CHAPTER 16 LUCAS POV Habang nakaupo ako sa swivel chair sa opisina ko, abala akong nagbabasa ng mga medical records ng iba kong pasyente. Katatapos ko lang mag-rounds, at halos mapuno na ang mesa ko ng mga chart at test results na kailangan kong i-review bago magtapos ang araw. Pinipilit kong mag-focus, pero naputol iyon nang biglang tumunog ang cellphone ko. Napakunot ang noo ko. Sino na naman ‘to? Akala ko isang emergency case o tawag mula sa hospital admin, kaya agad kong kinuha ang phone at tiningnan. Pero nang makita ko kung sino ang nag-text, napangiwi ako. Bank alert. Binuksan ko ang message, at halos mapatayo ako sa kinauupuan ko nang mabasa ko ang laman: “You have been charged ₱146,870.50 from your account.” “What the ?!” napamura ako nang mahina. Hinaplos ko ang sentido k

