CHAPTER 44 WALANG trabahong ibinigay si Sir Boss sa akin. At wala rin s'yang work today dahil kahapon pa lang ay naayos na lahat ng dapat ayusin sa Azula Hotel maging sa iba pa nilang company. He even gave his employees a vacation trip. Dalawang linggo na bakasyon kung saan man ng mga ito gustong pumunta, together with their families. Si Travis na rin ang gumastos sa lahat ng expenses ng bawat pamilya ng kanyang employees, tanging mga sarili na lang nila ang kani-kanilang dala para sa bakasyong iyon. Kaya nga tuwang tuwa sina Kuya Migs at maging sina Yna nang malaman ang balitang iyon. Kahapon pa lang ay ready to go na ang mga ito sa kanilang vacation trip. Nagulat nga rin ako nang malaman na binigyan n'ya ng plane ticket ang mga kapatid ko, even Alexis, para sa trip to Seoul next week

