CHAPTER 32

7761 Words
Ganny’s P.OV Continuation … Ako : Uy Pre .. anong ginagawa mo dito ? Miggy : Eh ano pa eh di dinadalaw tayo .. Brenth : Ayan tayo ehh Lipatan ng Topic. Hoy anu ba yung Pinag-uusapan niyo ?! Bakit damay pangalan ko ? Ako : Ahh wala pre .. Ikaw lang ba brenth sa Mundo ? Brenth : Pre umamin na kase kayo .. ako lang naman ang brenth na kakilala niyo ehh. Miggy : Ganito kase yun .. Diba malapit sa Pinapasukan mong SkuL yung Paaralan din na Pinapasukan ni Zak ? Brenth : Oo bakit ? Miggy : Diba may karelasyon yun na teacher sabi niya sa atin ? Ako : gago talaga yang si Zak .. kala mo kung sinong mabait na bata ehh kalibog ba naman. Pati teacher niya di pinalampas. Brenth : Oo balita ko nga lage daw siyang hinahatid nung Teacher .. at ito pa mga pre taga subdivision pa pala yung teacher na yun. Dun sa subdivision na tinitirahan namin .. Pero sabi ni Zak sakin . Di na daw siya nahahatid nung Teacher pero nagkikita daw sila tuwing Sunday night at dun na nagaganap .. Heheheh Miggy : Ang kalibugan ng kaibigan nating si William Zak …!! Hahahaha bagay sa pangalan niya ugali niya. William Zak his Teacher Bwahahahahahahhaha… Ako : Hoy .. Musta naman yung Iba ? Yung kambal wala na ko balita sa mga yun. Brenth : hahahahahaha .. Diba si Gheo nag-aaral daw ng Film sa may America at Si Theo di ko alam kung nasaan na .. Ako : ANg alam ko .. si theo eh Nasa Hometown nila sa Panggasinan .. Ayaw na daw mag-aral ng Loko. Mag-aasawa na daw siya yun yung huling Text niya sa akin. Brenth : Eh si Jordan ? DIba diyan lang siya sa kabila nag-aaral ng Dentistry .. Miggy : Hehehehe wag kayo Malapit na Maging Dentista yun hahahahaha .. sa panaginip niya hahahahaha !!! Hindi Joke lang .. balita ko may balak siya Next year na Ituloy sa France yung Denstistry Training niya to become a proffesional .. Brenth : Grabe .. Iba-iba na talaga nangyari sa atin simula nung nagkahiwalay hiwalay na tayo hehehehehe .. Ikaw Miggy .. 1st year parin heheheheheh.. Miggy : gago ka brenth ahhh .. Yabang mo pre – Wag ka mag-alala makaka-alis na rin ako sa 1st Year hahahahaha. Ako : Asus .. ehh musta naman si Blue Brenth ?? Hahahahahah Brenth : tang-ina yan .. Yan tayo ehh .. Maka-alis na nga. Miggy : Teka !! .. bakit di parin ba kayo magka-ayos ni Blue ?? Hahahahahaha kakatawa naman kayo. Ako : Eh niyaya ko nga siyang Puntahan nung nasa kanila ako ehh .. Ayaw niya Migz. Brenth : Bahala nga kayo diyan .. hahanapin ko pa kapatid ko. Kaya nga ako nandito para sunduin ko siya. Miggy : Hahahahahahhahaha .. mag bati na kase kayo .. para naman kahit di pa tayo kompleto ehh makapag'minireunion naman tayo. Brenth : Bahala na kayo .. di ako sasama pag kasama yun. Tsk .. nakita mo ba si Dennis Ganny ? Ako : Nakita ko siya malapit sa Building 4 .. galing ata sa canteen. Brenth : Ah ganun ba sige una na muna ako .. ----                 Patakbo ngang umalis na si Brenth at iniwan kame ni Miggy. Nakka-miss din yung Oras na magkakasama kameng Tropa .. Sampu kameng Lahat at ayun naghiwalay Pagkatapos nung Isang Pangyayari. Pangyayari na kaylangan naming Itago .. Pangyayari na Kaylangan wala ng maka-alam maliban sa aming Sampu :-) {{ END of GANNY's P.O.V }} ************************** {{ DENNIS P.O.V }}                 Nakatayo ako nun at Iniisip ko yung sinabi ni Joross. “ Sige mukhang ayaw mo ata .. sige ayus lang .. “, sabi niya na parang nagpapa-awa. Tumingin na ako sa kanya kanya at Lumapit .. “ Hindi .. papautangin kita Chu “, Ako sabay hawak sa kamay niya. “ Hindi baka kase napipilitan ka lang .. wala naman akong magagawa kung ayaw mo “, Tapos biglang Tumayo siya at lumungkot ng Bahagya. Ano kayang gagawin ko ? May natabi akong Pera , Pero Ipon ko kase yun .. 3k na yun at Yung Price ko naman sa Quiz Bee ehh may natitira nalang akong 1,500. Kung ipapahiram ko sa kanya yun lahat .. AKo naman mawawalan. Pero sige na nga .. Alam ko naman babayaran ako ni Chu ehh.                 “ Hmmmp ok lang bang 4,500 ang mapapahiram ko sayo ? Kase Yun lang ang meron ako ehh “, sabi ko sa kanya . “ Sana .. pero parang ayaw mo naman kase ehh “, sabi niya sabay yuko at Gusot gusot ng kanyang buhok. “ hindi okay nga lang .. wag ka na magtampo, Papahiramin naman kita ehh Pero baka bukas ko pa maibigay , Ok lang ba yun ? “, Ako sabay tabi sa kanya. “ Sige .. okay “ .. Matipid na sagot niya. “ Oh bat parang malungkot ka parin ? “, tanong ko sa kanya ng mapansin kong wala sa mood ang Mukha niya. “ Wala Naiinis lang ako sa Ganny na yun .. Napakayabang na , Basagulero pa “, Galit na himutok niya. “ Pabayaan mo na yun .. wag nalang natin pansinin alam mo naman KSP .. “, Madilim sa bandang tinatambayan namin kaya .. di ako nagatubiling Ilahad ang Ulo ko pahiga sa mga balikat niya. Siya naman ay agad na Inakbayan ako ..                 “ Basta babysaur .. kung ano man ang sabihin ng Lalaking yun wag kang maniniwala , Alam mo naman baka gumawa ng kung ano-anong kwento yun .. Para siraan ako sayo “, Sabi niya sa akin habang yung isang kamay niya ay nasa bandang Mukha ko.    “ Oo .. di ako maniniwala kung sisiraan ka man niya , dahiL sa Pinagdaanan natin hehehehe alam kong ikaw lage ang nagsasabi ng totoo “, Ako sabay Kuha ko sa kamay niya at sabay halik .. Muahhhhhhhhhhhhh ..                 