Niyakap niya ako .. naalala ko na, meron pa palang totoong taong nagmamahal sa akin. Kahit naging taksil ako sa kanya nandito pa rin siya sa tabi ko .. Binibigay ang kanyang Balikat para sa tulad kong taksil. Niyakap ko rin siya at tumingin sa gwapo niyang mukha. “ Bakit alam mo nandito ako ? “, tanong ko sa kanya. “ Ako kaya yung nabangga mo kanina sa 3rd Year building .. Di mo ba ako nakita ? “, tanong niya. “ Ah ikaw pala yun .. sorry di ko napansin “, sagot ko. “ Eh ikaw anong ginagawa mo sa building ? “, tanong niya. “ Ahhhhh … kasi may kinuha lang ako “, sagot ko .. “ Huwag ka ng magsinungaling , halata naman eh .. umiyak ka – SO alam mo na ? “ .. tanong niya sa akin. “ Alam ko na ? yung ano ? “, tanong ko. “ Na may Girlfriend yung lalaking pinagpalit mo sa akin “ .. malungkot na sabi niya , sabay tingin siya sa malayo. “ Aaminin ko , Oo siya yung pakay ko kanina .. at lubos ako nasaktan sa manlolokong yun “ .. sagot ko. “ Kaya .. mas mahal mo na siya kaysa sa akin “, sabi niya naman. Tumingin ako sa kanya at di ako nakasagot sa tanong niya. “ Sige mauna na ako .. kaylangan ko pang mag-aral para sa quiz namin mamaya “, siya sabay tayo .. at hakbang paalis na.
Agad akong tumayo .. at mabilis na hinabol siya. Agad ko siyang niyakap mula sa kanyang likuran. “ Pero narealize ko, ikaw pala talaga ang mahal ko at alam ko ikaw yung lalaking di ako ikakahiya at kaya akong ipaglaban sa lahat “, sabi ko habang mahigpit ang pagkakayakap ko sa kanya. Tapos hinawakan niya yung kamay ko at marahan na tinanggal yun at siya’y humarap sa akin .. “ talaga ? “, nakangiting tanong niya. Tumango ako sabay nakaw ng halik sa pisngi niya. “ Bakit sa pingi lang ? “, tanong niya .. “ Nahihiya kasi ako , diba may nagmamay-ari pa sayo .. Si mArk “, malungkot na sabi ko. Tapos bigla niya akong hinalikan .. bigla siyang ngumiti pagkatapos niyang gawin yun. “ Yung baklang yun ? hehehe never ako nagpagalaw dun .. Nakilala ko lang naman yung last time yung walang-wala ako at kaylangan ko talaga ng pera sa project ko “, paliwanag niya .. “ So pumatol ka sa kanya ? “, tanong ko .. “ Siya yung lumapit sa akin , ka-ruta ko kasi siya nung camping kaya .. kilala niya ako “, sabi niya ulit. “ tapos ano na nangyari nung lumapit siya sayo ? “, tanong ko … “ Yun inalok niya ako na samahan siya magsine .. kapalit nung hinihiram kong pera “, sabi niya ulit. “ Hmmmmp tapos nakitulog ka sa kanila ? “, naiinis na tanong ko .. “ Di ba nga sabi ko sayo di niya ako nagalaw “, nakangiti niyang sagot .. “ bakit nga di ka niya nagalaw ? “, pagmamadali kong sumagot siya. “ Dahil nung gabing yun .. nakita ko yung mahal ko at napagtanto ko na hindi pala matatama ng isang kasalanan sa panibagong kasalanan “, nakangiti ulit na sabi niya. “ So nagbreak kayo after ? “, tanong ko ulit .. “ Hindi naman naging kame ah .. Bat kame magbebreak ? “, tanong niya .. “ Okay “, sabi ko. “ Ganito yun after nung lumabas ako sa C.R , umuwi na ako nun at iniwan ko na yung baklang yun .. di ko kayang ibenta ang katawan ko para lang sa pera “, sabi niya. “ So .. di nagalit si Mark ? “, tanong ko .. “ Ayun tinadtad ako ng text puro mura hahahaha kaya nagpalit na ako number “, sabi niya. “ Eh bakit may pa bhe bhe na tawag ka pang nalalaman sa baklang yun ? “, tanong ko .. “ Para paselosin ka “, siya sabay tawa ng konti :-D
Tapos hinawakan niya yung kamay ko .. at hinila niya ako sa dati naming pwesto. “ Pwedeng wag na muna tayong umalis .. i mean wag na tayong pumasok sa 1st class natin dis afternoon ? “, mahinang sabi niya. “ Bakit ?”, tanong ko naman. “ Para makapag-usap tayo .. ng walang istorbo miss na kasi kita eh “, naringig kong sabi niya. “ Hmmmm pano yan, baka may makakita sa atin dito ? “ .. sabi ko sa kanya. “ Don’t worry walang tumatambay dito sa ganitong oras .. “, sabi niya naman sa akin. Naupo nga kami sa ganung pwesto .. naka-upo sa semento na may lilim .. habang magkayakap sa isat-isa .
