“Simula na ba Bro?”, Tanong niya. Woahhhhh!! Nagulat ako! Hindi ako nagulat dahil sa sinabi niya. Nagulat ako ng makita ko ang pagmumukha niya. Namuo ang inis sa aking mata, Naalala ko siya! “Ikaw?!” “Ha? ako?”, sabay turo sa kanyang sarili. Oo ikaw!, gusto ko siyang sigawan at duruin. Pero magiging bastos naman ata ako pag ginawa ko yun. Pero naiinis parin ako sa kanya tuwing naalala ko yung pang-iinsulto niya sa akin habang naglalaro ako nuon ng Flappy Bird.. Yung sabihing naglalaro ka ng Super Mario kahit Flappy Bird naman ang nilalaro mo!! Mukhang di niya ako nakikilala. “Oo ikaw. Alam mo ba na bawal dito matulog?! Tsaka anong magsisimula ? Tapos na Kanina pa!!”, Pagsususngit ko sa.. Ang totoo sa isang gwapong lalaki. “Ay ganun , patay ako nito..”, naringig kong sabi niya hab

