Nag-aayos ako ng mga damit ko na dadalhin sa bago kong mission ng pumasok si mama dito sa kwaeto ko. "Anong oras ang flight mo anak?" Tanong niya saka naupo sa gilid ng kama ko. "Mamayang after lunch po mama." Sagot ko sa kanya at tinulungan ako na maglagay ng mga damit ko sa maleta na nakapatong sa kama ko. "Anak magpahinga ka naman kahit ilang linggo lang kauuwi mo pa lang pero ito na naman trabaho ulit." Napatingin ako kay mama at naupo sa tabi niya. Naiintindihan ko naman siya dahil kahit hindi pa ako lubusan na guro ay sumasama na ako sa mga mission bilang isang volunteer teacher sa iba't ibang lugar dito sa Pilipinas. Ito kasi ang pinagkakaabalahan ko dahil ayokong manatili dito sa bahay at mag-iisip na naman ako. "Gusto kong may gawin mama. Kapag pinilit ko ang sarili ko na ma

