CHAPTER 7

1845 Words
CHAPTER 7 KATULAD nga ng sinabi ni Nanay Wilma, sinamahan ako ni Yna sa paglilibot sa buong mansion. "Dito sa unang palapag, naririto ang kusina, dining area at ang lobby. Sa lobby o living area malimit mong makikita si Sir Tyron kapag naririto s'ya. Kung hindi naglalaro ng cards, natutulog naman ito sa sofa." "Hindi ba uso sa kanya ang kwarto?" Natawa si Yna sa sinabi ko. "Kapag kasi nalilibang si Sir Tyron sa paglalaro, minsan nakikita na lang namin na nakapikit na s'ya. Kapag kasi naglaro ito ng umaga, aabutin na ito ng gabi bago matapos." "Grabe naman." "At bawal itong istorbohin kapag naglalaro. Hindi mo magugustuhan ang mangyayari kapag inistorbo mo s'ya sa kanyang ginagawa." "Bakit? Nangangain ba ng buhay?" "Oo." "H-Hoooyyyy!" "Joke lang." "Akala ko talaga." "Pero kakainin ka talaga n'ya ng buhay... sa ibang paraan nga lang. Iyong tipong uungol ka sa sarap." "YNA!!" Luminga-linga pa ako dahil baka marinig s'ya ni Nanay Wilma. Baka sabihin pa nitong pinag-uusapan namin ang tatlong Cordova. Tumawa lamang ito sa reaction kong epic. Hindi naman sa inosenteng walang alam, pero virgin pa talaga ako. Ngunit dahil nagbabasa rin naman ako ng Romance stories minsan, eh hindi naman talaga iyon mawawala. Medyo awkward lang talaga lalo na at dito sa mansion namin napag-uusapan. Paano na lang pala kung may cctv pala dito o hidden cameras. Edi buking ang naging usapan namin tungkol sa bagay na iyon. "Nakakatuwa ka naman Arissa. Wala ka bang boyfriend?" "Wala. Wala pa." "Kaya naman pala. So meaning never been kiss, never been touch ka?" "P-Parang ganoon na nga. Pero huwag na nga iyon ang topic natin. Ipagpatuloy na lang ulit natin ang paglilibot." "Sige." Sinabi lahat ni Yna ang mga pasikot-sikot ng bawat sulok ng malaking mansion. "Kapag nandito na si Sir Travis, s'ya na ang bahalang mag-utos sa'yo. S'ya naman ang boss mo, at ikaw ang sekretarya n'ya 'di ba?! Pero ipapaliwanag ko pa rin sa'yo ang ilang bagay para alam mo na at hindi ka mangapuhap sa dilim." "Salamat Yna." "Walang anuman. So, dito sa kusina kapag naririto ang Young Master hindi kami nagpupunta dito, maliban na lang kung ipapatawag kami para maglinis. Tuwing alas-tres ng hapon lang kami pupunta dito pagkaalis nila papuntang Central." Naglakad kami papasok ng kusina. May mahabang mesa na may sampong upuan sa kabilang gilid. "Dito kumakain ang magpipinsang Cordova pagdating ng hapunan." May dala akong maliit na notebookat doon ako nag chachatdown ng mga informations. Baka kasi may makaligtaan ako, mabuti na iyong handa at nag-iingat. Ayokong magkamali baka masisante pa ako agad. "Nakalagay sa refrigirator lahat ng mga kakailanganin mo sa pagluluto ng pagkain mo. Sa ibabang bahagi nakalagay ang pagkain at inumin ni Sir Travis. Baka kasi ikaw ang utusan n'ya kapag maraming ginagawang trabaho. Mabuti nang alam mo 'di ba?" "Oo naman." "Ah, nga pala. Ayaw ni Sir Travis na sobrang luto o hilaw ang pagkain steak n'ya. Hindi rin s'ya kumakain ng ibang pagkain maliban dito. Tapos ihahanda mo rin ang red juice n'ya kasama ng steak. Hindi iyon dapat mawala. Kada linggo naman ay may nagsusupply nito dito, kung sakaling papaubos na." Isinulat ko iyon sa aking notes. Ang sosyal naman. Steak and red juice talaga?! Pagkatapos ay umakyat naman kami sa second floor. "Puro kwarto lang ba ang naririto?" "Oo. Pero kada kwarto ay may iba't ibang purpose. Katulad nito..." Binuksan ni Yna ang unang pinto, malapit sa may hagdan. "Ito ang opisina ni Sir Tyron." Maganda ang loob. May mga malalaking paintings at collage na nakasabit sa dingding. May mesang puno ng mga sketch pad at lapis sa gitna. Isang swivel chair sa harap ng mesa at malaking bintanang may kurtinang pula naman ang nasa likuran nito. May book shelf din sa tabi na may mga makakapal na aklat. May tatlong sofa at isang maliit na mesa sa gitna. "Ang sunod na kwarto naman ay study room ni Sir Sage." At katulad ng inaasahan, parang mini library ang itsura ng sunod na kwarto. Ito daw ang study room ni Sir Sage. "Next, opisina ito ni Sir Travis. Dito s'ya malimit magkulong para gawin ang kanyang office works. 