“ Paano yung Project mo ? “, tanong ko sa kanya. “ bahala na .. siguro di nalang ako magpapasa “, malungkot na sabi niya. “ Importante ba yung project na yun ? at saang subject ? “, tanong ko. “ Isa yun sa major Project sa Chemistry .. at sabi ng Teacher namin 35 % daw ng buong grade ang maapektuhan pag di makapag-pasa ng project na yun “, paliwanag niya. “ Huh ???? sa chemistry major subject kaya yun .. ano bang project na gagawin mo ? “, tanong ko . “ Snow Globe using Benzoic Acid “, sagot ni Joross . “ Kaylan pasahan niyo ? “, tanong ko. “ Sa Monday “, mahinang sagot niya. Mabilis akong nakabitaw sa pagkakayap sa kanya at agad ko siyang tinignan .. “ Alam ko na , ako na muna bahala sa gagastusin mo sa Project at tutulungan din kita sa pag-gawa “ .. sabi ko sa kanya. “ Nuku wag na Babysaur .. baka mapagalitan ka lang ng mga kuya mo “, nahihiya niyang sabi. “ Wag ka mag-alala hindi ako mapapagalitan ng kuya ko “, nakangiti kong sabi sa kanya. “ Ah nahihiya kasi ako eh .. “, si Joross. “ ANu ka ba , ganto nalang isipin mo pina-utang kita at babayaran mo nalang pag nakakaluwag ka na “, nakangiti kong sabi sa kanya. “ Ahhhh sige gusto ko yan , pero saan tayo gagawa ? “, tanong niya. “ Eh di sa bahay “
Tapos gulat na gulat siya sa naringig niya .. “ Hala, di pwede nakakahiya eh “, pagtanggi niya. “ Wag ka na mahiya .. mababait mga kuya ko “, sabi ko sa kanya. “ Kahit nakakahiya kung dun ako makikigawa ng paroject ko???? .. “, sabi niya. “ Basta wag ng maraming rason pa .. ang kaylangan mong gawin ngayon .. Magpaalam ka sa Boss mo na 2 days mag-aabsent ka dahil gagawa ka ng Project “, nakangiting sabi ko. “ 2 days ? “ gulat na sabi niya. “ Oo Saturday at Sunday .. wag ng aangal huh ! “, ako sabay lagay ng isa kong daliri sa labi niya. tapos tinanggal niya yung daliri ko sabay sabing : “ Sige na nga .. basta babysaur , salo mo ako huh ? “, siya sa akin .. “ Oo Chu ako bahala sayo “ sabi ko sa kanya.
Wala kaming ibang ginawa ng halos isang oras kundi .. magyakapan lang habang nakatingin sa kalangitan. Hindi muna kami nag-usap tungkol sa pinag-awayan namin, pinabayaan lang muna namin ang isat-isa na marefresh ang aming utak. “ Namiss kita .. “, sabi ko sa kanya. “ Ako rin.. kaya nga nag-alala ako ng may nangyari sayo sa main Comfort Room “ .. nagulat ako sa sinabi niyang iyon. Agad akong napatingin sa kanya .. Siya naman parang hinihintay ang ang reaksiyon kong iyon.. “ What do you mean ? Ikaw yung .. “
“ Oo ako yung nagligtas sayo sa C.R at ako ang nagdala sayo sa Clinic “ – Sabi niya sa akin .. “ Oh may gad ? talaga Salamat ! “, ako sabay yakap sa kanya. Di ko alam pero naramdaman ko muli yung kalungkutan, dala ng pagkakakulong ko sa C.R at .. “ Alam mo ba .. Chu , di ko na alam gagawin ko nung nakakulong ako sa C.R alam mo ba , akala ko .. mamatay na ako sa sobrang ginaw “, ako sabay pagpatak ng munti kong mga luha .. “ Shhhhhhhhhhhhhh .. wag ka ng umiyak .. don’t worry magbabayad din kung sino gumawa sayo nun “, siya sabay pahid ng mga luha ko gamit kanyang mga kamay. “ Bakit mo nga pala alam na nasa C.R ako that time ? “, tanong ko sa kanya, habang lubusan ko ng pinunasan ang aking mga mata, gamit ang panyo na nasa aking bulsa.
“ Naringig kong nag-uusap si Mark pati yung kaibigan niya .. at ikaw nga yung pinag-uusapan nila, pati yung kalokohan na ginawa nila sayo “, sagot ni Joross. “ So nakita mo ulit si Mark ? “, tanong ko .. “ Selos ka nanaman Hmmmmm Hindi noh saktong papunta na talaga ako sa part na yun to check yung mga pinto ng mga room na nasa building kung sarado na , at yun nakita ko silang nagkwekwentuhan .. sa sobrang lakas ba naman ng kwentuhan nila kaya ringig na ringig boses nilang nakaka-inis “, sabi ni Joross. “ Naku huh .. pasalamat nalang yang Mark na yan pinapasensiyahan ko pa siya sa mga oras na yun “ .. naiinis na nasabi ko. “ Ibig sabihin mo alam mong sila Mark ang gumawa nito sayo ? “ , tanong niya …
------------
Pinaliwanag at kwinento ko nga kay Joross ang nangyari sa akin , sa kasamaang ginawa sa akin ni Renales at Mark. galit na galit siya at gusto niyang sugudin ang dalawa .. Pero pinayuhan ko nalang siya na wag nalang namin pansinin.
“ Kaylangan mapatalsik na yang teacher na yan dito .. hindi tama yung ginawa niya sayo “, galit na pahayag ni Joross. “ Wag mo nalang pansinin Chu .. don’t worry sa susunod di na ako papayag na gaguhin nila ako “, sabi ko naman. “ Hindi yun pwede .. kaylangan mo ireklamo yang Teacher na yan .. dali na babysaur tutulungan kita para maparusahan yang Demonyong guro mo “, paki-usap sa akin ni Joross. “ Chu .. wag na, ayoko ng madamay ka .. ayokong pati ikaw pagdiskitahan ng teacher na yun .. Please wag na natin silang pag-usapan “, Paki-usap ko rin. “ Pero babysaur .. paano kung ulitin niya yun sayo ? pati na rin yung lintik na baklang yun “, galit na sabi ni Pikachu. “ Hindi na yun mauulit subukan nila, at pagpipira-pirasuhin sila ng Razor Leaf ko at higit sa lahat di na ako matatakot noh .. Kasi nandito na ulit sa buhay ko ang aking Knight Shining Armor .. at takot lang nila .. Mathunder Shock mo sila Chu .. “, nakangiting sabi ko sabay yakap sa kanya. Tinapik –tapik ko rin yung bandang dibdib niya na labis niyang kinakatuwa.
