Mabilis naman siyang bumalik dala-dala yung ballpen at Papel. At inumpisahan na nga namin ang pagpaplano sa mga Event. Ako: Diba hindi base sa tema itong Tula Contest? Siya: Ahh oo balak ko sanang. Sila nalang gumawa ng Sarili nilang Tula.. Yung Unique. Ako: Ahh ok sige. Wala na tayo dito problema. Siya: Pero itong sa sanaysay, poster at islogan ay babase dun satema nung selebrasyon. Ako: Dapat lang, panget naman kase pag Iba—Iba. Siya: Oo nga ehh. Ako: Ah dito sa talumpati chu? Paano dito? Anong uri siya ng talumpati? Siya: Biglaang talumpati babysaur. Ahhh ganito yun May bubunutin silang topic tapos dun manggaling ang gagawin nilang Biglaang talumpati. Ako: Ah meron ka na bang mga topic? Siya: Wala pa nga ehh. Ako: Sige ako na bahala diyan. Siya: Ahhh sige aasahan ko yan.

