Bilisan mo pa,Windy!" sigaw niya sa kanyang kabayo.
Isa lang ang pinakapaborito niyang pinupuntahan kapag nasa hacienda siya. Ang pinakadulong bahagi ng hacienda el abra, kung saan naroon ang isang tagong sapa. At doon sila patutungo ngayon ni Windy, na alam niyang matutuwa rin ito tulad niya.
Habang mabilis ang pagtakbo ng kanyang kabayo ay unti-unti na niyang natatanaw ang kagubatang nais niyang puntahan.
"Malapit na tayong makarating sa paborito nating lugar Windy" pag-kausap niya sa kanyang kabayo na mas binilisan pa nito ang pagtakbo.
Ilang sandali lamang ay nakarating na sila sa pinakadulong bahagi ng kanilang Hacienda. Patalon na bumaba si Lola, sa kanyang kabayo at sandaling hinimas ang likuran nito.
"Alam kong sabik ka rin sa lugar na ito Windy," wikz niya sa kabayo.
Humalinghing naman ito na tila ba nauunawaan ang kanyang sinabi pagkatapos ay tumalon-talon ito.
Napahalakhak ang dalaga dahil sa ginawang iyon ng kanyang kabayo. Umalingaw-ngaw sa buong paligid ang halakhak ng dalaga na nagsilbing isang napakagandang musika sa buong lugar. Sumabay din sa paghuni ang mga ibon na nasa paligid lamang ng kagubatan.
Hinawakan niya ang tali ni Windy, atsaka nagsimulang maglakad papasok sa loob ng kagubatan.
"Mamaya, pagdating natin sa sapa ay papaliguan kita Windy, huh?" wika niya sa kanyang kabayo, at nagpatuloy sa paglalakad.
Habang papalapit sila sa sapa ay nakarinig si Lola, ng mga boses na parang nagmumula sa sapa. Napakunot ang kanyang noo at sandaling tumigil sa paglalakad, atsaka muling pinakinggan ang mga boses na kanyang naririnig. Mas lalong pang kumunot ang kanyang noo nang mapagtanto niya na mga boses ng lalaki ang nagmumula sa sapa.
Hinaplos niya ang likod ng kanyang kabayong si Windy, pagkatapos ay kinausap ito.
"Windy, iiwan muna kita dito, ha?" wika niya sa kabayo, atsaka niya tinali sa isang maliit na puno ang kabayo.
"Babalikan kita dito Windy, may titignan lamang ako," muli ay wika niya sa kabayo, pagkatapos ay mabagal siyang naglakad patungo sa sapa.
Habang papapalit sya sa sapa ay mas lumakas ang mga boses na kanyang naririnig. Ilang sandali lang ay natanaw na niya ang sapa.
Kumubli ang dalaga sa likod ng isang malaking puno, at palihim na pinanuod ang mga lalaking nagtatampisaw at nagtatawanan sa sapa. Pero mas nakuha ang kanyang atensyon sa isang lalaking nakatayo, at biglang tumalon sa sapa. Parang biglang bumagal ang buong paligid, ng lumangoy ang lalaki, gamit ang butterfly stroke. Natulala ang dalaga dahil pakiramdam niya ay bumilis ang t***k ng kanyang puso.
Pabalik-balik ang paglangoy ng lalaki. Nagpatuloy ang dalaga sa pagkukubli habang pinapanuod ito. Pero sa di inaasahan, ay biglang natapakan niya ang isang tuyong kahoy, dahilan upang gumawa ito ng ingay. Dahil sa takot na baka makita sya ng mga lalaking nasa sapa ay mabilis na umupo siya sa likod ng punong pinagkukublihan niya.
"SH*T! Nakita yata ang ng lalaking iyon!" naiinis na pagmumura niya habang nakaupo pa rin sa likod ng malaking puno.
Habang lumalangoy si Nathaniel, ay naramdaman niyang tila may mga matang lihim na nakasubaybay sa kanila, pero binalewala lamang niya iyon. Ayaw niyang magbigay ng panic sa kanyang mga kasamahan na abala rin sa pagligo. Ilang araw silang nasa isang operasyon, at ngayun lamang sila nakaligo. Habang naglalakad sila pabalik sa kampo ay saktong nadaanan naman nila ang sapang ito.