Pagkatapos nga nun , napagpasyahan na naming bumalik sa kanya-kanyang klase dahil 1:45 palang naman nun, kaya pa namang umabot para sa susunod na klase. Tsaka nangako na rin sa akin si Joross na magpapa-alam daw siya ngayon sa kanilang Amo .. para sa pagliban niya. At may isa pa akong dahilan para sumaya ngayong araw .. DahiL napilit ko siyang Sa bahay na siya matutulog ngayong Gabi ^___^
.
.
.
.
Basta daw .. ako bahaLa hehehe :-)
Pagkababa namin, ay naghiwalay na kami siya papuntang JuniorZ Building at ako naman sa FreshmenZ Building. Mabilis akong naglakad upang maka-abot ako sa susunod na klase. Hindi pa tapos yung unang klase kaya tumambay na muna ako sa may labas .. sa may isang Bench sa may Field. habang naka-upo ako , nagulat ako ng biglang may na-upo sa tabi ko ..
“ Cuting classes noh .. “ , naringig kong sabi ng isang babae. Bigla tuloy akong napatingin sa kanya :
- Maganda siya
- Sexy
- Maputi
- Matangos ilong
- Matangkad
- Mahaba Buhok
at …. para siyang isang Prinsesa. Pero may kakaiba sa kanya ..
_ may Sumbrero !
_may Scarf sa Kamao
_ lalaki ang istilo ng pagkiloS …
In SHORT .. isang T-BOOM …
“ Huh ??? cutting ka diyan .. “ , pagaalinlangan ko .. “ Sus .. ! kunwari pa eh Patingin nga ng I.D ! “, sigang sabi niya sabay hablot ng i.d ko , sa sobrang lakas ng pagkakahablot niya pati ako .. nadala. “ Wow .. 1-A matalino ka noh ? And you are Dennis , Hernandez “, sabay bitiw niya at Tingin sa mga Room. “ Okay Confirmed ! cutting classes ka nga “, siya sabay de-Kwatro ng upo at ngiti sa akin. “ Huh .. di ah nalate lang ako .. “, sabi ko naman . “ Asus .. wag ka na mahiya may kadamay ka .. at ako yun “, siya sabay ngiti sa akin. Wow ah .. ganda niya sana pero t-boom talaga tong isang toh eh. “ Oh ano naman ngayon kung cutting ako .. anong paki mo dun “, naiinis na tanong ko sa kanya. “ Naku .. wag ka naman mainis .. girL ? “, patanong na sabi .. “ GirL ? girl ka jan ! “, tanong ko . “ Sus .. naku Girl matagal na akong Tomboy kaya wag mo na ako tomboyin hehehehe tuLad mo Hindi na kita kayang baklain kase matagaL ka ng Bakla “, siya sabay ngiti .. Di ako nakapagsalita at natulala ako sa sinabi niya. Tumayo siya at may inabot sa akin .. “ CooL ka lang dude .. walang makaka-alam basta true to your self nalang pag may time .. If you need a friend andito lang ako, Just find me 1-F .. Jewee Mae H. MansaLa or just call me Joey .. Bye…”, siya sabay alis na. Napatingin ako sa inabot niya .. Isang piraso ng I-CooL, tapos nilagay ko nalang yun sa bulsa . Sino naman yung babaeng yun ? Ang weirdo niya ah .. Tsaka bakit alam niya na .. ano ako ? s**t. Napatingin ako dun sa Babaeng yun .. ayos naman siya maglakad pero yung istilo at dating niya .. T-BOOM nga . tapos friend daw ? UloL ba yun ..
Tapos bigLang naringig ko nalang na maingay na sa may room namin. At ayun nga lumabas na yung Teacher namin sa V.E .. dali-dali akong pumunta sa room at pumasok. Tulad ng inaasahan ko, madaming tanong sila Threz at Naruto sa akin .. basta sinagot ko nalang sila na , Sumakit ang ulo ko at pumunta ako ng clinic. kaya ayun Lusot ako ! ^___^
Agad naman dumating si Maa’m Tessie. Naalala ko tuloy yung pagtrip sa akin ni Ma’am .. last time Hehehehe
“ Class dahil may .. pupuntahan ako, magiiwan nalang muna ako ng Take-HOME experiment sa inyo .. “, Tapos binigay na ni Maa’m yung copy namin each .. nung xerox copy namin ng Experiment # 1 . Nagmamadali rin si Ma’am na umalis at ayun maaga kaming pina-dismissed. “ tara canteen tayo ? “, aya ni Naruto. “ Ayoko kaw nalang “, sabi ko naman. “ Libre kita ? “, alok niya. “ Yoko busog pa ako .. “, kahit gutom na gutom na ako. “ Weh di nga ? .. tara parang gutom ka pa eh “, sabi niya. .. “ Di ah sige .. ayus lang sakin pupunta pa kasi akong library “, pagsisinungaling ko. “ Bahala ka nga .. tara threZ canteen tayo “, alok niya kay Threz .. “ Sige Bro .. Si dennis sama ba ? “, tanong niya, Nasa may pwesto ito nila Louie kaya malayo siya sa amin ni Naruto. “ May gagawin daw siya eh .. “, si naruto. Tapos lumapit na rin si Threz at tinanong ako .. “ Dennis di ka sasabay sa amin pauwe ? “, tanong niya .. “ Ah di ata eh .. susunduin kasi ako ng mga kuya ko “, rason ko .. “ Ah okiiii sige una na kami “, sabi niya sabay alis na sila ni Naruto kasama ang iba.