Bigla kameng napatahimik ng maramdaman naming may Naglalakad sa Hallway na nasa tapat namin Mismo .. papunta yun sa Direksyon ng Canteen. Pero ng Matapat ito sa may Ilaw ay .. Pamilyar sa akin yung Lalaki. Hanggang sa Kinuha ko Cellphone ko upang makumpirma .. Pagkabukas ko ay sakto namang may Tumatawag .. “ Sino Yan ? “, tanong ni Joross .. “ SI kuya Brenthh .. baka nga nadito siya ehh yung dumaan ? .. “, Sabay senyas ako ng tahimik kay Chu.                 Sinagot ko na yung tawag : Hellow kuya ? [] Ohh Bunso asan ka ? Ahh bakit kuya ? [] Andito kase ko sa SkuL niyo Pinapasundo ka sa akin ni Kuya Vince. Asan ka na ba ? AKo ??? AHhhh kuya Nasa may gate na ako ehh. Asan ka ba ? [] Ahh papunta na kong canteen niyo ehh. Ohh Sige kuya Hintayin kita sa may Gate .. [] Oh sige .. Pabalik na ko. Hintayin mo ko diyan.. Opo .. [] Gehh Bye na .. ===                 Napatingin ako kay Joross .. tapos Humalik ako sa kanya.. “ Hmmm Chu ?? Hinahanap na ako ni Kuya ehh Paano ba yan bukas nalang ahh ? “, sabi ko sa kanya. “ Sige ako rin una na .. maglilinis pa ako sa Mga C.R ehhh “, siya sabay Tayo at .. Paalam na sa akin. ganun din ako. patakbo akong Pumunta sa gate kase baka maunahan ako ni Kuya Brenth Tiyak magtataka yun.                 Takbo .. Takbo .. Bagg………………                 Arayyy !!!!!!! , Grabe Halos Tumilapon ako ng Oras na iyon agad akong Tumingin sa taong nasa harap ko. Nakita ko rin na tila Inis din yung Lalaki. Madilim at parang nahihilo pa ko kaya di ko siya makilala. “ Hoy !!! Ang tanga mo talaga nohh alam mong may tao sa harap tapos bubunguin mo ?!! “, Tumayo naman ako .. “ Hoy Una sa lahat di ako tanga !!! “, Tapos bigla kameng nagkatitigan ng makita namin ang isat-isa.                 “ Ikaw nanaman !!! “, sabay naming Bigkas. “ Hoy Ganny .. Anong ako nanaman ?? !! Ikaw tong Ubod ng papansin ehhh !! kung tumatabi ka sana di walang Problema .. If I know .. Sinadya mong humarang para magpapansin nanaman sakin", inis na sabi ko sa kanya. “ pucha .. kapal din ng Balat Pre noh ?? napakataas naman ng pangarap mo .. Ako magpapansin sayo .. Sino ka ba ? Isang baklang Mahilig .. Heheheheh ayoko magsalita alam ko naman masasaktan ka .. baka Umiyak ka pa tapos sumbong mo pa ako sa kuya mo. “, Sabay ngisi siya.                 “ kapal mo din noh .. Tuloy mo !! Tuloy mo !! Mahilig ako sa ano ?? !!!”, galit na sabi ko sa kanya. “ Wala joke nga lang diba ?! “, sabi niya. “ Di ka nakakatawa .. “, mahina at Galit na sabi ko. “ Next time kase .. Kung tatakbo ka sa isang Daan Titingin ka , dahil baka di mo makita .. Nasa Bangin ka na pala nakalutang at Hihintayin mo nalang ang kamatayan .. “, Di ko siya maintindihan Pero .. alam kong may gusto siyang ipunto.                 “ Wag ka mag-alala kung ganun man ang mangyayari .. may milyon milyong Kutson naman ang naka-abang para saluhin ako .. At alam mo kung sino yung miyong-milyong Kutson ang Tinutukoy ko ? “, Ako sabay lapit sa kanya na parang Inaakit ko hehehhe .. Trip ko ehh walang kokontra. “ Wala akong pake kung sino man yun “ , Di na komportable na pagsasalita niya .. dahil palapit n ako ng palapit sa kanya. “ Sorry hindi ikaw yun .. Si Joross kaya yun “, sabay pa-ekis ko ng mga Daliri ko sa may Dibdib niya. “ Hmmm baka gusto mong Pumunta muna tayo sa walang tao ?? Heheheheh “ , Parang nadadala na siya sa ginagawa ko ..  “ Yoko nga .. sino ka ba .. ??!! Di ka naman magaling sa ano ehh “, Pang-iinsulto ko sa kanya ..                 Lumayo na ako sa kanya ng mga tatlong hakbang tapos Biglang Sumimangot ang Mukha niya .. “ Anong di magaling ???? Ohh ano gusto mo subukan natin !! “, Hamon niya .. natatawa ako medyo dahil sa napunta na yung simpleng banggan namin sa isang sensitibong Topic .. Hehehehhe .. “ Huh ??? Subukan ?? ULIT ?? !! Hahahahha ayoko na .. di ka nga magaling ehhh mas magaling pa sayo si joross ..”, Pinipikon ko lang siya ang bilis niya kase mapikon basta yung Ikukumpara mo siya sa iba.                 Lumapit siya sa akin .. “ Hmmm wala akong kasama sa bahay .. Gusto mo bang subukan natin ?? Gusto mo bang mapahiya sa mga paratang mo huh ??? .. sabihin mo lang Pagbibigyan kita ,, “, Palapit ng palapit pati ang Mukha niya. Di na ko komportable .. kaya Tinulak ko na siya .. “ Ano ba ??!! Umusog ka na nga diyan … “, Tapos tumawa siya .. “ heheheh wala ka pala ehh . Pwede naman tayo maggamitan ehh .. Ikaw gamitin mo ako .. tapos gagamitin ko naman ang pagkakataon ..[ Muli siyang Lumapit sa akin … saby bulong : Gagamitin ko naman ang pagkakataon .. ipaghiganti ang Pinsan ko .. PAPATAYIN kita ] “, Bigla akong kinabahan sa sinabi niya kaya napa-atras ulit ako ng Paglalakad.                 “ Kaylangan ko pa bang ulit-ulitin sabihin sayo na wala akong kasalanan !!! “, pasigaw na sabi ko sa kanya. “ heheheheh balang araw makakamit din ng Pinsan ko ang Hustisya “, sabay ngiti siya na parang demonyo. kainis tong ganny na toh !!! Pikunin .. Tapos parang nambabanta pa. Agad naman akong Tumakbo upang mapalayo na sa kanya at makapunta na rin sa may gate. “ hoy teka lang .. may sasabihin pa ako. “, Huminto  nalang ako upang pakinggan iyon .. AYokong makita siya .. Ayokong makita yung Ibang side niya. “ yung milyon milyon na kutson na sinasabi mo .. Baka magulat ka Bayaran mo yun .. Ang mahal kaya ng Kutson .. Baka nga Limang Libo ang presyo ng Isa .. Mas mabuti pang nahulog ka nalang kung alam mong may sasalo sayang tunay na nagmamahal .. Hindi yung sasaluhin ka dahil may Balak sayo .. Alam mo naman siguro ang kayang gawin ng Kutson .. Magaling mang-ABSORB .. yun lang payong Makatao lang “, pagkatapos niyang sabihin yun ay napansin kong natahimik na ang paligid. Unti-unti akong Tumingin sa likuran ko at wala na akong nakita. Wala na si ganny. Umalis na siya ..                 Tumalikod akong muli at nagulat ako ng Biglang may Humawak sa balikat ko mula sa aking likuran .. Kinakabahan ako kung sino man yun .. basta iba ang nararamdaman ko kinakabahan ako.  Agad kong hinahawakan yung kamay at Tinanggal iyon at Nagtatakbo na ako ng mabilis ..                 “ Huy Bunso ! “                 Napatigil ako ng Bigla kong maringig si Kuya brenth. Oh My God .. Si kuya brenth ba yung humawak sa Likod ko. Pagkatingin ko sa Likuran ay nakangiting Tumatawa palapit sa akin si kuya brenth. tapos umakbay siya sa akin .. “ kaw talaga bunso napakamatatakutin mo .. kala mo multo noh ? “, nakangiting tanong ni kuya. “ Wala nagulat lang ako kuya .. kase pagtingin ko naman dun kanina ehh wala tapos bigla nalang kayong humawak kaya ayun .. sobra yung gulat ko “, paliwanang ko sa kanya.                 “ tara na Uwe na tayo .. gabi na ehh “, Aya ni Kuya. Lumabas na nga kame at naghintay ng Jeep sa Labas. Nang makasakay na kame ay Tinanong ako ni kuya Tungkol sa meeting. Meeting ??? Gulat na unang tanong ko sa kanya. Buti nalang walang nakwento si kuya Vince sa kanila Tungkol sa Pagpapatawag sa kanya. Ayun kay Kuya Brenth. Sabi ni Kuya Vince ay Pinatawag lang daw siya sa meeting regarding pa rin sa pagkapanalo .. Hayyy … Heheheheh Mabait pa rin talaga sa akin si Kuya vince. ------                 Pagdating sa bahay ay .. tulad parin ng dati walang iba. Puntang kwarto .. pagkabihis .. baba upang kumain. Pero kame lang magkasabay ni kuya brenth Kumain ng Dinner tapos na daw kase sila kuya Topher, Vince at Uno. Si kuya Cliff naman daw baka daw gabihin, Kaya mauna na daw kame. “ kaylan ang 1st periodical Exam niyo ? “, biglang tanong sa akin ni Kuya Brenth. “ SIguro mga next next week pa po kuya .. “, sagot ko naman. “ Ah ganun ba .. pag husayan mo para makapasok ka sa Top 10 sa Buong 1st year .. “, Paalala sa akin ni Kuya Brenth. Naalala ko naman na okay naman lahat ng Grade maliban nalang sa kinatatakot ko ang Grade ko sa Subject ni Sir renales. Pero maiba nga .. bakit kaya kakilala ni Kuya Vince si Sir Renales at sino si rommy ????                 Pagkatapos naming Kumain ay naghiwalay na kame ni Kuya brenth. Siya ay Lumabas na muna may pupunthan lang daw, Ako naman siyempre Tumaas na Upang makapagpahinga. Nakak-stressed kaya ang mga nangyari Ngayon .. Nagkatampuhan kame ni Joey, Tapos Yung parusa tapos naguidance ako, Tapos nag-away nanaman si Joross at Ganny , tapos Kung ano ano pinagsasabi ng taong bahaghari na yun .. Tapos nangungutang si Chu sa akin.                                 Inayos ko na yung Perang ipapa-hiram ko kay Chu. pagkatapos nahiga na ako .. Napadako ang Tingin ko sa balcony at Bigla kong naalala si Bonsi. Ay oo nga pala !!! Hindi ko na naalalang Lambingin ang Bonsi ko. Hmmmp. Lumabas ako sa balcony at dun ay naupo .. Tinabihan ko si Bonsi. Maliwanang sa balcony dahil binuksan ko yung Ilaw. [ Siyempre alangan naman Pinatay ko !!! tanga lang dennis ??? ] . naupo ako at dun ay Tinatanaw ko ang kalangitan.                 Patay yung ilaw sa kwarto ni Threz .. siguro tulog na siya. Hmmmm hehehehhe sayang andito pa naman ang magandang si Rapunzel hehehehe. Kinuha ko muna yung Cellphone ko dahiL gusto kong mag-emote habang katabi si bonsi at nakatingin sa Langit. Pagkatapos kong makuha ay Pumunta na ako sa Music at Hinanap ko ang Isa sa mga Paborito kong Kanta .. “ Im Gonna Be Around “, ng biglang may nagtext .. Ramdam na ramdam ko yung beep ng phone kahit naka Music Mode ako. Agad ko yun tinignan at nabasa kong galing kay Threz' .. Agad ako napatingin sa bintana niya. pero wala siya dun. Hi .. Bz ka ? ----- > Text sa akin ni Threz                 Tumingin ulit ako sa bintana niya wala naman siya dun. Hmmmp di ko muna siya rereplayan hangga’t di siya nagpapakita sa akin. Habang patuloy ako sa pakikinig .. Nararamdaman ko naman ng Beep ng beep yung Phone ko. Hanggang sa matapos yung Isang kanta. Halos Limang beep ata yung nagawa ng Phone ko at Binasa ko rin naman. Sa kanya lahat Ulit .. Threz - Huy Di namamansin. - Bz ka nga ? - Reply naman diyan. - Grabe ganyan na ba pag nanalo na sa Quiz bee ? - Tsaka ok ka lang ba ? Yung nangyari kanina ? ------                 Yun yung Lima niyang text sa akin. Naawa naman ako tuloy kung di ko siya replayan … Kaya Nagreply na ako sa kanya sa mga tanong niya. Reply ko : Sa nangyari kanina ? Hmm Pwede wag na ntin Pag-usapan yun ?? Bsta ok na yun. Ayus na ang Lahat. Gabe na ahhh ?? Bat tinatanong mo kung bz ako ? Tapos Bigla naman agad siyang nagreply. Reply niya : Papaturo sana ako sa Math. Diba lapit na ang 1st Periodical Exam natin ? Eh lam mo naman di naman ako kagalingan sa Math .. Kina-usap kase Ko ni Sir Vegas Mababa’ba daw mga Quizes ko sa kanya. Reply ko : Ah ganun ba ? Eh gabi na ehh Diba aga pa pasok natin Bukas ? Reply niya : Ah ganun ba ? Sige Gud nyt nalang Ako dito nalang ako sa labas matutuLog. Nasaraduhan ata ako sa bahay ehh.                 