Iris “Come on, Wife. Get up quickly. Akala ko ba ay well trained ka ni Devron? Bakit ang bilis mo yatang bumagsak ngayon?” Pagtatanong niya habang ako naman ay nakadapa sa sahig at iniinda ang sakit na nararamdaman ko. Gusto ko sanang murahin si Sebastian dahil sa biglaan niyang pagsugod at hindi na muna ako pinagwarm-up sa training ngayon. Habang naririnig ko ang boses niya ay hinanda ko ulit ang sarili ko sa susunod niyang atake. Tumihaya ako saglit at nanatiling nakayuko habang iniinda ang sakit sa bewang ko dahil sa biglaang pagbagsak sa akin ni Sebastian sa foam ng training room niya. “Wife, are you okay? Nabigla ba ang katawan mo? Saan ka ba napuruhan?” Naramdaman ko na lamang na nasa tabi ko na si Sebastian at inaalalayan na akong tumayo. Lihim akong napangisi dahil tumalab ang