Ako naman .. pumunta nalang ulit sa labas. Pupunta na sana ako sa canteen, pero naisip ko baka nandun pa sila at baka kung ano isipin nila na .. Ayaw ko lang sila samahan. Ayoko lang talaga sumama sa kanila baka kasi .. maiba nanaman yung schedule ko , tsaka hihintayin ko kasi si Joross para sabay na kami pumunta sa bahay. Pinagchagaan ko nalang yung I-COOL na bigay kanina nung weirdong .. O.A na T-Boom. Naubos din agad yun sa bibig ko, pero nagtatak yun ng lamig sa aking buong Bibig. Agad ko naman naisip na kung pumunta kaya ako sa Clinic at dun tumambay .. tutal malamig naman duon eh :-)
Naglakad na nga ako patungo sa Clinic. May klase lahat ng klasroom na nadaanan ko .. Pati na rin yung klasrum ni T-Boom Hehehehe nakita ko siya kanina. Walang sumbrero sa ulo at parang babae na ulit. nagsususlat siya at parang abala sa pakikinig sa kanyang Guro. Pagdating ko sa Clinic , agad ko naman binuksan yung pinto at nakita ko nga sina Ate grace at kuya Raymond naka-upo at may kinakain na Crackers sa lamesa. “ Hi Po .. “, bati ko. “ Huy kaw pala .. upo ka dito oh “, alok nila sa akin. na-upo naman agad ako at hindi na ako nahiyang kumuha ng Biscuit at kinain ko ito ..
“ kape gusto mo ? “, tanong naman ni Ate Grace. Tumango naman ako sabay sabi “ Meron po ba ? “ … tanong ko naman. “ Dun dennis sa may kwarto .. dun yung thermos at yung mga gamit sa pagtimpla “, nakangiting sabi sa akin ni kuya raymond. Kinapalan ko na yung mukha ko sa mga oras na iyon dahil sa gutom na nararamdaman ko .. Kumuha ako ng tasa at nagtimpla na ng kape, nilagyan ko rin ito ng creamer .. at sinimulan ko ng inumin. Bumalik ako sa labas at tumabi kay kuya Raymond. “ Musta klase ? “, tanong ni ate grace. “ Ah okey naman .. po nanalo kami sa singing bee kanina sa MUSIC 1 “, nakangiti kong sabi habang subo-subo ko yung Biscuit.
“ Wow .. sample naman diyan “ .. si kuya Raymond. “ Di naman po maganda boses ko eh .. tsaka more on memorization of lyrics lang yung kanina “, pag-aangal ko. “ Hindi kahit na .. sample pa rin dapat .. “, pangungulit ng dalawa. Pero natigil yung pangungulit nila ng may kumatok sa pinto … Agad naman pumunta si kuya Raymond at pinagbuksan ang nasa labas .. Tapos biglang bumulaga sa akin dalawang studyante tapos inaalalayan nila yung isang lalaki na ang dating tama sa mukha, halatang sugat yun gawa ng suntok. Pero pamilyar sa akin yung lalaking yun ….
Agad naman yun dinala ng dalawang kapwa nito sa istudyante sa loob ng kwarto. Agad naman pumunta dun si Ate Grace at Kuya Raymond .. Tapos biglang dating naman nung isang taecher, na agad hinanap sila ate grace. Si kuya raymond yung nakita kong lumabas at kina-usap yung teacher. “ AH nurse kayo na yung bahala sa studyante ko “, sabi nito. “ Ano po ba sir ang nangyari ? “ .. tanong ni kuya raymond. Paliwanag naman nung teacher sa pagkakaringig ko, may naka-away daw na kaklase yung studyante at ayun .. nagkapikunan daw. Pero wala pa daw naganap nuon una .. nagkainitan palang daw. Naganap nga daw yung panununtok ngayon .. pinagtulungan daw ng limang 2nd year high School na kaibigan ng nakapikon nitong bugbug sarado. Tapos umalis naman agad yung teacher kasama yung dalawang Studyante na tumulong sa pag-alalay sa nabugbug.
Pero kung iisipin .. napakatanga rin nun .. yan kasi ang mahirap pag lumaban ka pwedeng ikapahamak o magdala pa sayo sa kamatayan. Kaya mas maganda na rin siguro yung ginagawa ko yung hindi ako lumalaban. :-D
Pero di ko parin mapipigilan ang katotohanan na mas mabuti ang lumaban kaysa sa tulad kong bahag ang Bunto’t sa pagharap sa mga pagsubok .. Isa akong Duwag :’(
“ Denz pwede mo ba kaming tulungan ? “, naringig kong sabi ni kuya raymond sa akin. “ Ah sige po kuya “, ako sabay pasok naman sa kwarto ng CliniC. “ Dhenz pwedeng paayos nitong gamit niya “, si kuya Raymond sabay abot nung bag .. Uniform at I.D nung lalaki. Habang inaayos ko yung mga gamit niya .. di ko natiis na tignan yung I.D at nagulat nga ako sa nakita ko .. Sabi ko na nga ba kiLala ko siya Eh ..
Karl Jhorim S. Pascual
1-E
Kaya agad akong napatingin sa naka-upo ng si Karim habang ginagamot ni ate Grace. Tinitigan ko siya habang naiinis na ginagamot ang bugbug niyang mukha .. Sumungit yung mukha niya ng nakita niya akong tumingin sa kanay. Hmmmmp naku ahh siya na nga tong bugbug ang mukha siya pa itong mayabang. Umiwas nalang ako ng tingin at inayos yung mga gamit niya at agad ko yun nilagay sa may Taas ng Cabinet.
“ Aray ! “, naringig kong bulalas niya. “ Ah sorry masakit ba ? “, tanong ni ate mae kay Karim. “ Hindi naman po ako aaray kung hindi masakit diba? “, pilosopong sabi niya. Tapos tinignan ko siya .. tinignan ko siya ng masama. nakaka-inis kasi siya , siya na nga tong inaasikaso nila ate grace tapos siya pa tong galit .. Sarap pagbabatuhin ng Hiringilya eh .. “ Ahhhh pasesiya na nagtatanong lang kami “, si kuya raymond na parang inis na rin. Tapos tinignan niya rin ako ng masama .. “ Tinitingin tingin mo ! “, galit na sabi niya. Tapos bigla rin napatingin sa akin sila ate mae .. “ Tinitignan ko ? yang mukha mong bugbug sarado .. nakakatawa kasi eh “, naiinis na sabi ko naman. “ gago ka pala eh .. ano laban ka ! “, siya sabay bangon sa higaan at akmang susuntukin ako. Buti nalang inawat siya ni kuya Raymond at pinabaliksa paghiga. “ Oh relax lang .. paano ka niyan magagamot kung ang likot mo “, si Kuya Raymond. “ Pagsabihan niyo kasi yang .. BAk ….
|
|
|
|
Tapos bigla akong kinilabutan. Shet ! biglang pumasok ulisa ala-ala ko yung nangyari -__-
>>>>> FLASHBACK ..
[Sa may duyan sa Camping Site]
Lumapit ako at punta ako sa duyan at niyakap ko siya. At sinabi kong : “ Galit ka ba pa ba sa akin ? sory sory sory na ulit .. kaw naman kasi tinawagan mo daw gf mo .. nakakainis ka :’( .. ang totoo nagseselos ako .. tapos di mo pa ako sinamahan manghuli ng alimango daya mo ! :’( ako habang mahinang pinupuk ko ang braso niya .. pero kahit ganun .. di pa rin kita matiis tara na punta na tayo dun sa boodle table .. magsisimula na yung boodle fight .. At gusto ko rin matikman mo yung masarap kong luto “ – ako tapos niyakap ko siya ng mahigpit.
Nagulat nalang ako ng bigla akong natulak ng nakahiga .. “ tang ina ! anong ginagawa mo ! … “
Nagulat ako sa nakita ko ..
Si karim .. galit na galit na parang gulat na gulat .. na nanlilisik ang mga mata. Isang minuto ata kaming ganun na gulat na gulat sa isat-isat. Natatakot ako sa kanya dahil parang gusto niya akong suntukin ng matindi. Ako naman pinagpapawisan at nanginginig sa kahihiyan at di ko alam kung anong kakahantungan nito .. patay ako nito, napahamak nanaman ako dahil sa kabaklaan ko :’(
END OF FLASHBACK … <<<<<
=====
hala ano kayang sasabihin nito ? anong Bak ? – Hala kainis ..
… yang Bak …
Back-up Nurse KUNO niyo at kung ano pang magawa ko diyan at masabi ko “, babala niya. Bigla akong nakahinga at .. akala ko sasabihin niya na .. isa akong Bakla :’(
“ Sige kuya Raymond .. alis na muna po ako “ , paalam ko. “ Go ahead wag ka ng magpa-alam ", mayabang na pagkasabi ni Karim. “ Shhhhttt .. baka magkapikunan nanaman kayo niyan ", si Ate Grace. “ Ah sure ka ba denz ? aalis ka na ? “ , tanong ni kuya Raymond . “ Opo .. may gagawin pa pala ako sa Library “, sabi ko. “ AH sige .. ingat ka punta ka nalang ulit dito next time “, si kuya Raymond. “ Okey po .. bye po ate mae .. Bye kuya Mond “, paalam ko. “ Byee .. “, paalam din nila sa akin. Abala pa sila nun , sa paggamot nila sa sugat ni Karim , bago ako umalis .. tumingin ako uit kay karim .. sabay Kinunutan ko siya ng Noo :-P
Nakaka-inis kasi siya .. yabang yabang bugbug sarado na nga!! … Pagkalabas ko ng clinic, naisip kong kaylangan ko palang mag-ingat Lalo na kay Karim dahiL sa alam niya ang siKreto ko. Di ko kasi alam kung anong pwedeng gawin ng Mayabang na yun. Naglalakad na ako papuntang Library ng Makita ko sila Kuya Ali at Victor .. Agad akong nagtago sa gilid ng Puno na malapit sa may Clinic. napansin kong nagmamadali silang pumasok sa clinic, Panigurado si Karim ang pinuntahan niLa. Ibig sabihin kung pumunta sila Kuya Vic at Ali .. puPunta din si Ganny ! Kaya kaylangan di niya ako .. makita at ayaw ko siyang Makita. Kaya dumaan ako sa kabilang Building papunta sa Library.
Sa pagLaLakad kong yun .. Muli ko nanaman naramdaman yung Sakit. Nakita ko si Ganny , kasama yung babae niya. Magkahawak sila ng kamay. Hindi ko alam ang gagawin .. pero naisip ko, Kung magpapatalo ako sa nararamdaman ko .. Hindi ako magiging matatag sa buhay at sa pagharap ko sa bagong araw. kaya ang ginawa ko Naglakad ako pasalubong sa kanila , gusto kong ipakita na hindi ko kaylangan magmukmuk ng dahiL sa lalaking yan. Kaylangan kong maging Normal na Dennis .. na isa lang Mag-aaral sa paaralang ito.
Naglakad ako ng taas nuo .. Tinignan ko siya. Napatingin siya. Alam kong may gusto siyang sabihin sa akin .. pero di siya maka-alpas sa piling ng Babae niya. Nagkasalubong mga mata namin at alam ko gulat na gulat siya. Ng makalayo na ako .. May iba akong nararamdaman, parang may bagyong Nananalanta sa aking puso tapos .. parang may bahang aagos sa mga mata ko. Mabilis akong naglakad at agad pumasok sa Silid-Aklatan . Pumunta ako sa lood ng Library at dun ako nagmukmuk MULI .
“ Lalaki Problem ? .. “, Nagulat ako ng umalingawngaw yung pamilyar na boses na iyon. “ ito oh tissue “, siya sabay abot dito. “ ANong gagawin ko dito ? “, tanong ko. “ Try mong kainin masarap yan “, seryosong sabi niya. Bigla ko siyang tinitigan ng masama .. “ Joke “, siya sabay peace sign. Sinimangutan ko siya sabay .. pinunas ko na yung luha ko ng mga tissue na bigay niya. " Andito ka nanaman ? bat ba parang sinusundan mo ako “, tanong ko sa Tomboy na ito. “ Huh ? sinusundan ? .. di ah kanina pa ako dito sa library eh “, sagot niya. “ Hmmmmmp ..tanggap ka ng Family mo ? “ .. biglang lumabas sa Labi ko ang tanong na iyon. tapos tinanggal niya yung sumbrero niya , kadahilanan ang paglabas ng ganda niya .. “ Tanggap ako nila , at kahit ganito ako .. kung tratuhin ako ng Mama ko, papa ko at kuya ko.. ay isang batang babae parin “, nakangiting sagot niya. “ Buti ka pa .. “, sagot ko . “ So confirmed na ano ka ? “, sarkastikong tanong niya. Tapos tumango ako .. “ Bakla ka nga ? “ .. nakangiting sagot niya. “ Shhhhhhh .. “, ako sabay tingin sa paligid buti walang tao. “ Ano ka ba baka may makaringig sayo” , ako . “ So bakla ka nga ? “ .. pag-uulit niya. “ Bakla ka diyan , silahis lang ako noh ! BisexuaL in English ! “, mahinang sabi ko sa kanya.
“ Asus .. wag mo ako tomboyin matagal na akong tomboy , may Silahis ka pang nalalaman diyan .. naku pag pumatol ka na sa kapwa mo lalaki wala ka ng Magagawa Bakla ka na niyan “, sabi ni Tomboy. “ Wow sakit mo naman magsalita “, malungkot na sabi ko. “ Aw .. sorry kaw naman kasi dude nagkaka-ila ka pa .. So bakit ka nga umiiyak ngayon ? “, tanong niya. “ Gusto mo malaman ? “, tanong ko sa kanya. “ oo naman dali na .. “, sabik na sabi niya. Tapos kinuha ko yung dictionary malapit sa amin , sabay lapag ko sa harap niya. “ tanong mo dito sa dictionary .. masasagot ka niya “ nakangiting sagot ko sabay tayo upang umalis na sana. Pero bigla niya akong hinawakan sa kamay .. Tumingin ako sa kanya “ Bakit ba ! “, bulalas ko sa kanya. “ Pwede bang magpaturo ako sayo ? “, nahihiyang tanong niya. Tapos binitawan na niya ako sabay parang pusa na .. nagmamaka-awang mukha niya. Ganda niya talaga sayang T-BooM nga lang. “ Paturo saan ? “, tanong ko. “ Dito Oh … “, siya sabay pakita sa Notebook niya na may Problem Solving. “ Please ???? “, pagmamaka-awa niya.
Masayang Kasama Si T-BOOM ay este si Joey. Tinuruan ko siya ng Assignment niya sa math .. Solving Problem yun. DahiL magaling naman ako sa math, di na ako nag-atubiling turuan siya. Sa Session namin na yun .. habang tinturuan ko siya , Lagi nalang siyang nagpapatawa na labis na kinatuwa ko sa kanya. Mabait siya .. at Gusto ko siya maging kaibigan. Siguro nakahanap na rin ako ng Bagong Kaibigan, at ang trill pa dito Tomboy siya :)
Nilibre niya ako ng Snack sa Canteen. Sinamahan ko na siya papuntang gate .. uuwi na daw kasi siya. Ng makita nanaman namin ang Grupo niLa mark na nakatambay sa isang gazebo. Naglalakad kami nun ni Joey ng Humarang nanaman yung Hinayupak na Bakla sa kalsada at sa harap namin Mismo. napahinto kami ni Joey sa paglalakad at dumako nalang kami sa kabilang Bahagi ng Daan, Pero nanadya na talaga siLa. Kasama yung ibang Bakla humarang na ito sa buong kalsada .. “ Okey Girlz are you ready “, sabi ng Mongoloid na si Mark sa mga kasamahan niya.
Tapos bigla silang may Kinanta at sumayaw na parang mga Butiki sa Kalye :
Boom ! T-BOOM ! .. la la la la la la
Boom ! T-BOOM ! .. la la la la la la
Ka-BOOM !!!
..
Agad akong tumingin kay Joey .. “ Wag mo na silang pansinin tara na “, aya ko sa kanya. “ Mamaya tuturuan ko muna ng Leksyon tong mga lamang Tubig “, siya. “ Anong pake mo kung Tomboy ako ? Tomboy nga ako pero maganda ako ! Eh ikaw maganda ka ba ? Kahit anong gawin mong Make-up diyan sa panget mong mukha .. Panget ka parin Panget ! Panget ! Panget ! “, pang –aasar ni Joey. “ Aba .. anong sabi mo ! “, galit na sigaw ni Mark . “ panget ka ! .. yun ang sabi ko , bakit may angal ka ? “ si Joey. “ How there you ! “,sasampalin sana ni Mark si Joey pero naunahan na siya nito .. Sinipa ni Joey si mark at tumamba ito ng Todo .
