Kabanata 7 "Girl!" malakas kong tawag kay Kenny. Nagpapadyak ako habang pinupuntahan siya sa loob ng dressing room. Kunot noo na lumingon siya sa akin. Nakabusangot ang mukha na umupo ako sa upuan. "Ano? Bakit ganiyan ang pagmumukha mo? Para kang pinagbagsakan ng langit at lupa!" Puna niya sa akin habang ibinibigay sa akin ang wig na gagamitin ko mamaya. "Hindi na ko virgin!" sumbong ko sa kaniya. Mas lalo kong naramdaman ang panlulumo, lungkot at pighati. I'm not a virgin like Mama Mary na. "Ha? Sinong kumuha ng puri mo? Pogi ba? Daks ba o baka naman jutay? Masakit ba? First time mo, teh!" Sunod sunod na tanong niya sa akin. Halata sa boses niya ang pagka-sabik. Inirapan ko siya at pagkatapos ay itinapon ko sa lamesa ang wig na ibinigay niya kanina. Ginulo ko ang buhok ko na medyo