24/7 dito mo s'ya makikita." Malinis ang buong kwarto. Maayos din ang pagkakasalansan ng mga gamit sa bawat drawer, maging ang napakaraming aklat sa bawat shelves. May mesang pang opisina sa gilid at isang swivel chair. Sa bandang likod naman ay may isa pang mesa at upuan. "Iyon ang magiging table mo dito sa loob ng opisina ni Sir Travis." Katabi iyon ng malaking bintana, na katulad ng mga nauna, kulay pula rin ang kurtina nito. "Kulay red ba ang favorite color nila?" "Bakit mo nasabi?" "Kasi puro pula ang kulay ng kurtina. Kulang na lang maging bloody red din ang kulay ng buong mansion." "Siguro nga favorite lang talaga nila ang bloody red na kulay. Maganda naman 'di ba?" "Oo naman. Medyo creepy nga lang." "Masasanay ka rin." Pinaliwanag pa ni Yna lahat ng kwarto sa ikalawang palapag. Sunod na tinahak naman namin ay ang third floor, kung saan naroroon ang kwarto ng tatlo at maging ang ilang kwartong bawal pasukin. Geezzzz.... Bakit kaya bawal? Hindi kaya may multo roon or something? WAAAHHHH! Hindi ko babalaking umakyat dito sa ika'tlong palapag ng mansion. Ayaw kong makasagupa ng multo. "Ito ang kwarto ni Sir Travis." Tinuro lamang ni Yna ang pintong may maliit na papel, nakadikit iyon at may nakalagay na 'Young Master'. Sinulat iyon gamit ang kulay berdeng pintura. "Ang sunod na pinto ay kwarto ni Sir Tyron at ang panghuli naman ay kay Sir Sage." Katulad ng naunang pinto may nakadikit ding papel sa dalawa na may nakasulat na pangalan ng nag mamay-ari niyon. "Bawat kwarto dito ay hindi pwedeng pasukin. Tangin si Mr. Smith lamang at Manang Wilma ang maaaring pumasok sa loob kapag ipinapatawag ng kahit sino sa tatlo." "Bakit daw bawal pasukin?" Umiling iling si Yna. "Hindi rin namin alam." Nacurious tuloy ako. Bakit kaya? "Halika na sa ibaba. Malapit nang maghapunan. Kailangan na rin naming umuwi." "Malapit lang ba ang bahay n'yo dito sa Villa?" "Malapit lamang dito ang tahanan namin. Madaraanan ang Village kapag papunta ng Central." "Ano palang meron sa Central?" "Ang Central ay isang exclusive village. Mayayaman lamang ang naninirahan sa lugar na iyon. Naroroon din ang Oxford Del Silvenia Academy, isang prestigious university sa lugar na ito. Pili lamang ang nakakapasok sa magandang eskwelahang iyon. Ang bali-balita pa, mga hindi pangkaraniwang nilalang lamang daw ang maaaring mag-aral doon." "Ows?" "Ayon lamang iyon sa mga sabi-sabi ah. Hindi pa kasi ako nakakapunta roon eh. Kaya ikaw, ang swerte mo kaya dahil sabi ni Mr. Smith ay doon ka rin mag-aaral, kasama ni Sir Sage. Oh my, sana all!" PAG-ALIS nina Nanay Wilma ay ako na lamang mag-isa.ang natira dito sa mansion. At para hindi ako mag-isip ng kung anu-ano, napagpasyahan ko na lang na ayusin ang mga dala kong gamit sa kwarto. Maayos naman ang pagkakalagay ng mga gamit sa loob kaya hindi ako nahirapan kung saan ko ba ilalagay ang ilang gamit na dala ko. Sobrang ganda talaga ng kwarto kahit na medyo nakakatakot ang kulay ng kurtina. Bakit kasi kulay pula pa? Ang creepy kayang tingnan ng bloody red tuwing gabi. Malimit pa naman akong magising sa kalagitnaan ng pag-tulog ko. Pero hayaan na nga lang. Gumawa ako ng panaling ribbon para itali sa mahabang kurtina. Para naman hindi ako kilabutan. Aayusin ko na lang at