CHAPTER 47 NANG sumapit ang Holiday break, umuwi ako sa amin para icelebrate ang holiday season kasama ng dalawa kong kapatid. Dinalaw din namin ang puntod nina Mama at Papa at syempre nagtungo sa kapilya para magpasalamat sa Amang may likha. Binisita ko rin ang restaurant at coffee shop na pinapagawa ko na malapit nang matapos. Konting rennovation na lang at pwede nang ayusin ang mga equipment sa loob. Baka before dumating ang mid'year ay pwede nang buksan ang restaurant at coffee shop sa mga costumers. Sakto iyon sa graduation day ko. Hindi na ako makapaghintay. Bago mag alas-dose ay nagpasundo ako kay Kuya Migs sa bahay pabalik ng mansion. Nangako si Travis na magcecelebrate kami ng New Year kaya inagahan ko talaga ang pagbalik. "Nasa hacienda pa sina Sir Travis, Arissa. Mamayang

