CHAPTER 19 ZHED QUIAH POV Halos tatlong oras na akong paikot-ikot sa loob ng condo. Hindi ko na alam kung ilang beses akong nagpalit ng basahan, ilang beses akong nagwalis, at ilang ulit akong bumuntong-hininga sa sobrang pagod. Para akong nag-general cleaning sa buong mall, hindi lang sa condo. Naupo ako sa sofa na ngayon lang ulit nakalantad kanina kasi halos matabunan na ‘to ng mga damit at papel. Hinayaan kong mapahiga ako, nilatag ang braso sa noo habang hinihingal pa rin. “Grabe… ito na yata ang pinakapagod kong araw buong taon,” sabi ko habang nilalamas ang balikat ko. “Kung alam ko lang na ganito kakalat ‘tong condo, baka nagdalawang-isip muna ako bago pumayag kay Doc Llianne.” Tumingin ako sa paligid, at kahit sobrang pagod ko, hindi ko mapigilang mapangiti nang kaunti. Malin

