-=Slater's Point of View=- Minulat ko ang aking mga mata at ilang minuto din siguro akong nakatingin sa kisame ng kuwarto ko hinahayaan ko lang na walang bagay na pumapasok sa isipan ko. "Slater gising na!" ang narinig kong sigaw ng Mommy ko, monday na kasi ngayon at pasukan na ulit sa totoo lang lumipas ang araw ng linggo na parang wala lang. "Ok simulan na ang operation seduce Richard Arnaiz." ang malakas kong sinabi sa sarili ko, sa buong araw kasi ng Linggo ay pinag-isipan ko na nang mabuti kung paano ko mapapatunayan kay Xander na walang kuwenta ang pinili nitong boyfriend. Agad agad akong naligo at nag-ayos para pumasok naabutan ko pa ang Mommy ko sa kusina na pinaghahanda ako ng almusal. "Good morning." matamlay kong bati sa kanya sabay upo sa bakanteng silya. "Ano ba namang m

