Iris “ALAM MO PWEDE KA NG MAGING ARTISTA. Ang galing mong magpanggap, eh.” Saad ko kay Devron ng magkaharap kami ngayong umaga. Naandito kami ngayon sa isang cafeteria malapit sa building ng headquarters namin. Tinawagan ko siya para sabihin sa kaniya na alam ko na ang nangyari sa limang taon na lumipas. Nginisian niya langa ako at pinag-krus niya ang dalawang braso niya dahilan para pagtaasan ko siya ng kilay sa ipinapakita niya sa akin ngayon. “Pasensya na, napag-utusan lang.” Nakangiting saad niya kaya tumawa ako at muli siyang sinamaan ng tingin. “Napag-utusan. Ang sabihin mo ayaw mo lang malaman ko. Pero kuya...” Pinutol ko ang sasabihin ko ng tumayo ako at lumipat sa tabi niya. Nakita ko pang parang iiwas pa siya kaya hindi ko mapigilang ngumiti ng palihim. Bigla ko na lamang