pagagandahin. At dahil gawa sa bubog ang bintana sa paglihis ko ng kurtina para itali ito, nasinag ako sa silaw ng papalubog na araw. "Ang ganda! Tamang tama pala ang kwartong ito para sa akin." Mula dito sa pwesto ko ay makikita ang kulay kahel na kalangitan. Naghahalong orange at pink ang kulay ng magandang tanawin sa aking harapan. Papalubog na kasi ang araw kaya napakaganda nitong pagmasdan. Hindi naman pala masama. Ipinagpatuloy ko na lamang ulit ang pag-aayos. Dalawang oras yata ang inabot ko sa pag-aayos ng kwarto, bago ako makaramdam ng kagkalam ng sikmura. Napatingin ako sa bintana at madilim na sa labas. Gabi na pala. Tumayo na ako at lumabas ng kwarto. Nagtungo agad ako sa kusina dahil gutom na talaga ako. "Mabuti na lang may natira pa kanina. Hindi ko na kailangang magluto, iinitin ko na lang ito." Habang hinihintay ang pag-init ng ulam, napatingin ako sa malaking orasan na nakasabit sa dingding, sa may sala. "Alas-itso na pero wala pa rin sila? Ibig bang sabihin ako lang mag-isa sa malaking mansion sa loob ng malaking Villa na ito? WAAHHHHH! Mama, Papa!" Nayakap ko ang aking katawan ng makaramdam ako ng pagsimoy ng malamig na hangin. Saan iyon galing? Sarado naman lahat ng bintana at maging ang pintuan. Paanong makakapasok ang hangin dito sa loob? Nang tumunog na ang oven ay nagmadali na akong kunin iyon kasama ng kanin. Dumiretso ako agad ako sa kwarto, doon na lang ako kakain. Hindi ko yata kakayaning kumaing mag-isa dito sa dining area. Muntik pa nga akong matapilok sa hagdanan dahil sa pagmamadali. Nakahinga lang ako ng maluwag nang maisara ko na ang pinto ng kwarto. Nilapag ko ang dala kong tray na may kanin at ulam na adobo sa mesa, saka hinihingal na naupo sa upuan. "Grabe! Nakakapagod umakyat ng hagdan." Nilantakan ko na lang ang pagkain ko, baka sakaling maging maayos ang takbo ng aking pag-iisip. Kung anu-ano na lang kasi ang naiisip ko eh. Kababasa ko talaga ito ng mga libro at kapapanood ng mga horror movies. Hindi na ako uulit. "Hhmmm... Ang sarap talaga." Sobrang sarap magluto ni Nanay Wilma. Next time magpapaturo ang ng recipe n'ya ng chicken pork adobo. Napatigil lamang ako sa pag-kain nang may bigla akong maalala. "WALA AKONG DALANG TUBIGGGGG!" Napalo ko ang aking ulo dahil nakalimot ako ng tubig. Dahil sa pagmamadali kanina, nakalimutan ko pang kumuha ng maiinom. Oh em gie! May pagkain nga wala namang panulak. Huminga ako ng malalim bago tumayo at magtungo sa pintuan. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at dinukwang ko ang aking ulo sa siwang. Luminga-linga muna ako kaliwa't kanan bago tuluyang lumabas ng kwarto. Maliwanag ang buong kabahayan at tanging sa ika'tlong palapag lamang walang ilaw. Hindi naman nakakatakot. Sarili ko lang talaga ang tumatakot sa akin. Hindi na talaga ako manonood ng mga horror movies sa youtube. Malapit na ako sa may hagdanan nang mapatingin ako sa kabilang bahagi ng hallway. Wala roong ilaw dahil wala namang mga kwarto roon. Mga sinaunang paintings lamang ang nakasabit sa dingding. At tanging ang maliwanag na sinag ng bilog na buwan lamang ang nagbibigay ilaw sa bahaging iyon ng second floor. At ngayon ko lang din napansin na may malawak na balkonahe pala roon. Nakasara kasi ang kurtina kanina kaya hindi ko nakita. Dahil bukas ang glass door sa veranda, pumapasok ang malamig na simoy ng hangin. Maging ang puting kurtina ay tinatangay rin. "Dito siguro galing iyong hangin kanina sa kusina." Naglakad ako roon para isara sana ang glass door nang may mapansin akong kakaiba sa labas. Anino. Hindi pala anino, kundi bulto ng isang lalaki ang naaaninag ko sa puting kurtina. Sino ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD