Bawat isa sa party ay may keyk ng kinakain, pagkatapos kase ng pagblow ni Xavier ng kandila ay agad na mang inislice yung keyk at ibinahagi sa lahat ng naroroon. Ganun din tulad ng iba ang sarap ng mga kwentuhan naming tatlo habang kinakain na yung fruit flavored na cake. Si Xavier nandun siya sa pwesto ng mga pinsan niya, kame naman ay pinag-uusapan yung mga bagay-bagay na nakikita dito sa paligid. Si Kuya Ricky at kuya Joe, ang cool parin at cute pa din. GoodBoy na rin sila tulad ni Xavy. Bigla naman ay nagsalita si Tito Arman gamit yung microphone. “Iistorbohin ko na muna kayo, may simpleng game akong inihanda para sa lahat. Para naman mag-enjoy tayo. Sino ba gusto?” Bahagyang umingay yung paligid. Tila nagbubulungan sa sinabing iyon ni Tito Arman. “Nakikita niyo ba yung Maze Garde