“ Oh my God ! Oh my God ! Immmmmm Gonna Die na !!!!!!!! ", sigaw nito habang nakalupasay sa kalsada. “ Oh may Gad sis Okay ka lang ? “, tanong ng isang BakLa. “ Oh my God !!! tinatanong pa ba yan .. Eh di hindi ako Okay !! kaya Iganti niyo ako sa T-Boom na yan“, si Mark. “ SUbukan niyo !! baka gusto niyong pasabugin ko yang mga nguso niyo ! “, Banta ni Joey sa Tatlong kasama ni marK. “ Ano laban kayo ? !!! “, si Joey sabay urong ng Tatlo at takbo .. naiwan si Mark. Tapos lumapit si Joey kay Mark “ AT ikaw ! “, si Joey sabay sipa kay mark . “ Aray ! .. sobra ka na huh !! I’m gonna Hurt na “, si Mark, babangon sana , pero muling sinipa siya ni Joey .. “ Ikaw !!! baklang Butiki .. wag mo ng subukang ulitin yun sa akin !!! kung ayaw mong magkabali-bali yang Buto !!! .. at Isa pa wag mong gagalawin o aawayin tong Best Friend ko [ Sabay hatak niya sa akin ] --- kung ayaw mong ma Tigok !!! .. naintindihan mo ba ? “, si Joey habang nakatapak ang isang paa sa hita Ni Mark .. “ Oo na ! “, sagot nito. “ Okey madali ka naman pala kausap eh .. Pweee !! “, Hindi ko inaasahan yung ginawang iyon ni Joey ..
Dinuraan niya lang naman si Mark at si mark parang nandidiring .. jynx na parang napabayaan ng Master niya hahaha. Pero siyempre di ako nagpatalo .. bago kami tumakbo paalis ni joey pasimple ko ring tinuprahan si mark .. hindi ako nagsisisi sa ginawa ko bagay lang yun sa kanya. :-P Sa pagtakbo namin, naringig namin ang pagsigaw ni Mark .. “ humanda kayo may araw din kayo .. aruuuuuh !! “ . Tinawanan lang namin yun at patuloy kaming tumakbo.
Pagdating sa may gate ay dun .. na kami nagtawanan, habang hingal na Hingal. “ Dude galing mo .. “, papuri ko sa kanya. “ Asus .. yung baklang yun, Level 1 palang kaya yun – di siya yung tipong kaylangan kong katakutan ? naku ha .. wag niya akong sigasigain .. “, pagmamayabang ni Joey. “ Oh siya .. salamat nalang sa ----- “
“ Sa ??? “, tanong ni Joey, sa di ko matuloy tuloy na sasabihin. “ Ah sa pagbabala kay Mark na wag niya akong guluhin “ … sabi ko kay Joey. “ Anu ka ba wala anu man, kabayaran na yun sa pagturo mo sa Homework ko sa math .. tsaka pwede ba lumaban ka rin minsan ? .. I mean alam ko bilang ano … alam mo na yun, kabilang lahi , kaya kaylangan mo rin matutunan na lumaban .. Wag duwag huh ? laban laban din pag may Time “ .. payo niya sa akin. “ Oo na dude wag ka ng mag-alala “, sagot ko naman sa kanya. “ Oh siya dude .. di ka ba sasabay sa pag-uwi ? “, tanong niya .. “ pag-uwi ? magkalugar ba tayo ? “, tanong ko .. “ I mean di ka ba sasabay sa akin sa paglabas ? .. di ka pa ba uuwi ? “, tanong niya. “ DI pa eh .. may appointment pa ako “, nakangiting kong sagot sa kanya. “ naku dude .. i feel something ah .. Oh sige una na ako ah .. Bye .. “, paalam niya .. “ Bye din “, ako sa kanya.
Ako naman pumunta na ako sa may JanitoriaL House at dun ko nalang hihintayin si Pikachu. 4:30 na nun , pero wala pa rin siya .. O di ko lang talaga siya makita. kaya pumunta na ako sa may Tinutuluyan niLa. Sumilip muna ako … Pero wala siya dun . Pero may isa akong lalaking nakita , kasamahan niya rin ata sa janitoriaL .. Lumapit ako at nagtanong “ Ah excuse me po .. “ .. Tapos tumigil yung lalaki sa ginagawa niya at tingin naman sa akin . “ Ah anu pu yun sir ? “, tanong niya. “ AH nadiyan po ba si Joross ? “, tanong ko. “ Ah si Joross na ? .. ah nasa taas sige hintayin mo lang ako .. at tatawagin ko “, sabi nung lalaki. pumasok nga muna ako at naupo sa monoblock na nasa malapit sa Pinto at dun ako naghintay kay Joross.
Tapos naramdaman ko na nga na may yabag na ng paa pababa. Agad akong tumingin sa bumababa, at nakita ko nga si Joross. nagulat ako dahil wala siyang damit at halatang bagong ligo .. Naiilang ako tumingin lalo na bumaba na rin yung isang Lalaki. “ Oh andiyan ka na pala “, siya. “ Ah kararating ko palang “, ako sabay tingin sa katawan niya. Shettt ! di ko matiis na mapatingin. Napansin niya siguro na di ako mapakali .. kaya tumaas uli siya at nagbihis na, at kasama na nun yung Gamit niya. “ Tara na ? “, tanong niya .. Nagulat naman ako at tinanong ko rin siya. “ Chu .. pinayagan ka na ? “ , tanong ko .. “ oo naman “ , nakangiting sagot niya.
Kaya nagsimula na nga kami umalis .. Habang naglalakad kami papuntang labas, para kaming mga timang na nagtatawanan ng wala namang dahilan .. SIguro epekto lang ito ng Sobrang pagkamiss namin sa isat isa. “ Hmmmmm .. babysaur saan naman ako matutulog ? :, tanong niya sa akin. Napatingin naman ako sa kanya tapos ngumiti ako .. “ Eh di saan pa ? eh di sa kwarto .. Or else kung gusto mo tumabi kay manang hehehe “, ako sabay tawa ng bahagya. “ Nakakatakot ako babysaur “ , sabi niya .. “ bakit naman ? “ .. tanong ko. “ kasi baka gahasain mo ako eh “, siya sabay tingin sa akin at sabay tawa. “ Ah ganun pala ! sige ngayon palang gagahasain na kita “, ako sabay naghabulan kaming dalawa.
Habang nasa gitna kami ng habulan , bigla nalang may sasakyan .. na bumusina ng Malakas sakto pagdaan sa amin.. “ Sheeettttt !!! “, nasabi ko. Hindi lang kasi nakakagulat at nakakabingi rin kasi yung pagbusina. Wala naman kami sa gitna, actually nasa gilid kami. “ gago pala yun Ahhhh !! “, si Joross na galit na galit sa sasakyan na dumaan. “ kala mo kung sinong may-ari nitong daan “, sabi ko naman. “ mamayabang lang kasi yun babysaur dahil may sasakyan sila .. para namang nanakawin sasakyan nila eh “, himutok niya. “ pabayaan na natin yun Chu .. mga anu yun .. Mongoloids .. ", sabi ko sabay tawa naman siya.
====
Pagdating namin sa bahay ay madilim na nun .. Traffic kasi masyado sa kalsada. “ tara na”, aya ko sa kanya .. Parang nahihiya pa nun si Joross , pero pinaliwanag ko naman sa kanya na wala na siya dapat pang ikahiya , dahiL kargo ko siya .. At ako na bahala. Pagpasok namin sakto naman na nadun na sila kuya Vince , Uno at Topher sa sala .. nanunuod ng T.V . “ Hi po kuya .. “, bati ko . “ Good evening po sir .. “, sabi ni Joross kay kuya . “ Oh bunso .. andiyan ka na pala “, si Kuya Vince. “ Ah .. nagabihan nga po kasi medyo trapik sa Service Road “, paliwanag ko. “ Oh may bisita ka pala .. Classmate mo ? “, tanong ni kuya. “ Ah .. kaibigan ko po kuya, ah pwede po muna kasi kuya dito muna siya sa bahay .. kasi po tutulongan ko po kasi sya sa pag-gawa ng Project niya .. wala po kasi siyang maayos na place na pagggawan kuya eh “ , sabi ko kay kuya .. na kinakakabahan ako sa sasabihin. Napatingin ako , kay Joross ramdam ko rin yung kaba sa mukha niya . “ Ah wala naman problema bunso .. basta mabait yang kaibigan mo “ nakangiting sagot ni kuya. “ Ah salamat po kuya ", ako .. Sinenyasan ko naman si Joross na , magpasalamat kay kuya . “ Ah sir .. thank you po talaga, malaking tulong na po ito para matapos ko yung Project namin , kasi po .. Scholar lang po ako sa School kapalit ng janitorial service , ang Problema po kasi … walang masyadong space para gawin yung Project pag nandun ako “, Si Joross kay kuya. “ Ah ganun ba .. sige wala yun sa akin, kumain na ba kayo ? “, tanong ni kuya. “ Ah di pa po “, mabilis na sagot ko. “ Ah saluhan niyo na si kuya Brenth mo kasama yung Bisita niya sa kusinang kumain “, utos ni kuya.
“ Bisita ? “, tanong ko. “ Ah oo ,ay bisita rin siya “, si kuya Vince. “ Ah okey po .. “, ako sabay niyaya ko na si joross papuntang Kusina. Nasa bungad palang ako ng kusina may iba na agad akong nararamdaman. Di nga ako nagkakamali pareho kaming nagulat Ni Joross sa nakita namin ..
|
|
Si Ganny Kasama ni kuya Brenth kumakain sila sa Lamesa. Pero anong ginagawa nitong Sinungaling na toh dito sa bahay ? Sheeeetttt !! Kainis wag naman sana mangyari yung iniisip ko. “ bakit siya nandito ?”, mahinang tanong ni Joross .. “ Di ko alam chu .. “, sagot ko. At pumasok na nga kami ng Lubusan at halata rin sa mukha ni Ganny ang Gulat na may halong inis. Ganun din ako sa kanya .. sinimangutan ko siya . “ Oh bunso nandito ka na pala .. tara kain “, si Kuya Brenth. “ Ah sige po kuya .. ah kuya si Joross nga po pala kaibigan ko .. dito muna siya mag-iistay sa bahay for two days .. dahiL tutulungan ko siya sa paggawa ng Project “, ako sabay tingin kay Ganny .. “ Ah nice to meet you Bro Joross “, si kuya brenth .. “ Ah nice too meet you din po “, si Joross sabay shake-Hand kay kuya.
“ Joross ?? “, si ganny sabay tayo . “ Oh kaw pala yan .. , huy Brenth classmate ko to si Joross .. one of my Good classmate at kung di ako nagkakamali janitor ka sa school diba ? “ , si ganny sabay tapik tapik at akbay kay Joross. naiinis ako sa sinabing iyon ni Ganny , parang minamaliit niya si Joross . “ Ano naman ngayon kung Cleaner siya sa school may masama ba dun ? “, tanong ko .. “ Wala naman happy lang ako dahil nakita ko siya dito .. What a small word .. So anong ginagawa mo dito ? ", tanong niya pa rin kay Joross . Alam kong nagtitimpi na rin si Joross, pero ramdam ko na nahihiya , nanliliit na siya sa pinagsasabi ni Dennis. “ Ah gagawa ng Project .. magpapatulong ako kay Dennis “, sagot nman ni Joross. “ Oh what .. magpapaturo ka rin ? Pareho tayo Joross magpapatulong rin ako sa kuya ni Dennis eh .. diba brenth ? “, sabay tingin nito kay kuya. Di agad nakasagot si kuya .. Pero sumagot ito ng “ oo”, kinalaunan. “ Mukhang magiging masaya tong .. Project session ah .. and i’m, ready to compete “, nakangiting sabi ni ganny.
Shetttt .. bakit ganito ang inaakala kong BoySITA ay naging BoySITA’s ? Anong gagawin ko ?
Papa Jack can you Help me po ? may Gadzzzz