Dalawang araw na ang lumipas, matapos ang nakakalungkot na pangyayaring iyon. Hindi ko tinapos ang selebrasyon, umuwi ako at mag’isang binaktas ang daan pau’we sa subdivision. Hindi mapakali ang aking puso’t isipan habang naglalakad. Tuliro at parang nilalagnat ang kalooban. Bakit ganito? Parang nagsisisi ako ng lubusan? “May sakit ka bunso?”—tanong ni kuya Brenth sa akin. Nasa lamesa kameng magkakapatid. Nag’aalmusal upang pumasok ulit sa eskwela. Oo tapos na ang mga araw na walang pasok, kaylangan ng bumalik sa eskwelahan at harapin ang pisara at muling madinig ang boses ng mga Guro. “Sa-Sakit kuya? Wala ahh! Bat mo naman natanong?” “Nitong mga nakaraang araw parang malungkot ka. Huwag mong damdamin yung nangyari bunso” “Kuya!”—Bat niya yun sinabi. Nakakahiya na malaman pa nila kuya