Habang napapasarap sya sa paglangoy ay nakarinig siya ng isang ingay na nagmula sa isang nabaling sanga ng isang tuyong kahoy. Mabilis na tumigil siya sa paglangoy, at pinagmasdan ang buong paligid, ngunit wala syang kahit na anong nakitang tao na nagmamasid sa kanila. Umahon siya sa tubig, ay kinuha ang kanyang damit, at isinuot ito, pagkatapos ay muling inilibot ang kanyang mga mata sa paligid. Alam niyang nagtatago lamang ang kung sino man ang nasa paligid na lumikha ng ingay kanina.
Ilang minutong nakaupo lamang si Lola, sa likod ng puno, habang hawak-hawak ang kanyang dibdib na mabilis pa rin ang t***k nito dahil sa kaba.
"Siguro naman ay pwede na akong tumayo, tutal naman ay tila hindi naman narinig ng mga lalaking nasa sapa ang ingay kanina," wika niya sa kanyang sarili.
Dahan-dahan siyang tumayo atsaka mabagal na tumingin sa sapa. Naka-ahon na ang lalaking lumalangoy kanina, at mas natulala ang dalaga. Hindi niya inaasahang gwapo pala ang lalaking ito. Nagpatuloy ang dalaga sa lihim na pagmamasid sa lalaking nasa sapa. Napangit ang dalaga, ngayun lamang bumilis ang t***k ng kanyang puso na parang nanggaling sa isang mahabang karera. Nakita niyang nililibot ng lalaki ang mga mata sa buong paligid, nang biglang mapatingin ito sa puno kung saan siya nakatago. Mabilis na nagkubli ang dalaga at tinakpan ang kanyang bibig.
"Oh my God! Nakita niya yata ako,", kinakabahan na wika ng dalaga sa kanyang sarili.
Napakunot ang noo ni Nathaniel, at nagsalubong ang kanyang mga kilay ng makita niya na may mga matang nagmamasid sa kanila sa likod ng isang malaking puno.
"Santos", tawag niya sa kanyang tauhan.
"Sir, bakit?" tanong naman nito at saka lumapit ito sa kanya.
Binulungan naman niya ito, na agad nagsalubong ang mga kilay nito.
"Wag kang magpapahalata," wika niya kay Santos. Pagkatapos ay dahan-dahan na lumapit ito sa iba nilang mga kasamahan.
Kanya-kanyang ahon sa tubig ang kanyang mga tauhan at mabilis na kinuha ang gamit ng mga ito. Kanya-kanya pwesto ang mga ito, at inilibot ang mga mata sa paligid upang makita kung meron iba pang nakamasid sa kanila.
Simula nang madestino sya sa bayang ito ay mas dumami pa ang mga taong labas. Ilang buwan pa lamang siya dito ay ilang beses ng nagkaroon sila ng engkwentro laban sa mga taong labas. Ilang tauhan na rin niya ang nalagas dahil sa hindi inaasahan na natambangan sila. Alam niyang parte ng kanilang trabaho ito, ngunit masakit para sa kanya na mawalan ng mga tauhan kaya hangga't maaari ay hindi na muling mangyari ang matambangan sila ng kanilang mga kalaban.
Kinuha ni Nathaniel, ang kanyang mga gamit at muling tumingin sa malaking puno kung saan niya nakita ang taong lihim na nagmamasid sa kanila.
Sinenyasan niya ang kanyang mga tauhan na maghanda. Naging alerto naman ang mga ito.
Lumapit si Santos, sa kanya.
"Sir, ano sa tingin mo, sino yung nakita mong nagmamasid sa atin? Kalaban kaya?" tanong nito habang nakatingin din sa direksyon kung saan siya nakatingin.
"Hindi ko alam, Santos, bigla kasing kumubli nung makita ko siya." tugon niya.
Samantala, patuloy naman na nakakubli si Lola, sa likod ng malaking puno.
"SH*T! Bakit biglang tumahimik ang paligid? Alam na ba nila na lihim ko silang pinapanuod?" wika ng dalaga sa kanyang sarili habang mabilis ang pagtibok ng kanyang puso.
Hindi alam ng dalaga kung ano ang gagawin niya. Kung lalabas ba siya sa kanyang pinagkukublihan, upang magpakita sa mga lalaking kanina ay masayang naliligo at nagtatawanan sa sapa, o dahan-dahan na lamang siyang aalis sa pinagkukublihan at balikan na lamang ang kanyang kabayo upang sa gayon ay makaalis na siya sa lugar na iyon at babalik na lamang sa susunod na araw.
Hindi alam ng dalaga ang kanyang gagawin.
"Bakit ba kasi ngayon ko pa naisipan na pumunta dito!" naiinis na wika niya sa kanyang sarili.