Kabanata 22 Dalawang araw na mula noong kinausap ako ni Jonna at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin malimutan ang sinabi niya. Isang masayang pamilya.... Totoo nga kaya ang sinabi niya? Hindi na ako pinatulog ng mga salitang iyon pamula noong sinabi sa akin ni Jonna ang tungkol doon. Para na akong mababaliw dahil sa mga tumatakbo sa isip ko. Ang gulo gulo na.....paano ko pa ito maaayos? Nang makita ko ang paparating na bulto ni Jonna ay nabuhayan ako. Mula sa pagkakasandal sa gate nina Jonna ay napaayos ako ng pagkakatayo. Tumaas ang gilid ng labi ko dahil sa pagngiti ngunit ito ay nauwi sa pagngiwi. "Jonna, pwede ba tayong mag-usap?" Naninimbang na tanong ko. Pansin ko ang kaseryosohan ng kaniyang ekspresyon ng mukha kaya napabuntong hininga ako ng mahina. Alam ko na ang isasagot niy

