard a familiar voice said.
Lumipat ang tingin ko sa lalakeng nagsalita. Nang makita ko ang nakangising si Kanor ay umakyat na naman ang lahat ng dugo ko sa aking ulo.
Itiniklop ko ang mga braso ko sa harap ng dibdib. "Sa Ducani ako sisilay hindi sa pobreng katulad ko."
He laughed softly. At nakakabwisit na muntik nang bumigay ang mga tuhod ko sa ganda at puti ng mga ngipin niya.
Lintik! Magkano ba ang sahod ng janitor sa Ducani Empire at parang afford na afford ni Kanor magpa-dental check up palagi?
Isa pa ay bakit ganoon ang amoy niya? May libreng mamahaling pabango ba sila tuwing pasko at amoy mayaman ang lintik na ito?
My gaze drifted towards his biceps. Hindi ko man gusto ay hindi ko rin napigilan ang sariling lumunok. May pa-gym pa yata sa mga empleyado dahil parang alagang-alaga ang katawan niya tapos ako, minimum wage na nga lang, delayed pa palagi ang sahod na puro na lang kaltas!
"Pwede mong haplusin," aniya habang pigil ang ngisi.
Uminit ang pisngi ko at matalim ko siyang tinignan. "Alam mo, Kanor? Kung nakakayaman ang pagiging gago, baka mayaman ka na ngayon."
He widened his smile while his lips were pursing as if he was teasing me. Ibinaba pa niya ang kanyang mukha kaya nasinghot ko tuloy ang amoy mamahaling pawis niyang amoy.
Janitor ba talaga 'to? Bakit 'yong janitor sa kompanya namin malayo pa lang amoy mandirigma na?
"Nakakatuwa naman, Sadie pangalawang date pa lang natin sinasabi mo nang gwapo ako."
Napaawang ang aking mga labi. "Bobo! Gago ang sabi ko hindi gwapo!"
"Ay gago ba?" He laughed. "Akala ko gwapo."
Tumaas ang kilay ko. "Anong date ka diyan? Asumero ang gago. At bakit alam mo ang pangalan ko?"
He pointed my ID. "Sadie Yamaguchi. Malungkutin ka? Kaya kitang pasayahin mula umaga hanggang gabi."
Umikot ang mga mata ko. "Lumayas-layas ka na nga sa harap ko. Nasisira lalo ang araw ko sayo."
Muli siyang humalakhak nang mahina. "Pa-out na ko." He removed his cao, stroked his midnight black hair with his fingers, then smiled at me. "Tara maglugaw."
Umiwas ako ng tingin nang mag-alburoto ang dibdib ko... pati ang tiyan ko. I'm actually very hungry. Sobra ko nang tinitipid ang pera ko para umabot sa susunod na sahod kaya kaninang lunch ay nagtubig lang ako.
Mamayang gabi naman ay balak ko na lang sanang kumain sa karinderya. His offer was tempting since he'd save me dinner money, but I don't want him to think that I'd ever entertain him.
I was about to decline his offer when my tummy betrayed me. Tumunog ang tiyan ko kaya halos lamunin ako ng hiya dahil sigurado akong narinig niya iyon nang malinaw.
Kanor clicked his tongue. "Mag-a-out lang ako. Hintayin mo na ko."
I swallowed the pool of saliva in my mouth. "S—Sinabi ko bang gusto ko? Ang cheap mo namang makipag-date."
Umismid siya at ang mga labi ay kumurba para sa isang makahulugang ngisi. Nakakabwisit na ang hirap iwasan ng mga mata niyang parang palagi na lang nanghihipnotismo. Para tuloy akong sira na kailangan pang kurutin ang sarili huwag lamang matulala nang tuluyan.
"Kakain pa lang ang sinabi ko, Sadie hindi ko sinabing pumapayag na akong i-date mo ko."
My lips parted and my cheeks turned red when the other employees threw glances at me.
"Ang kapal mo!"
He laughed softly. Mayamaya ay bigla niya na lang akong kinindatan bago siya pumasok sa loob ng building, kaya imbes na magiging armalite ang bibig ko sa bwisit sa kanya, para akong timang na napako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa pintong pinasukan niya.
I wasn't able to get back to my senses before he returned. Nakaputing t-shirt na lang siya ngayon at maong na pantalon. Ang isang strap ng backpack niya ay nakasabit sa kanyang balikat habang ang isa niyang kamay ay tumapik sa gwardya.
"Una na ko, Kuya Migs," aniya.
I found myself watching him wave goodbye to the guard, but the longer I stared at him, the more my mind thinks I'm watching an international model slay in a simple white shirt and denim jeans.
Tumingin sa akin ang mapang-akit niyang mga mata. I had to chew my lower lip as I looked away when he stood in front of me. Ni hindi ko magawang magsalita o humakbang papalayo, kaya nang kunin niya ang bag ko saka niya binuksan ang payong niya, hindi na ako nakatanggi pa.
Isinabit niya sa isa niyang braso ang bag ko saka niya ako pinayungan, at dahil hindi naman kalakihan ang payong niya, kinailangan niyang humawak sa balikat ko habang naglalakad kami.
My heart pounced so loud that I wasn't able to listen to ny rational mind anymore. Basta natagpuan ko na lang ang sarili kong nasa lugawan at itinatabi ang kalamansi sa gilid.
Kanor's forehead wrinkled. "Ayaw mo ng kalamansi?"
I swallowed and shook my head while still avoiding his gaze. Gusto kong umalis na, but I'm really really hungry.
"Hindi ako naglalagay ng kalamansi sa kahit na anong pagkain."
"Huh. Akin na lang pala."
Hindi ko na siya pinansin nang kunin niya ang kalamansi at piniga sa pagkain niya. Siguro napansin din niyang tinatamaan ako ng hiya dahil sa natapakan kong pride kaya nang mabagal ang naging pagkain ko ng lugaw, sandali niyang ibinaba ang kutsara niya.
"Sa Funlife ka nagtatrabaho?" he asked.
I realized I'm still wearing my ID so he knew. Inalis ko tuloy ang ID ko at ipinasok sa bag. "Hindi ba obvious?" pagtataray ko para lang pagtakpan ang hiya ko.
He smirked. "Marami yata kayong customer diyan. May investment ba na kasama diyan?"
"Bakit? Mag-a-apply ka?"
"Oo ba!" He grinned and leaned a little closer. "Basta ikaw ang magiging financial advisor ko."
Dahil sales na rin iyon ay bumuntong hininga ako at tinignan siya. "Fine. Magkano ang sahod mo sa isang buwan?"
Napawi ang kanyang ngisi na tila nahirapan siyang sagutin ang tanong ko. Mayamaya ay pinatunog niya ang dila niya saka muling ngumisi. "Wala, eh."
"You mean wala nang natitira sa sahod mo? Tsk tsk tsk. Kailangan mo ngang mag-avail ng insurance ko nang matuto kang mag-manage at mag-leverage, kasi kung hindi ka magiging financially smart, habambuhay ka na lang mahirap."
I honestly don't know my own road to riches. I just want to close deals and that's all.
I saw hin pursed his lips as if he was trying his best not to laugh. Tinaasan ko tuloy siya ng kilay.
"Anong nakakatawa? Hindi ka ba naniniwala?"
"Naniniwala syempre." He cleared his throat while still suppressing his smirk. "So tutulungan mo ako na magkaroon ng savings at investments? Magaling ka siguro sa investments."
I flashed a confident smirk kahit base lang naman sa trainings ang alam ko. "Syempre. Kaya nga ako financial advisor."
Ngumisi siya. "Ayos pala, ah. Magkano ba ang unang dapat ibigay sa insurance na ganyan?"
"Kahit mag-start ka lang muna sa two five."
"Million?"
"Gago, meron ka ba no'n?" Umirap ako. "Two thousand and five hundred pesos, Diyos ko."
"Ay sorry." He laughed. "Parang... matagal na kasi akong hindi nakakahawak ng ano... two five."
I sighed and shook my head. "Kailan ang sahod mo?"
"Uh... bukas. Tama, bukas. Bukas ba kailangan 'yong two five?"
Kumunot ang noo ko. "Bakit parang hindi ka sigurado kung sahod mo ba bukas o hindi eh kapag empleyado, mas kabisado pa ang payday at holiday kaysa sa birthday ng kamag-anak?"
"Nawala lang sa isip ko pero sure ako bukas may sahod na ko." He grinned. "Magkikita tayo bukas, 'di ba? Bibigyan kita ng two five? Tapos syempre kapag financial advisor 'di bs lagi 'yang kakausapin ng kliyente. Gano'n 'yan 'di ba?"
"Oo na."
"Ayos." Dinukot niya ang cellphone niyang binubuhay na lang yata ng scotch tape. Napakunot tuloy ako ng noo nang iabot niya sa akin iyon. "Number mo."
Kinuha ko ang cellphone niya saka in-examine. "Diyos ko, Jurassic era pa yata 'tong cellphone mo. Gumagana pa ba 'to?"
"Oo naman. 'Yan, pindutin mo lang 'yan."
He assisted me. Bumuntong hininga na lang ako at tinipa ang numero ko sa phone niya. Nang matapos ay nakangiti niyang tinanggap ang cellphone.
"Text kita mamaya."
"Bukas pa ang usapan natin."
"Ayos lang. Mag-gu-good night lang ako."
I rolled my eyes. "Binigay ko 'yan kasi kliyente—"
"Mag-gu-goodnight sa magiging financial advisor ko para naman ganahang tulungan akong yumaman."
Naningkit ang mga mata ko't nahampas ko siya sa braso. I glared at him yet deep down my heart, I knew his personality will soon shake my standard in men.
At hindi ko iyon pwedeng hayaang mangyari...