-=Slater's Point of View=- After kong makareceive nang tawag kay Xander na makikipagkita siya kay Ruke ay hindi ako mapakali, ilang beses ko nang sinusubukan tawagan ang binata ngunit hindi naman nito sinasagot. "Damn Xander, what the hell are you thinking, hindi ka pa handa." bulong ko sa sarili ko. Minsan ko lang nakita at nakausap si Ruke pero sa sandaling oras na iyon ay nabasa ko na ang ugali at tiwala nito sa sarili at kung hindi dahil mas astigin lang ako ay baka nilamon na ako nun ng buo and I don't think kakayanin ni Xander ang binata sa ganitong kaagang panahon. Imbes na mag bus ay minabuti ko nang sumakay na lang ng Taxi kahit na nga ba medyo kamahalan ang pamasahe ko from Caloocan to Gateway, nag aalala lang talaga ako sa binata. Nasa Cubao na ako nang sinubukan kong tawag

