Kabanata 4

2347 Words
Kabanata 4 "Anak, may napapansin lang ako sa'yo." Wika ni Mama kaya napatigil ako sa paggagayat ng sibuyas. Naramdaman ko ang unting unting pagbilis ng t***k ng heart ko. Oh my gosh, did she know na? Nanlaki ang mga mata ko kaya hindi ako lumingon sa kaniya. Itinuloy ko ang ginagawa ko para hindi niya mapansin na kinakabahan ako. "Ho? Ano po iyon, Ma? Wala naman pong kakaiba sa akin." magalang kong sabi kay Mama. Hindi maalis ang kaba sa aking dibdib. Nagiging obvious na ba talaga ang kilos ko? Hindi pwedeng malaman ni Mama na bakla ako. Baka masabi niya iyon kay Papa. I'm sure I will be dead like a chicken. "Yung pananalita mo." maikling sagot ni Mama kaya mas dumoble ang kaba ko. My beautiful voice? Oh my gosh! And I remembered something.... Mag-isa lang ako sa bahay kahapon. Pumunta si Papa sa kaibigan niyang pulis. Napasigaw ako kahapon nang makakita ako ng flying ipis. Saktong pumasok si Mudrakels sa pinto at naabutan akong tumili. Naramdaman ko ang unti-unting pagtulo ng pawis sa aking noo. Pinunasan ko ito gamit ang likod ng palad ko. "Ano pong problema sa pananalita ko?" tumikhim ako at magalang ko siyang tinanong. "Minsan kasi ay napapansin ko na medyo lumiliit ang boses mo." sagot niya kaya napalunok ako ng laway. Mas lalo kong naramdaman ang pinaghalong takot, kaba at pagkabalisa. Ang nararamdaman ko ay parang three in one na coffee! Halo halo na! I'm so kinakabahan na with a capital K. Lumingon ako kay Mama at pagkatapos ay ngumiti ako ng pilit sa kaniya. "Po? Hindi po. Sadyang medyo nagbabago po ang boses ko dahil sa kakasigaw sa trabaho. Malalayo po kasi ang pagitan namin kaya minsan pag kailangan ng tulong ay napapasigaw kami. Wala po kasing telepono na naka-assign sa bawat workers." palusot ko kay Mama. Napansin ko ang paniningkit ng kaniyang mata kaya napalunok ako. Umiwas ako sa kaniya nang tingin at inilagay ko ang sibuyas sa isang pinggan. "Ganoon ba." tanging sabi ni Mama. Tumango ako sa kaniya. Sunod kong ginayat ang bawang habang ilang beses na nananalangin sa isip na sana ay maniwala siya sa akin. "Oo naman po." magalang kong sagot sa kaniya. Lumingon ako sa kaniya at pagkatapos ay napansin ko ang pagngiti niya kaya medyo nakahinga ako nang malalim. I thought I'm huli na! "Huwag mong masamain, ha, anak? May napapansin din kasi ako sa kilos mo. Minsan ay ang lambot lambot ng lakad mo, yung parang mabagal at pino ang lakad. Napapansin ko din na pumipilantik ang kamay mo." pahayag niya sa akin kaya muli akong nakaramdam ng pagkabalisa. Pilit kong itinago ang kaba kaya ako tumawa nang malakas. "Ma, minsan kasi ay napapalambot ang lakad ko dahil sobrang sikip ng brief ko. Hindi pa po kasi ako nakakabili ng bago." "Yung sa kamay ko naman po ay sadyang ganoon. Siguro po ay napapasma na." mahina kong palusot sa kaniya. Ngumiti siya ngunit hindi iyon umabot sa kaniyang mga mata. She's sad with a capital S. Hinawakan niya ang aking braso at naramdaman ko ang marahan niyang pagpisil dito. Tinitigan niya ako sa mata at nakita ko ang lungkot doon at panghihinayang. "Anak, huwag ka nang magdahilan pa. Pansin ko kung ano ka kahit hindi ka magsabi. Hindi man napapansin ng Papa mo, sa sarili ko ay alam kong bading ka." sabi niya at tila isa itong bomba na sumabog sa harapan ko. Ang puso ko ay tumibok nang sobrang bilis. Kirot ang naramdaman ko sa dibdib nang makita ko ang pagkadismaya sa kaniya. Umiling ako sa kaniya. Kahit na nasasaktan ay hindi ko ito pinakita. "Ma, hindi ako bading." pagtangi ko sa kaniya. "Wala namang masama kung aamin ka sa akin na bakla ka pero sana ay pigilan mo." Nakikiusap na sabi niya kaya napasinghap ako. Hindi naman napiligilan ang pagiging bakla. Ilang beses ko ng ginawa ngunit hindi ako naging successful. Laging legwak ganern! Failed lagi! Sadyang pagiging bakla ang gusto ng katawan ko. "Ang bakla ay hindi—" ang aking pagsasalita ay naputol dahil sa biglang pagsingit ni Papa sa usapan namin ni Mama. Napalingon ako sa may pinto sa kusina. Nakita ko doon si Papa na nakatingin sa amin habang nakakunot ang noo. Pansin ko din ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa saklay. Mas lalong naging triple ang kaba na nararamdaman. "Sinong bakla?" mariin na tanong ni Papa kaya napalunok ako ng laway. Nakita ko ang pandidiri sa reaksyon ni Papa kaya tumindi ang sakit na nararamdaman ko. They don't like gays. Ilang beses na nilang sinabi iyon ng harapan ngunit mas masakit pa lang makita iyon sa kanilang mukha. Ang reaksyon nila ay lubos na nakakapatay sa akin. "Pa!" may kalakasan na tawag ni Mama sa kaniya. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Papa habang tinitingnan niya kami ni Mama. Binitawan ko ang hawak kong kutsilyo dahil hindi ko na ito mahawakan pa nang maigi dahil sa pagkabalisa. Sana ay hindi sabihin ni Mama ang tungkol sa akin. Sana ay pagtakpan niya ako. Tanging dasal ko sa isip ko habang kumakabog nang malakas ang dibdib ko. "Ano? Bakit ganyan ang reaksyon niyo? Para kayong nakakita ng multo. Namumutla kayo, ah?" Puna ni Papa sa amin. "May pinag-uusapan lang po kami ni Mama." tanging sagot ko kay Papa. Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Papa. Ang kaniyang noo ay nangunot dahil sa kalituhan. "Tungkol saan? May narinig akong bakla. Sinong bakla?" mariin niyang tanong kaya bumilis lalo ang t***k ng puso kong hindi na mapakali. "Po? Ano po....si—" Ang pagpapalusot ko ay pinigilan ni Mama kaya halos mahimatay ako sa kaba sa kaniyang sasabihin. "Yung anak ni Israel at Jela ay nagladlad na." pagsisinungaling ni Mama kaya napatingin ako sa kaniya. Napalingon ako sa kaniya at nakita ko ang pasimple niyang pagtingin sa akin at pagngiti. Mahina akong napabuntong hininga at tumango. Nabawasan ang kaba na nararamdaman ko. Tumingin ako kay Papa at nakita ko na naging kalmado na ang reaksyon niya. "Ah? Oo nga nakita ko nga. Ang mga kabataan nga naman kung ano anong pumapasok sa kokote. Kalalaking tao tapos magiging bakla. Hindi ba nila alam na kasalanan sa mata ng Diyos ang ginagawa nila? Mga hunghang! Parami nang parami ang mga lahi ng mga berdeng lalaki. Ang pangit tingnan. Ang iikli pa ng mga suot. Sila ang nagpapasama sa mundo. Mga salot.." malakas na sabi ni Papa. Unti-unting kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang paglabas ng hinaing. Naramdaman ko ang kirot sa aking puso. Sobrang sakit na ipinapamukha niya sa akin na salot ako. Ang aking pagpipigil ay hindi ko na napigilan pa. "Pa, hindi naman po masamang maging bakla. Hindi naman po sila mga masasamang tao. Nagbago lang po sila ng kasarian pero mabuti parin naman po silang tao. Wala din naman po silang inaagrabyado—" Paliwanag ko ngunit hindi niya ako pinatapos sa aking sinasabi. "Ah basta! Ang bakla ay bakla. Ayoko sa kanila. Mga makasalanang nilalang. Wala naman silang maaayos na naiaambag sa lipunan." malakas na sabi ni Papa at pagkatapos ay malakas niyang pinatunog ang dulo ng saklay sa tiles namin. Napayuko ako upang iiwas sa kanila ang tingin. Naramdaman ko ang pag-init ng gilid ng mata ko ngunit pinigilan ko ang sarili na napaiyak sa harapan nila. "Papa, huwag ka namang magsalita ng ganyan. May mga puso pa rin naman silang busilak." mahina kong paliwanag sa kaniya. Ngunit tama nga na ang isang saradong utak ay mananatiling sara kahit sa anong paliwanagan. Matibay ang paniniwala nila at iyon lang ang gugustuhin nilang paniwalaan. Hindi ang opinyon ng ibang tao. "Wala akong pakialam. Basta ayoko sa kanila at hindi magbabago ang pananaw ko sa mga tulad nila." mariin niyang sabi. "Kaya ikaw Daniel!" malakas na sabi niya kaya napatingin ako sa kaniyang mukha. Kita ko ang kaseryosohan sa kaniyang mukha. Napalunok ako. Halos mawala ang katinuan ko nang titigan niya ako nang mariin. "Po?" tugon ko. Pinanlisikan niya ako ng mata kaya nakaramdam ako nang pagkataranta sa mariin niyang tingin. "Huwag na huwag kang maglalalapit sa mga bakla at baka mahawahan ka! Hindi mo na masasabi ang panahon. Baka konting dikit mo sa kanila ay mapagaya ka sa kanila." bilin niya sa akin. Umiling ako sa kaniya at nauutal na sinagot ko siya. "H-hindi po." "Itatakwil kita pag naging tulad ka nila. Ayoko sa salot." Bilin niya bago siya lumakad nang mabagal gamit ang saklay niya. Umalis siya ngunit ramdam ko pa rin ang kaba. Sa panlilisik pa lang ng mata niya ay nanginginig na ako. Paano pa kaya kung ilabas niya ang baril niya at itutok sa akin? "Anak." tawag ni Mama sa akin ngunit agad akong lumayo sa kaniya. "M-may pu-puntahan po muna ako, Ma." wika ko habang naglalakad papunta sa may pintuan. "Saan ka pupunta, Daniel?" Nag-aalala na tanong ni Mama. "Kina Jona po." magalang kong sagot sa kaniya at binuksan ko ang pinto. Bago ako makalabas ay narinig ko pa ang pagbuntong hininga ni Mama pati na rin ang huli niyang sinabi. "Ingat ka." Pagkalabas na pagkalabas ko ng pinto ay tumulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Ramdam ko ang paghapdi at pagkirot ng puso ko. Ang kanilang mga salita ay parang kutsilyo na humihiwa sa aking pagkatao. Pati sarili kong pamilya ay hindi tanggap ang kasarian na kinabibilangan ko. Sobrang sakit na parang sinasakal nila ang leeg ko at pinipigilan akong huminga. Bakit ganoon? Magulang ko sila ngunit sila din ang umaapak sa pagkatao ko. Hindi nila ako tanggap. Mas masakit pala na iyong pamilya mo ang nanghuhusga sa'yo. Tumakbo ako papunta kay Jonna upang sabihin sa kaniya ang lahat ng hinaing ko. Ayaw niya akong kausapin ngunit nang makita niya akong umiiyak sa harap niya ay hinigit niya ako papasok sa bahay nila at niyakap niya ako nang sobrang higpit. Ang aking luha ay sunod sunod na tumulo habang iniinda ang sakit na dulot ng diskriminasyon. "Jonna, ang sakit sakit na.... Hirap na hirap na akong itago sa kanila ang totoo kong pagkatao. Hindi ko na kaya ang mga masasakit....na salita na sinasabi nila." mahina kong sabi habang umiiyak. Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kaniya habang patuloy na lumuluha ang aking mga mata dahil sa sakit. "Huwag ka nang umiyak, Daniel. Nandito lang ako sa tabi mo.... Handang maging karamay mo sa sakit at lungkot. Tahan na...tanggap kita...huwag kang mag-alala." mahina ngunit may lambing na sabi niya habang inaalo ako sa aking pag-iyak. Mas lalo kong naramdaman ang sakit ngunit may mumunting saya kong naramdaman. Kahit na isuka ako ng mga magulang ko. Kahit ipagtabuyan ako ng buong mundo. Alam kong laging nasa tabi ko si Jonna.... Sa bawat haplos niya sa likod ko ay nakakapagpagaan ng loob ko. Isinubsob ko ang aking mukha sa kaniyang leeg. "Bati na tayo, Please. Hindi na kita aawayin, Jonna.....Balik na tayo sa dati, pakiusap." humihikbi na sambit ko. Naramdaman ko ang masuyong paghagod ng kamay niya sa likod ko. "Bati na tayo. Tayo na lang....ang nagkakaintindihan. Handa kitang damayan sa sakit na nararamdaman mo, Daniel." mahinang sabi niya sa akin. Napatigil ako sa panonood ko ng basketball nang biglang nagsalita si Papa. Lumingon ako sa kaniya at nakita ko na nasa television ang kaniyang atensyon. "Daniel, wala ka pa bang girlfriend? Bente tres ka na." tanong niya sa akin kaya bigla akong nailang. Girlfriend? Gusto ko sana siyang itama at sabihin na boyfriend ang gusto ko pero baka pakainin niya ako ng bala. "Hindi ko pa po naiisip ang pagpasok sa relasyon, Pa." tanging sagot ko sa kaniya. Palusot dot com. Napansin ko na kumunot ang noo ni Papa kaya napalunok ako ng laway. Nakuha ng sagot ko ang atensyon niya kaya napalipat sa akin ang mata niya. "Kailan ka pa magiging handa?" may kuryosidad na tanong niya sa akin. Napataas ang gilid ng labi ko dahil sa pag ngiwi. Kibit balikat ang aking ginawa bago ko ibinalik sa telebisyon ang atensyon. "Siguro po ay pag trenta na ako?" Tila hindi sigurado na sagot ko kay Papa. "Nasa tamang edad ka na. Pwede ka na ngang makabuntis. Ayos lang sa amin kung maging matinik ka sa babae." may kahulugan na sabi ni Papa kaya napalunok ako. Naramdaman ko ang pagdaloy ng pawis sa aking noo. Ang aking pagkakaupo sa sahig ay napaayos. "Wala pa po sa isip ko." sambit ko. Hindi ako makapag-focus sa pinapanood ko dahil ang utak ko ay naging magulo. Paano na lang ako? Makakapag-boyfriend pa kaya ako? Gusto ni Papa ay Girlfriend. Ayoko naman ng kipay! "Ang ayoko lang ay maging bakla ka." sabi ni Papa kaya biglang lumakas ang t***k ng puso ko. Kaba.... walang katapusang kaba ang nararamdaman ko tuwing sinasabi niya ang salitang bakla. Why it's so difficult with a capital D! "Hindi po." Mahina kong pagtanggi sa kaniya. "Mag-girlfriend ka na. Iba ang napapansin ko sa'yo." wika ni Papa kaya nanlaki ang mga mata ko. Nakatalikod ako sa kaniya kaya hindi niya napansin ang paninigas ko dahil sa pinaghalong takot at kaba. Tatlong segundo akong natigilan at hindi nakapag-react. "May nagugustuhan naman po ako pero hindi pa po siya handa." pagsisinungaling ko sa kaniya. "Sino? Malapit lang ba dito?" Tanong ni Papa. Nahalata ko sa boses niya ang kuryosidad. Palihim akong napalunok. Lumingon ako sa kaniya upang tingnan ang ekspresyon niya. Napansin ko ang pagiging maaliwalas ng mukha niya. Tila ba nabunutan siya ng tinik. "Sekreto muna, Pa. Baka maudlot." mahina kong sabi at pagkatapos ay tumawa ako nang mahina para kapanipaniwala na masaya ako. "May pagtatago ka pa ng sikreto, ah. Baka iba ang tinatago mo." mahina niyang sabi ngunit tumawa din siya. Umiling ako at sinabayan ko siya sa pagtawa upang pagaanin ang atmosphere sa pagitan namin. "Mag-jo-jowa na po ako este mag-gi-girlfriend." mahina kong sabi. "Tama. Hihintayin ko iyan." masayang sabi niya kaya napabuntong hininga ako nang sobrang lalim. Tumalikod ako sa kaniya at humarap ulit ako sa telebisyon. Mariin akong napapikit at napakagat labi. Patay! Ayokong magjowa ng girlalue! Babae din aketch! CussMeNot
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD