-=Alexander's Point of View=- Pagkauwing pagkauwi ko palang ay dumiretso na ako sa kuwarto ko upang hindi na makita pa nang mom ko ang naging blackeye ko sa nangyari, kumuha na muna ako ng yelo sa Fridge at dali daling nilock ang pinto ng kuwarto ko, ayoko na kasing magtanong pa ito kung anong mangyayari at masyadong nakakahiya ang nangyari, imagine more than 5 people don't like me. Hindi ko tuloy maiwasang hindi isipin ang mga sinabi sa akin ni Slater, mukhang totoo nga ang lahat ng sinabi nito sa akin ngunit kahit tanggap ko na at pumayag na ako sa plano nito ay hindi ko pa din maiwasan kabahan kung anong mangyayari ng transformation na mangyayari sa akin bukas. "Bahala na nga bukas." inis kong sabi ko sa sarili ko, ilang minuto lang ay narinig ko ang pagbukas ng pinto ng bahay namin