Bigla naman ako nagulat sa text niyang Iyon. Sa labas ??? kaya pala di ko siya makita sa kwarto niya. Nasaraduhan ?? Pwede naman siyang Kumatok. Reply ko : Eh bat di ka kumatok ? Di pa naman gaano kagabe eh .. Reply niya : Ayoko kase maka-istorbo. Maaga ata kaseng nakatulog sila Mama Reply ko : So anong Balak mo Reply niya : Tatambay sa Gilid ng Bahay niyo Sa Ilalim ng Balkonahe ng Kwarto mo :-D                 Agad naman akong nagulat nalapag ko yung cellphone ko sa lamesa at Tinanggal ko yung Suot kong Earphone sa aking tainga. Napasilip ako sa bandang baba. Nandun nga siya nakaandig sa May Pader Habang nakangiti sa akin hawak ang cellphone niya. Hindi ako makasigaw baka kase maringig ako ng mga kapatid ko .. Nag silent talk ako sa kanya .. “ Anong ginagawa mo diyan ?? “, patanong na sabi ko. Gamit aking mga labi. Tapos bigla siyang nagtext sa cellphone ko. Text niya : Wala lang dito ako matutulog .. Bakit May Problema ? Reply ko : [ Sabay tingin ako ulit sa kanya habang nagtetext ..] Baliw ka ba ?? Baka malamok diyan. At lamigin ka diyan. Reply niya : Eh wala akong magagawa Sa wala nga akong matutuluyan ehh. Bukas pa ng madaling araw magigising yun sila mama Heheheh Reply ko : Sige tawa ka pa Ganito nalang. Diba marunong kang Umakyat dito ?? Hmm d2 ka na Muna Tumuloy TutaL .. Malapit lang naman bahay mo. Mabilis ka rin makaka-alis bukas ng Maaga. Mabilis na Reply niya : Talaga payag ka? AAkyat na ako ? Pero ..                 Ano nanaman kaya ang pero-pero nitong si threz ehh , Eh diba mag-isa nga kaya niyang Umakyat dito. Magulat na nga lang ako mawalan ako ng gamit at manakawan .. siya talaga sisihin ko !! MAGNANAKAW hahahahaha. Reply ko : Ano nanamang Pero ? Reply niya : Palatag nung Mahaba Mong Buhok para maka-akyat na ako :-) Di Joke lang hehehe ..                 Parang natahimik ako sa sinabi niya. Ayan nanaman siya ginagawa nanaman niyang awkward ang atmosphere ko. Ako nga talaga yung tinutukoy na Rapunzel nitong Loko noh. “ Geh akyat ka na “, Reply ko sa kanya. Pinagmasdan ko siya kung Paano siya aakyat. Napansin kong may kinuha siya sa may bandang Gilid . Huh ??????? Hagdan ?!!! ngayon ko lang napansin na may Haghan dun ahh .. Tapos nilagay na niya yun sa pader at Umakyat na siya .. Pagkatapos dun sa bakal na harang ng Bintana ay Tumuntong siya .. Malapit na yun sa balcony ko .. Kung di ako nagkakamali Bintana yun ng Isa sa mga kwarto sa Baba. Tapos dun ay Tumaluytuy siya hanggang sa pumalapit na siya sa harang ng balcony .. Nakaktakot yung ginagawa niya. pakiramdam ko ako yung nalulula at Feeling ko mahuhulog ako. kung ako yung nasa ganun sitwasyon. may God !!                 Ng malapit na siya sa balcony ay tinanggal niya yung Bag niya at Inabot sa akin .. “ Pahawak naman “, sabi niya. Agad ko naman yun kinuha. Ngayon ko lang napansin !! nakabag nga siya .. tsaka yung suot niya ehh white sando at nakapantalon pa siya .. at sapatos. Ibig sabihin simula galing sa skul di pa siya nauwe sa bahay nila ?? Pagkatapos ay Nakasampa na siya sa balcony at nakangiting Hingal na Hingal na tumingin sa akin. “ Huy  Bumaba ka na nga diyan .. baka mahulog ka pa diyan ehh “. Utos ko sa kanya. Bumaba naman siya. Nilapag ko yung bag niya sa may upuan at naupo ako .. ganun din siya naupo sa may isang upuan. ---- Biglang tahimik .. ewan ko kung bakit. Pero bago pa man ma #BOOMPanes ang mga laway namin ehh nauna na ako magsalita. Ako : Huy san ka galing bat parang galing ka pa rin sa Skwela. Siya : Ganito kase yun .. Gumala lang kame nila Louie kasama yung Iba naming kaibigan sa MOA. Hehehehe sasama ka sana namin. Ehh bigla ka nawala. Ako : Ahh nagsaya pa talaga kayo noh .. kahit na Guidance na ako :’( [ patampong sabi ] Siya : Hindi ahh Balak nga sana naming yayain ka , para naman Sumaya ka. Ehh bigla ka nalang nga nawala. Ako : Oh siya .. matutulog na ako. Ikaw anong balak mo ? Kumain ka na ba ? ( Tumayo na ako, at pumunta na sa harap ng Pinto ) Siya : Ahh oo kumain na ako .. Ako : SIge sunod ka nalang ahh .. Siya : Hai .. Bonsi . Bukas didiligan ulit kita. Wala na kaseng time yung amo mo sayo ehh .. Bc kase yan sa maraming bagay. ( Napangiti ako ng maringig kong kinaka-usap ni Threz si Bonsi .. May pagka-Weird din pala ito pati halaman kinaka-usap. Pero totoo nga naman minsan napapabayan ko na si Bonsi pero alam ko naman na siya ang Umaalaga dito .. Hehehe Step Father siya ni Bonsi at ang Original father si Xavier JOKE !!! )                 Dumeretso na ako sa Kwarto at Inayos ko yung Kama . Siyempre .. No choise naman tatabi si Threz sa akin. Hehehehe .. ( uy kayo ahhh baka may iniisip nanaman kayo mga ka-Green !! Hmmf ), Di ganun hehehehe. Pinagpagan ko yung kama .. Yung unan pati yung kumot.                 “ Sa may Sofa nalang ako mahihiga dennis .. nakakhiya naman kase sayo “, naringig kong nagsalita siya. “ Ahhh bakit naman Pre .. dito ka nalang tabi ka sa akin .. malaki naman tong kama ehh “, Pagpilit ko sa kanya. “ Hindi okay na ako dito “, sabi niya sabay ngiti.  Kainis naman itong lalaking toh !! pachossy pa ..  Isang Dennis tinatangihan niya ?? Di Wag !! Nakita ko siya naupo at tinatanggal yung sapatos niya. Ng Bigla siyang mapatingin sa akin .. Ako naman napa-iwas . Super Liwanag pa kasi nun kaya kitang Kita .. “ Okay lang ba patayin ko yung ilaw ?? Buhayin ko nalang yung lamp Shade ? Di kase ko makatulog ehh “, Ako sabay tingin at tanong ko sa kanya.                 “ oo naman dhenz hehehe .. tsaka pahiga na rin naman ako “, Nakangiting sabi niya. Bago pa man ako tumayo ay Siya na ang naunang pumunta sa may bandang Switch. “ Sige ako nalang papatay “, sabi niya. kaya Ayun Clickkkk .. Madilim na sa Buong Kwarto. Pero may mga Liwanag pa naman na Umaaninag sa may Kwarto galing sa ilaw sa labas .. At pumapasok sa may Balcony. Tsaka binuksan ko rin yung Lamp Shade kaya medyo may ilaw pero hindi nakakasilaw. Malamig dahiL nakabukas yung AirCon kaya nagkumot ako pero Sumisilip pa rin ako kay threz na hindi niya pansin.                 Naka-upo parin siya nun .. At parang may inaayos sa bag niya. Tumayo siya at naringig kong Tumunog yung sinturun niya .. Yung Tipong Tinantanggal at tama nga ako. Tinatanggal niya yung sinturon. Hindi siya nakatapat sa akin kaya Sa Likod lang ang nakikita ko sa kanya. Hmmm .. hanggang sa Binababa na niya yung Pantalon niya. At hanggang sa matira nalang ehh yung Kulay Itim niyang Boxer. Manipis yun at halatang Fit sa kanya.                 Tapos Pinatong niya dun sa Dulo nung Sofa yung pantalon niya. Tapos napansin kong nahiga na siya at unan-unan niya yung Bag niya. Hala !! Loko tohh wala palang unan tapos hindi humihinge sa akin. Tsaka ang lameg wala siyang Kumot . Ehh nakasando pa siya ang problema naman. Iisa lang Kumot dito sa Kwarto. Hindi ko alam kung saan nakatago yung Iba. Bumangon ako at tumayo .. Napansin ko naman na nagising siya. “ Ohh bat nagising ka ?? Uhmmm di ka parin ba makatulog sa Liwanag nitong Lamp ??? Gusto mo patayin ko rin ? “, Biglang tanong niya sa akin.                 “ Hindi ok lang na may ilaw yan .. ehh ikaw nakakatulog ka na bag yang unan mo .. tsaka ang lameg kaya. nakasando ka lang ehh.. Dito ka na kase sa kama. “, Concern na sabi ko sa kanya. “ Ahh ehhh … “, Rarason rason pang sabi niya. “ Wag ka na kaseng makulit .. payat mo pa naman baka lamigin ka kaagad diyan ehh “, Ako sabay talikod at Ngiti. “ Payat daw ?? Grabi ka naman dennis .. “, Naringig kong sabi niya. Pumunta na ako sa kama .. at nahiga patalikod .. “ pag hindi ka dito matutulog .. Bahala ka di kita tuturuan sa math .. “, Pananakot ko sa kanya. “ Sige na nga Boss .. diyan na ko sa tabi mo “, Ewan ko ba napapangiti nalang ako sa nangyayari.                 Naramdaman ko nalang na may Umakyat na sa kama .. Amoy ko yung amoy niyang nakakalalake .. nakak-akit. Yung Tipong natuyuan ng pawis na ang sarap yakapin. Nakatalikod ako sa kanya eh .. Napansin ko naman na inangat niya yung kumot. Nagbigay naman ako kaya ang alam ko ay pareho kameng nasa Ilalim ng kumot. Hindi ako nakatagal .. Tumagilid ako paharap sa kanya. Nakita kong tulog na siya at wala siyang damit. Gago talaga tohh !! pero yung Kumot nakatabon sa kalahiti ng katawan niya. Biro ko lang naman yung kaninang payatot siya ang totoo maganda naman talaga ang Malaman at nakak-akit na Hubog ng kanyang katawan :-)                 Hindi ko nagawang Hipuan o kung ano mang kabalbalan ang gagawin ko kay Threz. Tama na sa akin yung makita ko siyang Tulog hehehe. DahiL maaga pa pasok bukas ay Natulog na rin ako Tulad niya. Pero di ko talaga alam na mangyayari tohh hehehe .. SI threz ang pangalawa kay joross na katabi kong natulog sa aking Kama. =====                 Naramdaman ko nalang na may Yumuyugyug sa akin. Pagmulat ko ay Nakita ko si threz na nakangiti ..  Napa-upo naman ako .. “ Oh bakit ?? … Anong oras na ba ? “, Tanong ko. “ Alas Singko na ng Umaga .. “, sagot niya. “ Hala Umaga na pala .. “, sabi ko naman. May Damit na siya nun at Suot na niya yung Bag niya. “ Ahh oo ehh .. Heheheh napasarap tulog mo. Ahh dhens nakigamit pala ako nung banyo mo ahh .. naghilamos lang ako “, sabi niya sa akin. Gwapo niya kahit naghilamos lang siya .. napatitig muna talaga ako sa kanyang mukha bago ako nakapagsalita.                 “ Ahh ganun ba .. Saan ka lalabas ? Gusto mo samahan kita palabas sa bahay ? “, Tanong ko sa kanya. “ Hindi na kaya ko na yan diyan sa Balkonahe mo .. “, Nakangiting sagot. “ Masyadong delikado diyan ehh .. paano kung biglang Dumulas yung hagdan ?? O kaya ma unbalance ka sa pagtaluytuy ?? “, Nag-aalalang tanong ko. “ Basta tiwala ka lang sa akin .. tsaka baka kasi makita tayo sa labas ng mga kuya mo. mapagalitan ka lang. basta Don’t worry kayang-kaya ko tohh “, Sabi niya sabay labas na sa balcony.                 Sinundan ko siya at Tinignan siya Habang bumababa. “ Bye see you in SkuL “, siya sabay Unti-unti ng Bumababa. Hanggang sa mapunta na siya sa may hagdan.. dahan-Dahan siyang Bumaba hanggang sa makatungtong siya sa may Ground. Tapos Kinuha niya Ulit ng Dahan-dahan yung Hagdan at Sina-uli sa dati nitong Kinalalagyan.                 Tumingin siya Ulit sa akin at senyas na nagpaalam. nagbabye rin ako sa kanya. Nakita kong Sa Pinakagilid na bahagi ng harang ay may mababang pader at Dun siya Tumalon papunta sa Likuran ng kanilang Bahay.                 Pabalik na sana ako ng Kwarto ng makita kong may sulat sa may lamesa sa tabi ni Bonsi. Diniligan ko na pala si Bonsi Pasensiya na kung masyadong Maaga Parating naman na si Mr. Sun ehh - Threz --                 “ Ikaw ha .. Bonsi ha nakakatampo ka na .. parang mas love ka ni Threz kesa … Kesa sa akin Bilang kaibigan. pero ok lang yun .. Siyempre kaylangan ka talaga ingatan isa ka sa Importanteng Bagay sa akin .. Sige Bonsi aasikaso na si Ako .. May pasok pa ehh “, Pakikipagkwentuhan ko kay Bonsi. Tumungo na nga ako sa kwarto at Nag-ayos na para sa pagpasok.                 Walang naghatid sa amin ngayon kaya kanya-kanya kameng alis sa bahay. Ako ang Pinakahuling Umalis .. Si Kuya Uno daw ay mamayang hapon pa ang pasok at sila Kuya Topher at Brenth naman ay parehas ng umalis pero di nag sabay.                 Nahihiya parin ako naglalakad papasok sa SkuL tuwing nakikita ko yung Tarpaulin na may Puso sa pagitan namin ni ganny. Hanggang sa nagulat ako kung sino ang naglalakad. pasalubong sa akin. Himala Kumpleto ata silang apat .. Pero It’s okay. kaylangan wag magpa-apekto Patay malisya lang Dennis. !!! Si Kuya Ali , Vic, Si Ganny at si Karim ang naglalakad. na makakasalubong ko.                 Hanggang sa ,                 “ Huy Dennis .. Musta ! Long time no see ahh “, naringig kong Bungad ni kuya Vic. “ Oo nga noh .. Congrats din pala .. pareho kayong nanalo nitong Si pareng rainbow “, Si Kuya Ali sabay tawa sila ni Kuya Vic. “ ANong nakakatawa ?? “, Biglang saway sa kanila ni Ganny. “ Pre naman kaaga-aga wag ka naman agad High Blood “, SI Kuya Vic. “ Ahh Good morning sa inyo .. Ahh Una na po ako baka kase malate ako “, sabi ko naman. “ Ganun ba .. Sige see you next time Ulit .. kame naman Gagala .. Hehehe walang pasok maghapon ehh .. Libre kame ni Ganny nunuod ng GodziLLa at X-Men : Days of Future fast .. Hehehe sama ka ?? Lilibre ka ni Ganny “, Si Kuya Ali.                 “ Nu ba kayo .. Hindi yan sanay magpalibre .. Sanay yan manlibre sa Iba .. Tama ba dennis ??? Parang mali nga yung Word na Libre ehh .. Bigay pwede pa diba ?? “, Medyo nakak-inis yung Mukha niya. Tapos nakak-inis pa yung sinasabi niya. Pero kung Ganun ang gusto niya .. Di Pagbibigyan ko siya. “ Ahh oo sensiya na kuya Ali .. May kasama na rin kase ako magsisine mamaya ehh .. SIge una na po ako “, Ako sabay Alis.                 Kainis !!! Napasabi pa tuloy ako ng kasinungalingan. Damot niya !! Gusto ko pa naman sana sumama Tskkkkk .. Pero ayokong Ipilit sarili ko. Wew .. tsaka never rin ako sasama pag yun manlilibre noh. Gusto ko lang manuod yun yun !!!                 “ Ano ba yan Pre paiba-iba naman Desisiyon mo !! Under ka talaga ng Tomboy na yun noh ??!! Pati ba naman ngayon di mo na kayang mag Cut dahil sa Utos ng Babaeng yun .. Bahala ka nga tara guy’s !! “, Naringig sabi ni Ganny kay Karim. Hala .. Grabe naman ang ganny na yun .. Makasigaw sa kaibigan niya wagas .. Pero oo nga noh .. si karim under at takot kay joey. Speaking Of Joey .. may tampo pa pala yun sa akin. Di ko alam kung kaylan ako makikipag-usap sa kanya .. Pag lalapitan mo kase parang susuntukin ka eh.                 Naglalalkad ako nun papunta ng Room dahil nasa Building 1 na ako ng Biglang may nagsalita sa likuran ko. “ Dennis .. “, Tawag sa akin ni karim. Tumalikod ako at tumingin sa kanya. “ Magka-away ba kayo ni Joey ?? .. “, tanong niya sa akin na nakasimangot. “ Bakit .. Kung meron man, sa amin nalang yun. Wala kang karapatang malaman yun “, sabi ko sa kanya. Di ko kasi gusto yung Tono at itsura niya habang nagtatanong siya.                 “ Ito ang tatandaan mo dennis .. wag na wag mong sasaktan si Joey , Dahil ako talaga ang makakatapat mo. umayos ka .. ! “, sabay umalis at Umakyat na ito sa hagdan pataas sa 2nd Floor. Di ko maintindihan si karim. Bakit ganun siya ??? Napaka O.A niya naman. Di pa nga niya alam kung anong Problema namin ni Joey tapos ganun na siya maka-react. Kainis siya !!                 Pumunta na ako sa Classroom at naabutan ko na yung marami sa kaklase ko pati si Sir renales, Na nakangiti sa akin. Huh ??? Anong nakain nitong Addict na ito ?? Hmmmp !! Nasa loob na rin si threz , Louie at Naruto Pati si Mark na may Box pang nakapatong sa upuan niya. parang Box ng Krispy Kreme .. Donuts.                 “ Hi Dennis Good Morning “, Tapos tumayo si Sir Renales at hinawakan ako papunta sa harap at Pina-upo ako nito sa Upuan niya. Nagtataka ako sa mga nangyayari ano eto ??? {{ END of DENNIS P.O.V }} ************************* {{ MARK x'TIAN P.O.V }}                 Kaiinis !! Nakakainis talaga !! Kung Hindi lang ako nanganganib ma-kickout dahil sa Dennis na yan. Di ko naman gagawin tong Peace Offering na eto ehh !! SI Sir Renales naman naka-isip nito. Kaylangan muna daw naming mag Palamig sa Pagpapahirap namin kay Dennis the Platikk !! Kaylangan daw namin Makipagplastikan !! kase nasa panig daw ni Dennis si Zhabby .. yung Poging Guidance Councilor. Pero sabi naman ni Sir di naman daw yun G.C .. Anak daw yun ng may-ari ng SKul at  Kapatid ni Papa Ganny.                 Nako ha .. Napabili pa tuloy ako nitong krispy Kreme. Kainis Dapat pala nilawayan ko ito .. O dinuraan man lang . Para umamo !! at sumunod toh sa aking Dennis na ito. Ito lang naman ang Hadlang sa akin tungo sa tagumpay !! lage na lang siya .. lage nalang siya ang Magaling. !!                 Di pa kame nagsisimula ni Sir Renales!!! dito palang nagsisimula ang una naming hakbang para mapabagsak at mapatalsik ang Dennis na ito sa Eskwela !!                 Nandito na !! Eto na .. nandito na ang hampas Lupang panget na si Dennis. !! Pina-upo na siya ni Sir renales at ito na ang senyales na kaylangan ko ng Magsimula sa Drama ko. Agad kong kinuha yung Vicks sa may Bulsa ko at palihim na Kumuha at agad ko yung Pinahid ng Todo sa magkabila kong mga mata.                 Patakbo akong Lumapit kay Dennis at Yumakap Kunwari .. Putcha !!! kader der ayoko nito !! hay naku kung di lang utos ni Sir di ko ito gagawin. !! “ Dennis patawarin mo ako .. di ko sinasadya ang Lahat .. Dennis aaminin ko naiinggit ako sayo nung una hanggang sa ikaw nalang lage yung gusto ng mga Teacher... sana dennis maunawaan mo ako at mapatawad mo ako .. huhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhu “ Putcha ang Hapdi ng Vicks sa mata .. My Gad !! Tulo to da Max ang Luha ko .. Pang FAMAS na eto ..                 “ Teka lang  .. wag ka ng Umiyak “, sabi ng De puta. “ Pinapatawad mo na ako dennis ??? “, Putcha ang hapdi na talaga !!! “ Alam ko naman na galit ka kasi sa akin Mark pero sana isa'Lugar mo .. can we fight Through Academically .. Meron ka din namang ability na di ko kayang tapatan ehh .. Yung manakit kase ng tao .. Physically at Mentally iba na yun .. Sana baguhin mo yun .. yun lang naman talaga ang Hiling ko “ Putang Ina !! Ang dame pang Sinasabi .. Napatingin ako kay Sir .. at nakiki-usap aking mga mata na .. Sir !! ANg hapdi na parang milyun milyung SIli ang nasa mata ko huhuhuhuhuhu.                 “ Ako rin dennis, patawarin mo rin sana ako .. kung naging masama akong Teacher sayo at hindi ako naging fair sayo .. sa lahat ng Bagay. Alam kong maayos din tohh .. Im Hoping na mapapatawad mo ako pati na rin si mark “, Aba unfair tong si Sir .. bat wala siyang Iyak .. kainis Di ko na talaga kaya. kaya napahagulhul ako. Hindi dahil sa Dramang ito .. dahil sa Vicks OMG !! Di ko na talaga kaya.                 “ Dennis … ito para sayo pang Peace Offering ko sayo “, Ako sabay abot ko sa Donut. Napapatingala na ako sa Sobrang sakit. My Gad !!!! “ Salamat Mark at sa inyo din po Sir Renales .. “, Sabi ng De Puta .. s**t Ang sakit talaga. kaylan pa toh matatapos ??? .. “ Pero Dennis kaylangan mo parin bumawi dahil Sobrang baba ng Grades mo .. May Project akong Ipapagawa at sa Periodical Exam dun kaylangan mong Bumawi .. Yun nalang pag-asa.. Ok ba yun .. Kid ?? “, Sabi ni Sir Renales kay Dennis. Naku Sir ahhh basta Usapan namin !! Line of 7 ang makukuha ni Dennis sa Final Grade. At ako na ang bahala kung Paano Hahahahahahah !!!                 “ Mark .. ano na nangyayari sayo ??? Bat ang Pula na ng mata mo ?? Punta ka nga munang CR .. at ayusin mo yang sarili mo para kang Buntis na galing sa panganganak “, Aba !! Pinahiya pa talaga ako ni Sir .. Hmmmp !! “ Sige Dennis .. Punta muna ako sa C.r .. Sorry ulit ahh ..”, patakbo at padrama akong tumungo sa C.R . kainis !! Kaasar !! mamatay ka na sana Dennis !! Ikaw ang dahilan ng Lahat ng Ito.                 Pagpasok ko sa C.R ay agad akong naghilamos .. Pero teka lang ??? Bakit ganito parang lalong Umiinit yung Buong mukha ko ??? Lalo na Yung mata ko. OMG !!!! Arayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy !!!! {{ END of MARK x'TIAN P.O.V }} ****************************** {{ DENNIS P.O.V }}                 Nagulat ako sa mga nangyari sa paghinge ng Sorry ni Sir Renales at Mark .. Ayoko man maniwala pero parang totoo na ito ehh. Pero itutuloy ko parin kung ano yung Sinabi sa akin ni Sir Zhabby. Pero ayos lang naman kung bibigyan ko sila ng Chance ehh.                 Bakit ganun di parin nabalik si mark ??? Nakakapagtaka naman Halos 30 minutes na ahhh .. Nagdiscuss si Sir Tungkol sa Huling Topic namin ang Continuation ng Naudlot na Lesson nila nung nakaraan .. Nung sumagot ako ng Pabalagbag. Yung All About Matter parin .. Pero na sa may Mixture na kame .. base , Acid ganun.                 Pagkatapos nun ay Sinabi niyang May Project Kameng gagawin na Ipapasa Next Thursday din. Nahati kame sa Apat na Grupo .. Gagawa kame ng Libro tungkol sa Apat na State ng Matter. Ako, SI Mark, Si Louie at Si Jhobim ang naging Leader sa Group. Tig sasampu sa Bawat Grupo ang nakaGroup ko ay SIna .. Naruto, SI Threz, Sina :  Harry, Billy , CeeJay, Julia, Eron, Jeanny at Vicky.                 Pagkatapos nun sianbi ni Sir Yung Type ng Exam : 50 % -- Multiple Choice at 50% -- Identification daw. Pagkatapos ay nakita kong Dumating na si mark na super pula ng Mata. Anong nangyari dun ??? Nasobrahan sa pag-iyak dahil sa Sobrang pagsisisi. hay naku .. !! Panget na nga siya .. umiyak pa so panget pa .. Hehehehe. Yun ang Totoo di ako nagsisinungaling mga ka-Green :) ====                 Pinagsaluhan namin ni naruto, Louie , Threz at Billy yung Donut na Binigay sa akin nila Mark. Lunch na nun. Bigla naman akong napatigil kakatawa sa kwentuhan namin ng makita ko si Joey kasama si threz at sa iba silang upuan umupo. AAlukin ko sana si joey .. Pero iba ehh parang puno ng Galit Yung dalawang yun. Si karim nga makatingin parang pagmamay-ari na si joey. Kainis !!! …                 Bumalik agad kame sa Room para sa Next Subject na math. Bigla naman dumating Si Sir.. na tila nagmamadali. “ Ok Good Afternoon sa inyo .. “, bati ni Sir. “ Good Afternoon Sir “, sagot naman namin. “ May Meeting akong aattendan ngayon .. nandito lang ako para iannounce yung mga nanganganib Bumagsak sa Algebra .. Bibigyan ko ng Chance ang mga susmusunod na tatawagin ko Upang Mag-remedial bukas .. pagkatapos ng Lahat ng Subject niyo pupunta ang mga taong ito sa faculty ..”, Napansin kong Bigla nalungkot si Threz ng maringig ang Sinabi ni Sir.                 “ Ok be ready itong pitong tatawagin ko .. Mr. Domingo , Mr. Laurente, Ms. Cruz, Ms. Vasquez, Mr. Torres, Ms. Halina at last Mr. Zamora … magreview kayo para sa Remedial test niyo last Chance niyo na to Pass Algebra “, hala kasama nga si Threz .. “ Sige mauuna na ako at baka malate pa ko sa meeting .. and sa lahat be ready sa Periodical Exam .. Lahat Problem solving yun “, Kaya Need to review talaga lalo na yung Pitong tinawag ko.                 May-Umiyak sa mga natawag , Yung Iba nagwalk-out naman. Si Threz naman napansin kong wala sa sarili . Agad ko naman siyang Nilapitan. napansin ko rin na Lumapit si louie. “ Pre paano na yan .. kaylangan mong Magreview “, si Louie. Ewan ko di ata nagustuhan ni threz yung sinabi ni Louie kaya sinagot niya ito. “ Ano ba pre !! .. la kang pake “, sabay Lumabas ito dala-dala ang Bag niya. ---                 Sinundan ko siya at napnsin kong dun siya Pumunta sa may Isang Puno at naupo sa ilalim nito. Tumabi ako sa kanya. “ Tara na .. Kaylanangn mo pang magreview .. tara sa library “, aya ko sa kanya. “ Diba may next subject pa ??? “, malungkot na sabi niya. “ Ano ka ba .. mas kaylangan mo ang kaalaman ko sa math ngayon kaya .. i choose to go with you .. tara na .. tumayo ka na diyan .. habang nasa mood pa ako magturo .. bahala ka mamaya baka bz na ako “, Pinapangiti ko siya habang sinasabi yun. Tapos napangiti naman siya. “ Sige na nga … “, siya sabay naglakad na kame papuntang Library. +++ ORAS ang LUMIPAS +++                 Ginabi na kame halos sa Library .. 7 na ta nun ng Binalak na naming Umuwi. Nakalahati na namin yung Topic. Pero may 50 % pa na kaylangan na pag-aralanan at ipinangako ko sa kanyang Magpupuyat kameng dalawa mamayang gabi para maturuaan ko siya.                 “ Mamayang gabi Magpapa-alam ako sa mga kuya mo na .. dun ka na muna sa bahay Tumuloy para maturuan mo ako .. ok lang ba yun ? “, tanong ni Threz sa akin. “ Ako na ang magpapa-alam mauunawaan naman yun ng mga kuya ko “, nakangiti kong sagot.                 Hanggang sa makarating kame sa Subdivision. Magkahiwalay na kameng Pumasok sa kanya-kanyang Bahay. Pagkatapos kong Kumain ay Nagpaalam ako kay Kuya Clifford. Kuya Clifford : basta .. mag-aral lang ahh .. Ayokong mabalitaang Nasa galaan kayo. O may Ginagawa kayong Kalokohan. Ako : Wala po kuya .. papaturo lang po talaga siya. Kawawa naman po kase. Kuya Clifford : Oh sige puntahan mo na siya .. Para makapagsimula na agad kayo. ----                 Dala-dala ko yung NoteBook ko sa math papunta sa Bahay nila Threz. Agad ko naman siyang Tinext at agad naman akong Pinagbuksan ng pinto. “ tara tuloy ka .. “, sabi niya. Pagkapasok ko sa bahay nila ay nakita ko yung Mga magulang at kapatid niya sa sala na ngayon ko palang nakita. Pinakilala niya ako sa mga ito .. Ahh ma, pa, SI dennis nga po pala yung Kaklase ko na sinasabi ko sa inyo na nanalo sa math Quiz bee. “ Ahh siya ba yun anak oh .. iho kinagagalak ka namin makilala “, sabi ng nanay niya. “ Diba sa kabilang bahay ka lang Iho ? “, tanong naman ng tatay ni Threz .. “ Ah opo diyan lang po sa Hernandez Residence “, Nakangiti kong sagot.                 “ Oh sige .. Dennis kaw na bahalang mag turo sa anak ko ha .. Mamaya dadalahan ko nalang kayo ng makakain “, sabi ng nanay ni threz. “ Ahh dennis kapatid ko nga pala, Si Kyla at ang Bunso namin si Ray .. “, Pakilala niya sa akin dun sa parang supladang babae pati dun sa batang cute .. “ hi po “, sabi ng bata. “ Hi din “, sabi ko naman.                 “ Sige ma taas na po kame “, si threz .. “ Sige po tita “, paalam ko din. Habang tumataas kame ay tinanong ko si Threz. “ Ikaw ang panganay ? “, tanong ko. “ Hindi yung Kuya ko nasa Abroad nagtatrabaho bilanbg Chef sa isang sikat na Restaurant dun at yung isa ko pa ulit na kuya .. ay nadiyan lang yun .. Gabi na yun kung umuwi. “, sabi ni Threz.                 Di na ko nagtanong pa at Sumunod nalang ako sa kwarto ni Threz. maganda yung bahay nila at parang ang presko sa pakiramdam ng Kulay .. Pagkapasok sa kwarto ni threz ay napansin kong Humiga agad si Threz. “ huy .. kaylangan mo ng magreview .. “, sabi ko. Tumayo naman siya at ngumiti. “ Im Ready !! “, sabi niya.                 “ Sige may ipapasagot muna ako sayo .. Tungkol dun sa kaninang Topic “. Nag'isip ako ng Equation at sinulat ko sa Notebook ko .. ahhhmm ito sagutan mo. ! Tapos binigay ko sa kanya yung Notebook ko. -- Find x : x = [(b^2 - 4b + 16) ( b^2 – 16 )] / (b^3 + 64) .. Threz : Ah okay dali lang nito !! Ako : SIge solve mo na yan .. ( Ako naman nahiga sa kama niya at pinagmasdan ko yung Buong Kwarto. Blue kulay ng kwarto niya at napaka'rakista ng style dahil puro poster ng Mga Rock band ang nakadikit. Pumunta siya dun sa Studytable niya at dun siya nagsagot ) Threz : Dennis, pwede bang humingi Scratch dito sa notebook mo ?? Ako : SIge basta yung nasa Likod lang .. ---                 Bigla nalang ako nagulat ng Nasa harap ko na si Threz ng nakahiga lang ako.. Bigla Tuloy ako napabangon at dun ako sa Unahan ng kama nakaLuhod habang nakatingin sa kanya. “ Bakit tapos ka na ? “, tanong ko sa kanya.                 “ Hindi dennis .. may itatanong lang sana ako sayo ? Pero wag kang magagalit ha ??? “, sabi niya. “ Anu yun ??? bat naman ako magagalit ?? “, tanong ko. “ Tignan mo ito .. “, tapos binigay niya sa akin yung Notes ko na nakabuklat patalikod. Agad ko naman Tinignan at Bigla akong napatulala .. O.M.G !!!! Ang nakita ko ay : BITAY PATAY c _ u _ a i n  / _ o / a _ o / d e n n i _ .. Shet ito yung Pinapahulaan ni naruto !!!  Bigla akong napatanga bat ganun biglang nabasa ko kung ano agad nakasulat.. OH My God !!!! Bigla akong napatingin kay Threz, na puno ng Hiya. Ng Biglang Kumidlat ng malakas !!! Buggggggggggggggggg !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Bigla ako nagulat at napayakap. nAng biglang Dumilim ang paligid. Nawala ang mga Ilaw .. Kung di ako nagkakamali nagBrownout !! Shet .. sa sobrang takot ko lalo humigpit ang yakap ko. Yakap ko ?????? Yakap ko ????????? kay Threz ???????????????? !!! #BOOMPanes !!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Nakakahiya !!!! ?______?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD