Iris Isang linggo. Isang linggo na ang pagsasama namin ni Sebastian sa isang bahay. Sa totoo ay magaan naman ang loob ko sa kaniya at masaya naman siyang kasama. Kaso minsan ay nakakainis. Lagi na lang akong inaasar sa lahat ng bagay. Minsan pa nga ay hindi ko nagugustuhan ang lumalabas sa bibig niya, dahilan para mas lalo akong mainis ako sa kaniya. Sa isang linggong pagsasama namin ni Sebastian ay nasasaulo ko na rin ang ugali niya. Kapag seryoso ang pinag-uusapan namin ay talagang nagiging seryoso siya, pero kapag kalokohan na ay siya pa ang nangunguna na minsan ay sinasakyan ko na lamang. “I'm home!” Rinig kong sigaw niya pagpasok sa bahay namin kaya saglit ko lang siyang tinapunan ng tingin at muling bumalik sa panonood ko. Kapag gan'tong senaryo ay sinanay ko na talaga ang sari

