Kabanata 15 "Date tayo." Malambing na pagyayaya ni Jonna sa akin. Napatigil ako sa pagbibigay ng bayad sa tindahan at napalingon ako sa kaniya. "Kahapon lang tayo nag-date ah?" sambit ko. Nakita ko na natigilan ang lukaret nang marinig ang sinabi ko. Grabe naman this girl. Parang may patago siya sa akin ah! Laging date ang gusto. "Gusto ko araw araw para lagi kitang nakikita at nakakasama." palusot niya pero alam kong nagsisinungaling siya. Lagi kaming nagkikita. Gusto lang talaga niyang dalhin ko siya sa kung saan saan para libre gala tapos may pakain pa. Laging busog ang tomboy na ito sa akin. "Gaga! Mauubusan ako ng pera sa'yo." madiin kong pagtanggi sa kaniya. Ang ipon ko ay kakaunti na lang. Medyo bumaba ang sahod ko dahil kakaunti na ang nai-re-recruit ko. Kailangan ko ng ma

