Kabanata 9 "Daniela, mag-usap tayo, please." nagmamakaawa na sabi ni Jonna ngunit umiling ako sa kaniya. Hindi ko siya pinapansin. Mag-iisang linggo na ngunit kahit tingin ay hindi ko ibinibigay sa kaniya. Ayoko siyang makita pero sobrang kulit niya at gumagawa pa rin siya ng paraan para pumunta sa trabaho ko. Madaling araw na at pagkalabas ko pa lang ng pinto ng bar para umuwi ay sumalubong na sa akin si Jonna. Naiinis na napakuyom ang palad ko. Naghintay siya dito magdamag? Hindi ba niya naiisip na baka mapagtangkaan siya dito ng mga gagong lalaki? Marami ang lasing dito baka mamaya ay kung saan siya madala ng mga ito. Muli siyang nagmakaawa sa akin kaya naman inis akong napabuntong hininga. Tiningnan ko siya nang mariin. "Ayoko. Wala na tayong dapat pag-usapan pa." mariin kong sab

