CHAPTER 19

2131 Words
CHAPTER 19 IT'S BEEN what? Two days? Yeah, it's been two days since that unexpected accident happened. At two days na rin akong pinag-iisip nang pangyayaring iyon. Nang tanungin ko si Sage kung paano s'ya nakapunta sa ibaba ng ganoon kabilis at kung anong nilalang ba ito. Tinawanan lang ako ng siraulo. Sa tuwing napapatingin ako sa kanya, tatanungin ko s'ya tungkol sa nangyari. Pero isa lang ang isasagot n'ya sa akin. "I run as fast as I could so I can saved you, stupid witch. Sino ba kasing stupido ang aakyat sa hagdan para lang ayusin ang kurtina ng mag-isa? Nagpapakamatay ka ba?" Iyan ang palagi n'yang isasagot sa akin kapag nagtatanong ako. Napapaismid na nga lang din ako dahil dati crazy witch lang ang tawag nito sa akin, pero ngayon stupid witch na rin. Pero sa huli nagpasalamat pa rin ako dahil kung hindi sa kanya, siguro bumagsak na ako at nabalian ng buto. Kahit na may panglalait pang kasama kapag nagsasalita s'ya. Okay na rin. At least ngayon alam kong hindi masamang tao si Sage. Ang puso pa rin naman s'ya. Masungit nga lang talaga. At ngayon nga ay tumigil na rin ako sa pangungulit na magtanong. Wala rin naman akong makukuhang matinong sagot mula sa kanya, makatatanggap pa ako ng panglalait. "Ms. Montecarlos?" Napatingin ako kay Sir Boss. "Yes, Sir Boss? May ipag-uutos ka ba?" Sunday afternoon dumating si Sir Boss kasabay nina Nanay Wilma. Linggo kasi ng umaga ay wala ng bagyo kaya nakauwi na rin ang boss ko at dinaanan na rin nila sina Nanay Wilma para isabay papunta dito. At ngayon nga ay Monday na. Meaning work day na ulit. And speaking of Monday... Ngayon ang unang araw ng pasukan sa Oxford del Silvenia na nasa Central. "Si Hanz ang sasama sa'yo papunta sa OdS. Ihahatid kayo ni Migs papunta roon. Isa lang ang gusto kong ipaalala sa'yo, Ms. Montecarlos." "Ano po iyon Sir Boss?" Sumeryoso ang boss ko habang nakatitig sa akin. Tila ba may gustong sabihin pero hindi n'ya mabigkas. "Huwag kang lalayo kay Hanz kapag nasa OdS na kayo. If you want to live and go back here safe and sound, sundin mo ang sinabi ko. Don't ever leave Hanz's side, okay? Do you understand, Ms. Montecarlos?" Kahit hindi ko maintindihan kung bakit, tumango pa rin ako. Siguro nag-aalala lang si Sir Boss na baka mawala ako sa school na iyon, lalo pa't bago pa lang ako. Naiintindihan ko naman. Pero... Nag-aalala ba talaga sa akin si Sir Boss? Ah, siguro dahil ako pa lang ang medyo nakakatagal na secretary sa kanya. Mahirap nang maghanap ng bago. Susundin ko na lang ang utos ng nakatataas, hindi naman mahirap eh. "Sige po, Sir Boss!" "Before 5:30 ay maghanda ka na. Darating si Migs at Hanz para sunduin ka." "Okay po, Sir Boss?" "Pwede ka ng lumabas. Wala ka naman nang gagawin." Tumango naman ako bago lumabas ng opisina. Paglabas ay nakasalubong ko naman si Sage na galing yata sa library n'ya. "Sage..." tawag ko dito pero inismiran lang ako at nagpatuloy na sa paglakad. Pababa na ito ng hagdan kaya humabol ako. "Sage... Hoy, Sage! Wait lang naman. Ang bilis mong maglakad." Nang nasa gitna na ito ng hagdan ay bigla na lang itong tumigil sa paglakad kaya bigla akong sumubsob sa likuran n'ya. "Ano ba naman 'yan? Bakit bigla ka na lang tumigil?" Nakapamulsang humarap ito sa akin. "Sino ba kasing may sabi na humabol ka?" Napakamot ako sa ulo. "May itatanong lang sana ako." "If tungkol na naman iyan sa nangya—" "Hussshhhh!" Mabilis ko agad s'yang napigilan. "Hindi ito tungkol doon. Iisipin ko na lang na inadopt mo ang power ni Flash kaya nangyari 'yon. Ang gusto ko sanang itanong... sasabay ka ba sa amin mamaya papunta sa OdS?" Kumunot ang noo n'ya. "And why'd you ask?" "Wala lang." Tumaas ang isa n'yang kilay. Tila hindi naniniwala sa sinabi ko. "Wala nga kasi talaga. First day ko ngayon, 'di ba? Pupunta ako doon para kunin ang sched ko." "Who's with you, anyway?" "Ihahatid kami ni Kuya Migs. Pinasamahan ako ni Sir Boss kay Mr. Smith." Saglit na natahimik si Sage, parang nag-iisip. "Wait here, I'll talk to Travis." Naiwan ako sa gitna ng hagdan na nakakunot ang noo. Hindi alam kung anong nangyari kay Sage at bigla na lang nitong kakausapin ang pinsan. "Hey, Dollface! You look stupid in there." Nakita ko si Tyron sa ibaba—nakatingala sa akin habang natatawa sa itsura ko. Kahit ako ay sumang-ayon din sa sinabi n'ya. Mukha nga talaga akong tanga dito sa gitna ng hagdan. Nakatayong nakatunganga sa kawalan. "Ano bang ginagawa mo d'yan? Bumaba ka nga rito. Ah, no! Ako na lang pupunta d'yan, kailangan ko ring kausapin ang aking mahal na pinsan." Saktong papaakyat si Tyron nang lumabas ang dalawa pa nitong pinsan galing sa loob ng opisina. Nakakunot ang noo ng boss ko habang may sinasabi sa kanya si Sage. "Oh, hi there my two cousins." Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Tyron. Bumaba naman ang dalawa, palapit sa amin. So, anong drama namin nito? Sa gitna talaga ng mahabang hagdan tumambay? Hindi ko rinig kung anong pinag-uusapan ng dalawa. Pero gets kong ako iyon dahil tumingin sa akin si Sir Boss na sinundan pa ni Sage. So anong meron? "Arissa si Sage na ang sasama sa iyo." Panimula ni Sir Boss nang matapos ang uaapan nila ng pinsan. "P-Po?" "Sasama where?" Tanong naman ni Tyron. "Naisip ko na tutal doon din naman pumapasok si Sage at alam na n'ya ang pasikot-sikot sa OdS, sya na lang ang sasama sa'yo sa pagkuha ng schedule mo. And nasa iisa lang naman kayong school, Sage suggested na s'ya na ang bahala sa'yo. First day mo ngayon and maganda nang may kakilala kang makakasama. Naayos ko na ang schedule mo, makakasama mo si Sage sa klase." Napanganga ako. WAAAHHHHH! REALLY? Akala ko mag aadjust pa rin akong mag-isa sa school, mabuti na lang mag kasama ako sa klase na kakilala ko. Hindi ako mahihirapan if may hindi ako alam. "Ahhh! That's so daya naman." Sabay-sabay kaming napalingon kay Tyron dahil sa komento nito. Tinaasan s'ya ng kilay ng dalawang pinsan. "What are you doing here, Ty? I thought you're in Hacienda?" "Couz iyon na nga eh. Ang boring na sa Hacienda. Palagi lang iyon ang nakikita ng mga mata ko. Gusto ko naman ng new surroundings." "And? What are you telling to say?" "Don't hear him out, Trav. Kalokohan na naman ang nasa isip ng kumag na 'yan." Sage uttered. Hindi naman s'ya pinansin ng pinsan at nagpatuloy pa rin sa nais sabihin. "So I also want to suggest na... I can go with them too?" "See? Kalokohan. Para sabihin ko sayo Mang Tyron, graduated ka na po isang daang taon na ang nakalilipa—" "Oh, shut up nerd. Gusto mo lang yatang masolo si Dollface eh. May pa suggest-suggest ka pang nalalaman. Tsk!" "As if naman. Tumahimik ka nga, old man." Nagsukatan ng matatalim na tingin ang dalawa. Walang may gustong bumitaw sa titigan. Oh, please! We're here in the middle of the stairs, for goodness' sake. Dito pa talaga nila naisipang maglaro ng starring game? "You, two! Stop fooling around!" Umalingawngaw ang malalim na boses ni Sir Boss sa buong second floor, dahilan para manahimik ang dalawa. "Kayong dalawa..." Turo n'ya sa amin ni Sage. "Mag-ayos na kayo ng inyong mga sarili. And you!" Then he pointed out Tyron. "Samahan mo ako sa Hacienda. Bibisitahin ko ang mga bagong pananim." At nauna na ngang maglakad pababa ng hagdan si Sir Boss. Wala namang nagawa si Tyron kundi ang kakamot-kamot sa ulong sumunod sa pinsan paalis. "We'll leave in a minute. Go change your clothes. I'll wait you in the parking lot." Hindi agad nagproseso sa utak ko ang sinabi ni Sage sa akin. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na ang lalaking ito talaga ang nagsuggest niyon kay Sir Boss. Himala! Mabait ngayon ang masungit na binata. Epekto ba ito ng kinain n'yang sopas noong nakaraang araw? "Hey, stupid witch! What are you waiting for? New year? Go and get change. Ayoko ng kilos-pagong na kasama." Doon lang ako natauhan. "A-Ahh, o-oo. Opo mahal na prinsipe, kikilos na." He rolled his eyes at me before going upstairs. Akala ko may himala na, free taste lang pala iyon. Tumakbo na ako papunta sa kwarto para makapagbihis na agad. Baka mabulyawan na naman ako ng masungit na si Sage kapag natagalan pa ako. Simpleng white and black crop top jacket and black highwaist pants ang sinuot ko. Pinaresan ko rin ng highcut sneaker and viola! Ready to go na. Naglagay lang ako ng light make-up sa mukha at liptint sa labi. Hinayaan ko na lang na nakalugay ang wavy at medyo mahaba kong buhok. Pagkatapos kung mag-ayos ng sarili kinuha ko na ang bag ko saka lumabas ng kwarto. Dumiretso agad ako sa parking lot malapit sa may fountain. Doon kasi nakaparada ang mga sasakyan. "Girls and their stuffs." Bungad sa akin ni Sage. Napaismid ako. "Let's go!" Pumasok na s'ya sa loob ng black Bugatti Chiron. Sheyt! Seryoso ba? D'yan kami sasakay? Nakakahiya naman. Ang gara ng kotse at para bang nakakatakot madumihan. Inis na nilabas ni Sage ang ulo sa bintana. "Are you deaf, stupid witch? I said... let's go? Ano pang tinutunganga mo d'yan?" "A-Ahh, s-sorry! Nandyan na." Akmang bubuksan ko na sana ang pinto ng back seat nang bulyawan na naman ako ng nagsusungit na si Sage. "Am I your fcking driver? Dito ka sa harap and fcking hurry up!" Napayuko ako. Shuta! Mas matindi pa pala ang lalaking ito sa inaasahan ko. At mas nakakatakot pa nga s'ya kung magalit kaysa kay Sir Boss. Goodness Arissa! Umayos ka kung gusto mo pang makauwi mamaya ng buhay. Tahimik lang ako habang nasa byahe. Nakatanaw sa labas ng bintana at kinakabisado ang dinaraanan namin. Baka kasi kapag nasagad na ang inis sa akin ni Sage ay bigla na lang n'ya akong itulak palabas ng sasakyan. Mabuti nang alam ko ang daan para kung sakaling mangyari nga, alam ko ang daan pauwi sa mansion. Wala akong nakitang mga bahay sa paligid, tanging matatayog at naglalakihang mga punong kahoy ang nakikita ko. Nasa probinsya kaya kami? O baka nasa gitna ng malawak na virgin forest? Puro puno lang kasi ang natatanaw ko, at ilang bundok sa di kalayuan. Hapon na kaya naman malamig na ang simoy ng hangin. Ibang iba ang lugar na ito sa kabihasnan na puro sasakyan ang nagkalat sa lansangan. Malayong malayo sa polluted na lungsod. Sa ganitong lugar masarap mamamuhay. Simpleng buhay lamang ang meron dito. Walang gulo at wala ring sakit ng ulo. Napaliligiran pa ng luntiang tanawin at sariwang hangin. Those green sceneries in front of me made me chill ans relax. Ilang minuto pang byahe ay may natatanaw na akong mga taong naglalakad. May mga dala-dala silang basket na naglalaman ng iba't ibang klase ng gulay. Bumusina si Sage kaya nagsitabihan ang ilang naglalakad. Saglit na tumigil ang sasakyan pagtapat namin sa kanila. Binuksan ni Sage ang bintana ng kotse at nagulat ako ng batiin n'ya ang isa sa matandang babaeng may dala-dalang basket. "Magandang hapon po Aling Karmen." Gulat na yumuko ang matanda bago bumati pabalik. "Ay, kayo po pala Senyorito Sage. Magandang hapon din po." "Itatanong ko lang kung galing kayo sa Hacienda." "Opo, galing po kami sa Hacienda. Kaaalis lang din po kanina ng Young Master kasama si Sir Tyron." Nakita kong saglit na sumulyap sa akin ang matanda saka ngumiti. Tumango ako at ngumiti rin dito. Nagpaalam na si Sage saka muling pinaandar ang sasakyan paalis. May mga bahay akong natatanaw sa di kalayuan. Malalaki ang mga bahay na naririto. Magkakalqpit lang din ngunit may bakod na gawa sa semento ang nagsisilbing harang. Kung sa lungsod ay nasa isang subdivision kami, dito ay Village ang tawag nila. "Sage, ito na ba ang Village? Dito ba nakatira sina Nanay Wilma pati na rin ang iba?" Saglit na sumulyap sa akin si Sage bago sumagot. "Yeah, dito nga." Muli akong natahimik. Pinagmasdan ko na lang ang mga bahay na nadaraanan namin. Sa kaliwang bahagi ay may isa pang daan at mga bahay din ang naroroon. Malaki pala ang Village na ito at maraming bahay. Nang makalampas na kami sa Village ay isang tahimik na daan ang aming tinahak. Medyo madilim na ang dinaraanan namin dahil sa mayayabong na puno sa magkabilang gilid ng kalsada. "Are you mad, Paige?" Nagulat ako sa biglang pagtatanong ni Sage. Napatingin ako dito na nasa unahan ang tingin. "H-Huh?" "You're so quite the whole ride. That's why I'm asking you..." Tumingin si Sage sa akin habang tuloy naman sa pagmamaneho ang mga kamay. "Are you mad at me Paige?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD