Patuloy pa rin ang malakas na ulan hindi parin dumadating sina kuya Topher at Uno. Hindi ko alam kung may sasakyan ba silang dala .. Malay ko ba marunong bang magdrive ang dalawang yun ? Napakalamig dahiL ang lakas ng Hangin kaya Lubos ang Pagyakap ko sa aking sarili kasama ang Jacket na suot ko. Nakatulong yun Upang mabawasan ng kahit Konti ang Lameg na nararamdaman ko. Pero kung hindi uuwi yung mokong na yun .. Saan naman siya tutuloy dito sa Skul ? Ay Oo nga pala pagmamay-ari naman nila itong paaralan kaya Kahit saan nalang ata hihimlay ang Ganny na yun. Napatingin ako sa may Bandang may Gilid ng kaldasa nagulat ako ng Biglang may Tumago ng Bahagya dun sa may Poste .. Ahhhhh Huli ka. Alam ko siya yun alam kong di pa niya talaga ako iniiwan. Alam kong binabantayan niya ako. Pero akala ko ba muhi siya sa akin … Siguro tulad ng sabi magkaibang sitwasyon tohh. Pero kahit binigyan niya ako ng Jacket naiinis ako sa kanya. Yung pag-insulto niya kay Joross Grabe na siya.
Kahit magtago man siya ehh nakikita ko yung Payong niya na Lumilitaw Hehehehehe. Pinabayaan ko nalang siya, Buti nga yun may Pasimpleng Guardian Angel ako hehehehe.Nakakatakot yung buong Paligid .. wala man lang nadaan na sasakyan , nakakapanibago. Malakas pa din yung Ulan. “ My God naman Ohh TumigiL ka na please ??? “, Naalala ko yung Teacher kanina. SI Sir roman San kaya siya tutuloy ??? Aaalis din kaya yung matandang yun O Dito rin siya natutulog ? Baka may Special na Room o Kwarto para sa mga Teacher dito na Gustong wag ng Umuwi.. Siguro ganun na nga.
KumuLog ! KumidLaT ! Humangin at Umulan ng Malakas !! Patuloy na nangyayari yun Hanggang sa Halos kalahating oras na atang Paghihintay ang ginagawa ko pero wala paring dumadating. Maaga pa naman Pero medyo ang Weird ng Paligid nakakatakot. Bigla nalang Kumidlat ng Malakas at mabilis na nawala yung Ilaw sa may daan. Anong Nangyari ??? Shettttt napakadiLim na Lalo. Pero pagtingin ko sa may SkuL ay may Ilaw ito .. at napansin ko rin na wala na ang Nagmamasid na si Ganny. Tuluyan na niya akong Iniwan huhuhuhuhuhu. Paglaon ay humina na yung Ulan .. Sa ganun sitwasyon ay nabawasan ang kaba ko. Patingin –tingin ako sa Paligid at nagbabakasakaling meron akong makita. Pero wala na talaga siya ehh.
Bigla kong nabuhayan ng may natanaw akong Ilaw mula sa Daan. Ilaw yun ng sasakyan .. Panigurado sila Kuya na yun. Yehey Makaka-uwi na ako ! Di nga ako nagkamali Isa yun sa mga Kotse sa Bahay. TumigiL nga yun ng Sumenyas ako Gamit ang ilaw ng aking Cellphone. Tapos bumukas yung Pinto .. “ Tara sakay na “, Nagulat ako Hindi si Kuya Topher at Uno yung Nasa Loob Kundi Si Kuya Cliff Tapos nasa Loob din ang Tulog at Parang lasing na si Kuya Vince. Sa harap nalang ako naupo sa Tabi ni Kuya Cliff. “ Natagalan ako dahiL diyan sa Kuya mo napakakuliT .. suka ng Suka sa daan. Parang bata Iniwan lang ng Girlfriend tapos kung ano-ano na ginagawa sa Buhay “, Galit na sabi ni Kuya Cliff .. Pero di naman siya sa akin nagagalit parang ang sender ng Sinasabi niya ay ang Tulog na si Kuya Vince. Tinanong rin ako ni Kuya kung bakit daw basa ako. Sinabi ko naman yun nangyari at pati yung pagkapanalo ko . Pero wala akong naringig na “ Congratulation “, mula man lang sa kanya. Di na lang ako nagdamdam .. Inexpect ko naman na ganun ehh na Hindi siya Proud sa akin .. Bilang kapatid niya. Nakakalungkot Isipin na ganun sa akin si Kuya.
Ng Umandar na yung sasakyan ay napatingin ako dun sa madilim na Hintayan at may naaninag ako na tila hugis ng Payong. Siya yun … Hehehehehe talagang hinintay niya talaga ako bago maka-alis. :-) . Pagdating sa bahay Pagkaparada ng Sasakyan ay Bumaba na ako. Dala-dala ko yung Trophy na Gantimpala ko sa Quiz Bee. SI kuya namn ehh nagpahuli bubuhatin pa ata si Kuya Vince. Nasa Pinto na ako Nun .. Ewan ko ba bat ako kinakabahan. Pagbukas ko ng Pinto ay Madilim .. Walang Ilaw tulog na ata ang mga tao. Hanggang sa Kinapa ko na yung Switch .. Pagbukas ng Ilaw ..
Pokk ..
Pokk ..
Sabay Talsikan na parang Ulan yung mga Confetti .. “ Congratulation Bunso !!!! “, Sigaw ng nakita kong si Kuya Topher, Uno at kahit nasa Likod man katabi si manang ay nandun rin si Kuya Brenth. Huh ????!!!! labis yung pagkagulat ko sa nasaksihan ko .. Pero Paano nila nalaman ??? Ehh wala pa naman akong Pinagsasabihan ??? Tsaka bat parang handang-handa sila ??? Tapos sinalubong ako ni Kuya Topher at Uno. Niyakap ako ng dalawa kong Kuya .. Ewan ko ba parang maiiayak ako sa nangyayari. “ Proud na proud kame sayo Bunso “, sabi ni kuya Uno. “ Pero paano niyo ---- “, Hindi na ako Pinatapos pa ni kuya Topher .. “ Hindi na mahalaga kung Kanina at paano namin nalaman ang mahalaga andito ka at Magcecelebrate tayo sa Pagkapanalo mo ! “ , SI Kuya Topher . Kinuha nila yung Trpohy ko at nilagay yun sa may lamesa sa sala. Sumunod na Lumapit sa akin si Kuya Brenth. na Kinongratulate din ako .. Pagkatapos Si manang Din.
“ Congratulation … “, Biglang kumabog yung Dibdib ko ng marangig ko yung dalawang Patong ng boses na sabay nagsalita mula sa akin Likuran. Tumalikod ako upang makita sila .. Si kuya Cliff na nakangiti habang akbay nito ang papikitpikit pa na mata ni Kuya Vince. Dun ako natuwa na akala ko ay Hindi naapreciate ni Kuya Cliff ang Pagkapanalo ko .. Yun pala ehh may Plano silang Isorpresa ako. Pati rin si Kuya Vince Kahit Lasing ang Loko di nagpatalo sa pag-Congrartulate sa akin. Bigla itong Bumitaw sa pagkak-akbay ni Kuya Cliff at Nagulat ako na pagewang-gewang na Yumakap ito sa akin .. Ginusot pa ang buhok ko .. “ Galing talaga ng Bunso namin “, Sabi niya sabay … Bwakkkkkkkkkkkkkkkkkk …
Huh !!! Shettt Sumuka si Kuya. Huhuhuhuhuhuhuhu .. Imbis Tulungan ako ng Iba kong mga Kuya ay nagtawanan pa ang mga ito. Agad naman kinuha Ulit ni kuya Cliff si Kuya Vince at Pinahiga ito sa Sofa sa sala. Ako naman Tinanggal ko yung jacket na suot ko dahiL nasukahan ito ng Konti. Si manang naman ay agad Kumilos Upang Linisin iyon. Tiningnan ko yung Jacket kung madame ba yung Suka. Konti lang naman iyon … Pero bigla akong napatingin sa Kulay ng Jacket. Huh ????????? May pagka-Kulay Rainbow pala ang Jacket. Di ko napansin ahhh .. Medyo madilim kase kanina kaya siguro di ko nakita. Magtataka pa ba ako kung kulay Rainbow ito.. Siyempre adik sa Rainbow yung May-ari ehhh. Pero ang cute ng Jacket ahh .. Tumaas muna ako at nagbihis at Bumaba Ulit Upang Kumain sa Celebration daw ng pagkapanalo ko.
Isa sa mga Pinakamasayang Gabi yun ng Buhay ko yung Tipong masaya kameng lahat habang Kumakin. Kahit Tulog si Kuya Vince Okay lang yun nauunawaan ko siya. Nagkwento ako sa nangyari at Sobra ang Galak at Bilib nila sa akin. Pansin ko yun sa mga Reakyon nila. Masaya kong natulog .. Hindi lang dahil sa nanalo ako at DahiL narin sa Binati ako ni Kuya Cliff. Ngayon ko lang nakita na ganun siya kasaya .. ang Pinagtataka ko nga lang sa Edad ni kuya Cliff Bat di pa kaya siya nag-aasawa ?
Hehehehehe Nakatulog agad ako , Siguro dahiL sa pagod na rin. (Z...Z)...ZZZzzzzzzz
----
KINABUKASAN ….
Iba yung bag kong dala dahiL basa pa yung bag ko at Pinalabahan ko yun kay manang kasama yung Jacket ni Ganny. Hindi pa nga ako nakakapasok sa gate ng SkuL ay batid ko na nasa-akin nakasentro yung Paningin ng Buong tao. Hindi dahiL sa may Dumi ako sa Mukha .. Hindi rin dahiL sa May gusto sila sa akin at lalong Hindi dahiL galit sila sa akin. Siguro nalaman na nila yung pagkapanalo ko at Yun ang dahilan. “ Siya ba yung nanalo ? “, may naringig pa ako nun na nag-uusap sa Dinadaanan ko. Oo nga pala may pasok din kahapon siguro agad na chinismis nung mga naka-alam yung nagyari. Tsaka meron nga rin palang Website at f*******: account yung SkuL namin. Siguro nung Pinicturan kame isa-isa Kahapon ay Pinost yun sa f*******: at yung status kung panalo ba o talo. Nge . kakahiya Tuloy. “ Congrats .. “, sabi nung Isang Grupo ng mga babaeng nadaanan ko. “ Ahh thank you .. “, reply ko naman. Hanggang sa makarating ako sa Room. Ay panay ang bati sa akin ng mga Studyante. Tahimik sa Room at nakita kong nandun na si Sir Renales, pati si Mark na kapwa nasa unawan. Grabe ang aga nila. Buti nalang 7 palang nadito na ako. Konti palang yung nasa loob yung Iba naman ay Bag lang ang nadun siguro nasa Labas. “ Uy Congrats dennis ahhh nagchampion ka pala “, Panay Bati rin sa akin yung mga Kaklase kong nasa Loob .. Sina Jobim pati yung Iba. Wala pa si Threz, louie, Billy at naruto kaya wala pa kong medyo kaclose. Pero bago ako makapunta sa Upuan ko ay naringig kong nagsalita si Renales at Mark.
Mark : Sir di niyo po ba nararamdaman super hangin dito sa loob ..
Sir Renales : Ramdam ko rin yan .. Hmm nanalo lang ka lake na ng Ulo
Mark : Naku Sir Alam mo ba yung Contestant sa Science may God pinahiya yung Field mo sir .. dapat kase ako nalang Lumaban. Bobo naman pala yung babaeng Yun ehh
Sir Renales : Tama dapat ikaw nalang Lumaban Mark , may chance pa sanang ipanalo yung Science 1 ..
* Di na ako nakapagpigil pa at nagsalita ako ..
Ako : mawalang-galang na Po .. Hinay hinay naman po kasyo sa sinasabi niyo sa tao .. Hindi po bobo si Eliza, Ginawa niya ang lahat ng makakaya niya. Hindi lang talaga umayon ang tadhana.
Mark : Ahh Pinagtanngol ng mayabang ang bobo niyang kaibigan . Hahahahahaha Naku wag kang mayabang Dennis !
Ako : Hindi ako nagmamayabang .. ehhh mas bobo ka pa nga sa kanya eh !! Bobo ka dahil di ka marunong gumalang sa kapwa mo tao. !
Sir Renales : Aba wag na wag kang sisigaw dito Mr. hernandez .. ang bastos mo ha ! Alalahanin mo Teacher mo ko ? Baka magulat ka nalang Umulit ka ng 1st Year ! At higit sa lahat Pag di mo pa tigilan niyang Paninisi mo Tungkol sa nangyari sayo !!! Umayos ka talaga !
Ako : Diba totoo naman may Kinalaman ka sa nangyari ! [ Tumayo ito at Lumapit sa akin … ]
Sir Renales : Patunayan mo !! Wag ka mabibintang ng walang Ebidensya !!! ANo sasagot ka pa ! Ha ! [ Di ko na siya sinagot pa Ulit at naupo nalang ako sa Upuan ko .. galit na galit si Renales at alam kong pag-iinitan nanaman ako nito sa Klase ]
Mark : Ang yabang yabang akala mo kung sino !!!
Sir Renales : Mayabang ka !! Tignan natin mamaya kung hanggang saan ang galing mo.
=====
Natahimik ang Lahat at Parang takang-taka ang mga ito .. Buti nalang at hindi pansin ang sugat ko sa bandang Noo. Ganun din sa bahay Buti di nila nahalata. Ang puti ko pa naman kaya halatang-halat kung may sugat man ako. Unti-unti ay Dumating ang Iba at Agad silang inunahan ni Sir. “ Wala akong mariringig na magcocongratulate ngayon ahhh kung susuwayin niyo ako Lumabas kayo !! , Hindi tohh oras ng Pagbabatian, Oras toh ng Subject ko kaya Umayos kayo .. wala akong maririrngig na kung anong Greeting sa mag bibig niyo!!! ako lang ang magsasalita ! “, Pasigaw nitong Paalala. Nasa tabi na nun si Threz at ngumiti nalang sa akin. Tapos lumapit siya at may ibubulong sana sa akin … “ Threz ! Anong pinagbubulungan niyo diyan ? Diba kakasabi ko palang ! “, Mabilis naman nagulat si Threz at naupo nalang ng Tuwid. “Mr. Zamora ! “, sigaw nito. “ Bakit po Sir ? “, tanong naman ni Threz. “ Lumipat ka dito sa Tabi ni Mr. Flores .. “, Huh ??? palilipatin niya si Threz ? “ Huh ??? Lilipat po ako .. “, napatanong Si Threzz .. Tapos Lumingon yung Baklitang Si Markk .. “ At bakit ??? Ayaw mo ? Maswerte ka nga dahiL makakatabi mo ang pinakamagandang nilalang dito sa Room ehh .. Choosy ka pa ! “, Tang-ina .. maganda daw !! Eh mukha nga siyang Baklitang Kambing ehh . Napansin ko napangisi nalang si Threz. “ Hindi mo ba ako naringig Mr. Zamora ? Lumipat ka ngayon din ! “, Bakante kase yung tabi ni Mark, wala kaseng gustong tumabi sa baklang yun. Kawawa naman si Threz tatabi siya sa baklang yun. Tumayo na nga si Threz at Dahan-dahan tumungo sa upuan malapit kay Mark. “ Simula ngayon .. sa Klase ko diyan ka uupo .. naiintindihan mo ba ? ! “, Tumayo si Threz' at sumagot .. “ Opo “.
Patay si Naruto nalang pala katabi ko dito. Hmmp nasaan nga pala yung Baliw na yun .. Papetiks Petiks nalang siya sa mga Lesson ahh. Nakita ko naman na nakatingin sa akin si Louie at Parang sinasabi ng mata niya ay .. “ Congratulation Best :-) “. Nginitian ko din siya. “ Makinig na … ! Ahh malapit na pala ang 1st Periodical natin .. Nais ko lang sabihin sa inyo na .. may ilang nanganganib sa inyong Lumaylay .. Kaya kaylangan Ayusin niyo pa. Give more effort Tulad ng Ginagawang Performance ni Mark Flores .. I think He desrve a Good Grade From me .. pangalawa na rin si Mr. Zarmento .. Sila ang sa tingin ko palang ay Papasa “, Bigla akong nalungkot sa sinabing iyon ni Sir. Mas maniniwala ako kung si Louie lang ang pwedeng makakuha ng mataas ng Grade. Pero bat pati yung baklang yun na wala namang ginawa kung sumipsip ehh Ganun. Naiinis ako !
Tumayo na siya at kumuha ng Chalk at sinulat isang isang salita ..
“ MATTER “
Matter pala ang Topic namin ngayon. Napag-aralan narin naman yan nung Elementary Day’s kaya medyo siguro madaling sumunod. Pero sana walang Favoritism nakak-inis na. “ Ahhh Pwede ko bang tawagin ang Isa sa nagchampion sa SciMath Competition math 1 category . “, Bigla akong kinabahan ng maringig ko yun . Anong Binabalak niya. “ Tumayo ka ! .. Di mo ba ako naringig ? ! Akala ko matalino ka .. Simpleng Utos di magawa. TAyo ! “, Agad naman akong Tumayo. Ramdam ko napahiya ako sa buong Klase .. Pinag-iinitan nga ako ni Renales. Kaya ko toh !! Kaylangan ko itong kayanin. “ ANo po yun Sir tanong ko .. “ Diba mayabang ka ? ! “, painsulto niyang tanong. “ Sirr … “, Magpapaliwanang sana ako pero bigla siyang sumabat. “ Ohh siya wag ng magpaliwanang magyayabang ka nanaman ehhh .. Okay . Define Matter !!! “, Bigla kong Inalala ang napag-aralan ng elementary. Isa sa Pamilyar na topic sa Science ang Matter kaya di ko rin ito agad nakalimutan.
Ako : Matter is anything that has mass and takes up space. All things, living and dead, are made of matter.
Sir Renales : What is matter made of?
Ako : [ Huh ???? Anoo meron pang pabaon na tanong kainis .. !! buti nalang talaga alam ko ] Matter is made up of smaller particle called atom.
Sir Renales : So what is Atom ?
Ako : Atoms are the smallest particles of matter
Sir Renales : What does an atom look like? Pwedeng pakiguhit sa BlackBoard ??? Kaya mo ba o Hindi !!! [ bakit niya ginagawa ito sa akin … Shett kaya ko ba bang iguhit yung Atomic Structure .. Please alala-ala bumalik ka. sa awa naman ng Diyos bigla kong naalala yung Structure Eleven na Hyperbolic na Pinagcross cross ko at tsaka sa gitna nilagay ko yung mga Bilog na KumpoL , Pagkatapos nilagay ko na yung apat na label ng part nito .. Nucleus, Proton, electron at Neutron ]
Ako : Tapos na Po sir …
Sir Renales : So what is Molecule ? Anong connection nito sa Atom ?
Huh ??? nanaman ? O___0 , nanadya na ba ito !
Ako : Molecules are the smallest whole bit of a substance. Molecules are made of two or more atoms.
Sir Renales : Then What are the four states of matter?
Ako : The four states of matter are : Solid, Liquid, Gas & Plasma.
Sir Renales : What do the four states of matter look like? And Also teel us .. if what is the different between the four state !
*Muli ay humarap ako sa Board at ginuhit ang Pinag-iba iba ng Stucture ng apat na state.. Sa solid siyempre very stong yung Bond sa Liquid naman ay Hindi masyado at sa Gas naman ay No Bond. Sa may Plasma naman ay binubuo ng Proton at neutron Isang Inonization model.
Ako : What is the Different of the four state in each other. First The solid state : Solid State keep their shape and have a fixed size, shape, and volume. The particles in a solid are packed tightly together (touching) and vibrate back and forth. And the Liquid State take the shape of their container. They have a movable surface, but their volume is fixed. The particles in a liquid are spread out a little and are able to slide past each other. The third State is Gas. Gases take the shape of their surface. The size, shape, and volume of gases changes depending upon the size of the container. The particles in a gas are very spread out and move very quickly in all directions. And Lastly A plasma is a hot ionized gas consisting of approximately equal numbers of positively charged ions and negatively charged electrons. Ok na pu ba yun Sir ? ( Lakas na Loob kong tanong … nakakahalata na kase ako Puro kase ako nalang ang nasagot.)
Sir Renales : Ah nagrereklamo ka ba ? Hindi pa diyan nagtatapos ! marami pa akong Tinatanong. What is Element !!!
Ako : Hindi ko po alam . [ Kahit alam ko ang sagot , ayoko na ! Ayoko na ! DI na ko makakapayag sa pinaggagawa niya !! Very Unfair ! ]
Sir Renales : ANong di alam sagot ! What is Element !
Ako : I – Don’t – Know po.
Sir Renales : Huh .. Yan ba ang matalino ? Element nalang na element hindi pa alam ? Diba mayabang ka sagutin mo yan ! Diba pasikat ka sa mga techer .. Ngayon yang Kayabangan mo gamitin mo para masagot mo yan !!! Answer ..
Ako : Sir Hindi ko po alam ??? Kaylangan ko pa po bang paulit-ulitin Hindi ko po alam ! [ Hindi ko sinasadya pero nataasan ko ng Boses si Sir renales ]
Sir Renales : Aba !! Wala kang modo !!! Lumabas ka !!! Ngayon din Lumabas ka !!!!!!!!!!!!!!! Get out of my Class right Now !!!
Sa Sobrang inis ko ay Tinapon ko yung chalk sa sahig at Kinuha yung Bag ko. Kung yun ang gusto niya di yun ang masusunod !! Nakak-inis na siya !!! Pero tumigiL muna ako kay Mark “ ANo masaya ka na ? Diba ito ang gusto mo ?! Yan matuwa ka na ! “, tapos Umalis na ako. “ Mr. Hernandez .. Wag na wag ka ng babalik sa Klase ko !!! Ayoko ng makita ka !! Wala akong paki-alam kung Bumagsak ka !!! Wag ka ng magpapakita sa akin !! “, Umalis na ako pagkatapos kong maringig yun. Agad naman tumulo yung Luha ko .. Hindi ko alam kung bakit Pero ang alam ko Tumatakbo ako .. takbo kung saan. Hanggang sa nakita ko nalang ang sarili ko na Ummakyat na sa Rooftop na Hilig kong tambayan .. Bakit ganito ? Anong nangyayari ? , Naupo ako sa Gilid ng hagdan at dun ako nagmukmuk .. Umiyak … at naglabas ng sama ng loob sa pamamagitan ng pag-agos ng aking mga Luha.
====
Ring ng Ring ang cellphone ko .. Di ko Pinapansin kung sino man yung mga tumatawag. Wala ako sa mood, Gusto ko munang mapag-isa. “ Hoy bakla … Anong ginagawa mo diyan “, Sa tono plang ng pananlita ay nakilala ko na ang Tumatawag sa akin. Agad kong nakita si Joey .. Agad siyang Lumapit sa akin. “ Ano bang nagyari ? “, Agad akong napayakap sa kaibigan ko. Di ko napigilan muling umiyak .. “ Joey bakit ganito ??? May ginawa ba akong mali para ganituhin ako ng Teacher na yun ? Sobrang yabang ko na ba ? “, habang humahagulhol ako. “ Tahan na dennis ahhh .. naiiyak na ko.. Wala akong panyong dala. Sino ba kase yan .. Basta kanina nakasalubong ko nalang si Threz kasama si Louie nag-aalala daw siya sayo .. Pero di naman sinabi sa akin yung dahilan “, Umalis na ako sa pagkakyakap at Pinunasan ko na yung Luha ko. “ Paano mo nalaman na nandito ako ? “, tanong ko sa kanya. “ Ehh ano ba pa . diba sabi mo sa akin na dito ang Lugar ng Pag-eemote mo kung hindi naman dun sa Bogambilya cave ?? kaya yun hinanap kita dito at .. matagumpay nga akong nakita ka “, Sabi niya sabay Punas ng mga luha kong iba gamit ang daliri niya. “ Wag ka ng Umiyak .. bakla ka nga iyakin ka pa “, Siya sabay ngiti. Napangiti na tuloy ako sa sinabi niya. “ Hindi ba bagay sakin ? “, Biro ko naman. “ Hindi noh .. para kang asong ginagahasa “, Sabi niya sabay tawa. “ Grabe ka naman ! Mukha na ba akong aso ?! “, Ako sabay hampas ko sa kanya ng Mahina. “ hay naku .. walang lakas bakla .. hoy magkwento ka nga sino ba yang teacher na Tinutukoy mo ? “, tanong niya.
Pagkatapos kong magkwento ay nakita kong nagalit ng Husto si Joey. “ Gago pala yang teacher na yan !! Kakapal ng mukha. Gusto mo Isumbong natin sa Guidance ?, Magpatulong tayo dun sa Zhabby yung tumulong satin ? Remember? Nakita ko siya kanina at halatang dun nanaman sa Guidance ang Punta “, Tumayo na siya at Kinuha ang Bag ko .. “ tara na isuplong na natin yang Baklang teacher na yan “, Tumayo naman ako at Inagaw ko yung Bag. “ Joey wag na .. ayoko ng Lumala pa ito alam kong di papayag na .. basta ireklamo natin siya .. gaganti yun Joey. Ayoko na muna Joey .. Baka mabaligtad pa ang kwento at ako ang magmukhang masama. “, tapos kinuha ko na yung Bag sa kanya. “ Okeyyyyy wala akong magagawa . may gagawin ka ba ngayon ? Gusto mo gala tayo ? Para naman malamigan yang Utak mo .. “, Aya ni Joey. “ Saan naman ? “, tanong ko. “ Hmmm saan nga ba ? San ba gusto mo ? “, tanong niya sa akin. Iniisip ko naman kase may Photoshoot akong mamaya .. pag di ako umattend baka magalit Yung halimaw na si Ganny tsaka Gusto ko rin makita mukha ko sa Tarpaulin noh. “ Pwede bang dito nalang tayo ? “, sabi ko sa kanya. “ Ohh siya .. dito na lang tayo. Canteen na tayo ? 12: 00 na kaya “, aya niya. “ Diba may malapit na MCdo diyan sa Kabilang daan ? “, Agad ko naman naalala na may nadadanang yung Nasasakyan kong Jeep na isang Food Chain at Mcdo yun. “ So dun nalang tayo .. yayain mo narin si Karim. Libre ko .. Hehehe “, ako sabay ngiti. “ yan ganyan dapat wag mo ng alalahanin yung Impaktang Teacher na yun .. Bitter lang yun sayo .. Hmmm nga pala nakalimutan ko. Congratulation .. Ikaw huh ! talino mo talaga “, Buti naman naalala nitong Bruhang tohh akala hmmp. “ Buti naman naalala mong batiin ako “, Ako habang nakapameywang sa kanya. “ Oo naman .. siyempre alam mo na Libre .. hahahahaha Ayoko isama yun baka kulitin nanaman ako tulad nung sabado “, Bigla akong napangiti sa sinabi niya. “ Sabado ? So ibig sabihin ?????????????????? Siya yung kasama mo .. uyyyyy nagkakamabutihan na sila “ . Tumingin siya sabay sumimangot .. “ SIge na nga .. Oo pinayagan ko na siyang manligaw ! O anoh masaya ka na ? “, Hindi na ako sumagot ngumiti nalang ako. Feel ko tuloy nawala yung Bigat na nararamdaman ko. Hehehehehe hindi ko toh palalampasin kaylangan , Kasama si Karim sa Panlilibre kong ito, At lalong masaya kung kasama pa si Threz at Louie .. Pampa-inis ba kay karim.
Tinext ko nga yung dalawa kong kaibigan at Hindi sila Nagreply. hay Naku .. Bahala nga siLa. Di pa naman time ehhh .. may Isang Oras pa namang nalalabi. “ Ano di mo ba ako sasamahan para kunin yung bag ko ? “, Tanong niya. “ sasamahan po !!!!!!!!!!! “, Sagot ko naman. Naglakad nga kame papunta sa Class Room ni Joey. Siyempre madadaanan ang Room namin. For sure ako laman ng Chismis sa Loob .. Kaya ayoko muna makita mga tao dun. Pero ang bait talaga ng kaibigan ko dahiL sa kabilang way kame dumaan at Ligtas, di kame makakadaan sa may Room .. Second to the dulo ang room nila , Bago mag 1-G. Pagdating dun ay Sumama ako sa kanya pagpasok .. hanggang sa nagulat ako sa nakita ko. Huh ???????????? Yung Lalaki walang suot na damit. Estudyante ba yun ? Agad akong napatalikod .. Habang si Joey naman kinukuha yung Bag niya.
“ Huy Joey Gwapo ng kasama mo ahhh .. di mo man lang sinasabi sa amin na may Boyfriend ka na pala “, Biglang pagsasalita nung di ko kilalang lalaki. Huh ???? Boyfriend daw ako ni Joey ??? Dahhhh !!! Di ahh di kame talo. “ Hoy Bolds Star magbihis ka nga nakakhiya ka .. Isumbong kita sa mga Teacher ehh “, Biglang laban ni Joey. napatingin ulit ako .. tapos yung lalaki ehh nakatanggal parin ang suot na Pang-itaas. At naka-Upo na parang bahay nila Yung Room .. may kasama rin itong Iba. Napatingin ako sa katawan niya .. Di masyadong maskulado Pero kaakit-akit. Siguro dahil bata pa siya .. pati mukha niya Parang Anime .. Hmm cute. Pero bakit siya naghuhubad ? . “ Joey naman ohh .. di ka na nasanay sakin .. Init kase ng panahon kaylangan to ng Hot Body ko “, nakangiting sabi nito.. sabay tumawa ng bahagya yung Ibang kasama. “ pake ko sayo !!! Tumigil ka na diyan at FYI di ko boyfriend kasama ko .. He’s my Bestfriend . Ok na ba yun ? “, Sabay ngiti yung lalaki. “ Hi .. “, Bati niya sa akin. Ha ?? nag hi siya sa akin ?? Sa akin talaga … “ Hellow “, sabi ko naman, sabay kaway.
“ Huy tara na … naatract ka nanaman ehh “, Mahinang sabi ni Joey sabay hila sa akin. Sa ayaw man at sa gusto ko .. Sumunod na ako palabas kay Joey.
Ako : Sino yun ?
Joey : Sino ?
Ako : Yung .. Nakahubad ng Damit ..
Joey : Ahhh .. Si Joshua yun, .. Joshua garcia. Pasensiya kana dun. ganun talaga yun .. hilig maghubad .. tuwing tanghahali naiinitan daw. Pero ang totoo Ginagaya niya lang Yung Isang anime.
Ako : Anime ?
Joey : Cosplayer daw kase yang si Joshua. At ang ginagaya niya ay si .. Gray Fullbuster ata yun. Galing sa Cartoons na Fairy Tale.
Ako : Ahhh Oo napapanuod ko rin yun Minsan .. Hehehehe cute niya.
Joey : Sino ?? SI Joshua .. Ayan binababalaan na kita ahhh. Wag kang masyadong Malandi. PlayBoy yun.. at tsaka wag ka ng Umasa, Di mu yun makukuha. Hahahahahaha assuming ka
Ako : May sinabi ba akong Ganun.
Joey : Kilala na kita ! malandi ka kaya.
Ako : Always siyang ganun pag tanghali ?
Joey : Hmm Oo before mag Afternoon Class. Bakit mamanyakin mo ? Hala dennis.
Ako : Ehhh di dun ako tatambay. Di ba bestfriend mo naman ako :-D
Joey : Di ko Gusto yang naiisip mo !!.. Tumigil ka na nga .. Umayos ka dennis !!! Diba meron kang karelasyon tapos kung ano-ano yang kataksilan ang ginagawa mo !! umayos ka.
Ako : Huy Joke lang naman Eto naman di na mabiro. Behave na ako noh ..
Joey : Oh ano tara na nagugutom na ako.!
Ako : Teka lang may hinihintay tayo. Para naman masaya ang Food Trip natin ..
Joey : Nu Ibig mong sahin ??????????????
Hehehehehehe nagulat siya sa sinabi ko. Sabi ko tinext ko si Karim para sumama sa amin. Siyempre pati si Louie at Threz Bwahahahahahahahahahaha. “ Kainis ka ! Di sana nagcanteen nalang tayo ehh “, Tapos sa pag-uusap namin ay agad dumating si Threz at Louie. “ Huy Dennis … bat ka nagyaya ? Tsaka diba dapat ayusin mo na yung Problema mo kay Sir ----- “, Biglang sumabat si Joey. “ Hoy .. Pwede bang wag mong babanggitin ang pangalan ng Teacher na yun !!! Hmmmp kainis ka gusto nga ni Dennis na magpalamig ng Ulo dahil sa Baklitang Teacher na yun ! “, SIga na Pagkasabi ni Joey. “ ANo ba kase Threz ! Wag nga ngang ginagalit si Joey . Kainis ka”, sabay lapit sa tabi ni Joey. “ Isa ka pa … wag ka ngang tatabi sa akin, magulat nalang ako sinusugod na ako ng GF mo “, Hindi ako naimik pero lumapit sa akin si Threz .. “ Sorry ha .. and congrats pala , sabi ko na mananalo ka ehh “, Sa pitik nito ng mga kamay niya sa may Bandang tiyan ko. Ouchhhhhhhhhhhh Hehehehehehe Pero di na ako nagreact kunwari walang naramdaman. “ Dhenz … congrats pala .. Talino mo talaga tsaka kanina galing mo ha ! Yun ang magaling wag ka papatalo sa techer na yun naiinis na nga rin ako kanina eh “, SI louie naman sabay titig kay Joey. Naiirita na si joey at yun ang nakikita ko. “ Tinext ko na rin yung Tropa sa Bicol .. basta proud sila sayo . tsaka miss na daw nila tayo Heheheh”, Bigla akong napa-isip. “ Sino – sino naman nagsabi ???? “, tanong ko. “ Siyempre sila .. SI tonton, Lourd, Joaquin at tsaka si Milo , Bakit di ka pa ba nila tinetext ???? “, Pati si milo .. Miss na daw nila kame. “ Ahh nagtetxt sayo si Milo ? “, Bigla kong tanong. “ Oo naman lage ko yung katext .. Bakit Hindi ba kayo nagkakatext ? “, Di ko alam ang isasagot ko .. SIyempre kaylangan sa isip ni Louie ay ayos kame. “ Naku siyempre lage rin kame nagtetext nun ahh “, Echozzzzzzzzz !!! “ hoy di kame relate … Anong oras ba tayo aalis ah ? “, Biglang sabi ni Joey. “ Diba hihintayin pa natin yung Syota mo .. Oh Speaking ayan na siya “, Tapos Nakita kong Bigla umiba ang Mukha ni Louie at Threazz.. “ SYota ???!!!!!!!!!!!!!”, Sabay nilang sigaw. “ Huh ??? AY Hindi Joke lang eto namang dalawa don’t worry may Pag-asa pa kayo kay Joey “, heheheh biglang Bawi ko . “ Dennis !!!!!! “, alam ko galit si Joey na sinabi yun. Pagdating nga ni Karim ay Tahimik yung namuo at bumyahe na kame for a short period of time. May ganun ??? Short period hahahahaha.
--- Sa may McDo ---
|Karim|Threz|Louie|
---------------------------
(Lamesa )
---------------------------
|Ako at si Joey ………|
Ganyan yun ayos ng Upuan namin. Una kase ang magtabi ay si karim , Joey at Threz ehhh nakukulitan si Joey kaya nakipagpalit siya kay Louie na katabi ko kanina. Alam kong may galit pa si Threz kay Karim .. Pero alam kong Hindi niya naman sisirain itong Panlilibre ko sa Kanila. Sa aming tatlo sa akin, kay Karim at Joey ay .. Chicken w/ rice meron ice cream, sundae at Softdrinks. Kina Louie naman at Threz na katatapos palng Kumain ay Puro lang dessert ang Pinanglilibre ko. Tig-iisa rin kameng Fries at Burger. Hanggang sa Mag-open si Louie ng Usapan. “ Dennis may sasabihin na pala kame sayo . Pero wag kang magagalit , Pati na rin ikaw baby Joey ha ? “, Bigla akong naintriga sa kung anong sasabihin niya. “ baby Joey ? “, naringig kong nagsalita ang kanina pang tahimik na si Karim. “ Naku .. nagreact na .. Wag mo na lang pansinin pinagsasabi niyan . Ok ? “, Si Joey kay karim. “ Ok Bandz .. “, Sabay tumahimik na eto. “ bandz anu yun ? “, SI Threz naman. “ Shut – up diba may sasabihin si Louie .. Pwede bang mamaya na yan ??? huh ??? “, saway ni Joey. “ Hala napagalitan Tuloy ako.. sige sabihin mo na Pre “, sabay tapik nito kay Louie.
Louie : Tungkol sa nangyari kanina sa inyo ni Sir renales .. Siyempre di naman kame pumayag na basta di ka na niya papasukin sa klase . kaya Pinaki-iusapan namin siya na Bigyan ka Ulit ng Chance.
Karim : Bakit ano bang nangyari ?
Joey : Hoy tumahimik ka na muna.. Chismoso !
Karim : Sorry. Nagtatanong lang ..
Joey : Mamaya na Ikekwento ko .. [ Tapos napatingin kame sa dalawa .. nag-aaway talaga dito pa sa may nag-uusap , Napatingin naman si Joey ] .. Ay sorryy Oo nga pala. may nagsasalita pala .. Continue. Peace.. :-)
Louie : Pumayag siya ..
AKo : Pero may kapalit tama ba ako ???
Louie : Oo dennis ehhh
AKo : ANo naman yung gusto niya ?
Louie : Mag-Public Apology ka raw .. Yung kita daw ng Buong campus. Yun lang daw ang pwede mong Gawin para mapatawad ka niya.
Hindi na ako nakapagsalita.. Bigla akong nalungkot. Kainis bakit ba nangyayari ang lahat ng Ito. Kainis !! kainis !! Ang kapal niya wala naman akong kasalanan na mabigat Pero bakit gusto niya akong magPublic Apology. Naagbrabyado ko ba siya sa Buong Public ??? “ Gago pala yang teacher na yan ehhhh !!! Wala siyang karapatan Kainis ! Buysit ! Pasalamat siya di siya namin naging Teacher ! “, Galit na galit na sabi ni Joey.
Ayun natahimik yung Paligid. Nawalan ako ng Ganang Kumain.. Parang natulala lang ako sa hangin. Kung hindi ko yun gagawin , baka bumagsak ako at kung mangyayari yun Lubos na magagalit sa akin sila kuya . Siempre nakakahiya rin sa Iba. Biglang may Bumasag ng katahimikan at Si Louie ulit yun .. “ Uy Threz wala ka pa bang nililigawan ? “, Biglang tanong nito kay Threz .. “ Meron si Joey sana pero pinagtatabuyan naman ako ehh “, Biglang tawa si Louie . “ Parehas tayo Pre Pinagtatbuyan din ako niyan ehh Maswerte yung isa diyan “, Tapos nagsalita na rin si Joey. “ bat ako nalang ba Pinagkekwenthan niyo ahhh ??? Pwedeng hanap ng bang Topic “, Napangiti ako sa inaasal ni Joey. Agad kong kinuha yung SOftdriks at Uminom ako .. nakakatuwa sila Hahahaha. “ Uy tumatawa na si Dennis .. ok lang yan pre. Kaya mo yan masosolusyunan mo din yang Renales na yan “, Sabi naman sa akin ni Louie. “ Pero alam mo ba pareng Louie , may bago akong natitipuhan .. Ehh “, Biglang banat ni Threz .. “ Oh sino naman yan ? “, tanong ni Louie. “ Itago nalang natin siya sa pangalang Rapunzel “, Biglang napatawa si Louie at Joey . “ Rapunzel ???!! “, sabay na bigkas ng dalawa. Rapuzell .. Hmmm may bago na pala si Threz ok yun sa kanya. Gwapo naman kase siya ehh.. “ Hahahaha Ano yun Pre inaakyat mo sa bahay yung babae hahaha. Rapunzel nga daw hahaha “, Bila akong Parang nabilaukan , Parang yung SoftDriks ay Pumasok sa ilong ko at parang na-ubo ubo ako. Shettt .. Tumayo ako at agad pumunta sa RestRoom. Tapos naghilamos ako .. Rapunzel ?? Inaakyat sa bahay ??? Hindi kaya ang tinutukoy ni Threz na Rapunzel ay AKo ??? WTF !!! nahalata kaya niya ako .. Dapat di ako mag pahalata . Pagkatapos kong mag banyo ay Niyaya ko na silang Bumalik ng Eskwela. Kahit di man ubos ay umalis na kame. Tahimik si Threz parang nahalata niya ako…
Pagdating sa SkuL ay Pina-una ko na sila Threz at Louie at kasabay kong naglalakd si Karim at Joey. pagkatapos namin mahatid si Joey ay kame nalang ni Karim. Sa Second Floor kase ang Room ni Karim ngayon dahil dun daw ang room ng Laboratory nila sa Science. Habang naglalakad kame huminto siya .. “ Salamat nga pala sa Libre Dennis .. tsaka congrats dun sa Pagkapanalo mo .. At don’t Worry mawawala din yang Problema mo tungkol sa Teacher na yun, Maniwala ka sa akin “, Sabay ngiti at patakbong Umalis. “ Wow .. ahh kala ko wala siyang balak magpasalamat at i-Congrats man lang ako , Pero nagkakamali ako .. SIguro nahiya lang siya kanina.
Unang subject namin nung hapon ay si Sir Vegas at duon ay nabawi yung masamang aura kanina. Puro naman ngayon papuri ang natanggap ko at sabi sa akin ni Sir ay exemted na daw ako para sa 1st periodical exam next .. next .. week . Labis ko yun ikinatuwa. Bago natapos yung Lesson ay agad akong kina-usp ni Sir tungkol sa nangyari nung Quiz Bee. Sa pag-iimbistiga ay wala daw mahanap na Ibedensya na Si Renales ay may kinalaman. Hindi daw umaamin yung mga lalaking Tumira sa akin. Sabi lang daw ng mga ito ay Isang Lalaki ang nag-utos sa kanila, Medyo daw may katandaan . Kaya sa oras daw na yun ay Ligtas si Renales. Pero si Sir Vegas ay Lubos na naniniwala sa akin. Wag daw ako mag-alala balang araw daw mananagot din daw si Renales. Lubos akong nalungkot .. Bakit ganun parang lalong nagtatagumpay yung kasamaan.
Pagkatapos nung Klase buong hapon ay nagmadali akong Lumabas at Pumunta sa Building 4 at hinanap ko yung Multimedia Room. Naiinis at Malungkot pa din ako sa ,mga oras na yun. Agad naman akong Pumasok at naabutan ko si Ganny na naka-upo at halatang irita. Kame palang pala .. wala pa yung Photographer.
Ganny : Hoy bakit ngayon ka lang ha ?!
Ako : Bakit nagsisimula na ba ?? Masama bang malate ?!
Ganny : Wala dapat mas maaga ka sa akin ! Eh nauna pa ako sayo.
Ako : Wala akong oras makipag-sagutan sayo ngayon.tsaka yung Jacket mo .. Bukas ko na masasa-uli. nilabahan ko pa kase. Salamat na rin.
Ganny : Hoy Ikaw Hindi pa tayo tapos alalahanin mo .. Hindi pa ko tapos sa Paghahanap ko ng Hustisya para sa pinsan ko.
Ako : Ok ?! Sino ba naman kaseng Pinsan na pagpapangapin ang Pinsan na GirLfriend niya. Hindi ko alam ang dahilan Pero sa tingin ko kung di niya yun Ginawa walangmangyayari sa Pinsan niya.
Ganny : Anong sinabi mo ? ! ANong gusto mong Ipahiwatig ako ang may kasalanan ? Huh !
Ako : Wala akong sinasabi !
Ganny : Tsaka ikaw !! Humanda kayo !! pati yang janitor na yan !
Ako : Akala ko ba wala ka ng Paki-sakin ha ??? Bakit ba kaylangan mo nanaman idamay si Joross.
Ganny : Kung ano man ang iniisip mo .. Hindi yun noh !! Naiinis ako diyan sa Muchacha mong Kaibigan ng Sinagot niya ako sa may Pinto ng Bus !! ANong karapan niya. !
Ako : Ang simple ng Problema mo. Para kang bata ..
Ganny : Hmm Di ka man lang ba magpapasalmat sa ginawa ko sayo kahapon ?
Ako : Ok salamat.
Ganny : Wala ka talagang Utang na Loob .. hay naku dapat pinabayaan na kitang ginaw kagabi ehh ..
Ako : Di sana ginawa mo.
Ganny : Napakayabang mo rin noh ?? Porket nanalo ka ganyan ka na Umasta.
Ako : Ano ba huh !! ANong kasalaman ko at Mayabang nalang ang turing niyo sa akin. Porket nanalo ako .. mayabang na agad ?!! Grabi naman kaya maka'panghusga. Pinagpaguran ko naman yun ahhh . Tulad mo I give my Best Effort !
Ganny : Mayabang ka naman kase talaga.
Ako : Sige kung yan ang gusto mo. EH di ako na mayabang ..
Di ko alam pero tumayo ako at naupo sa may Gilid sa may Sulok at Napaluha nalang ako.Bakit ganun ? Pareho sila ni Renales. Mayabang ba talaga ako ? Hindi naman ako nagmamayabang ahh .. Umiyak ako at may Konting hagulgol pa yun. “ Huy Umiiiyak ka ba ? “, Biglang tanong niya. Hindi ako nagsalita at binawasan ko yung ingay na nagagawa ng pag-iyak ko. “ Wala kang pake ! mayabang ako kaya pabayaan mo na ako “, Sigaw ko naman sa kanya. “ Sorry na .. ok ok .. mali ako. Hindi ka na mayabang . Wag ka na diyan Umiyak baka maabutan ka ng Photographer sa ganyang lagay “, Ewan ko kung san siya nag aalala sa akin ba ? O sa Makikita ng Photographer dahiL baka isipin nitong pina-iyak niya ako.
Basta humihikbi ako .. DI ko na mapigilan yung Pag-yak ko. Tapos naramdaman ko na may Lumapit nalang sa akin. “ Huy tahan .. “, sabi niya. “ Umalis ka nga diyan di ko kaylangan ng karamay.. Oo kayo na panalo !sige .. Sabihan niyo lang ako ng mayabang. Diba yan ang kinasasaya mo ?! “, Sabi ko sa kanya. “ May Problema ka ba ? “, tanong niya na parang nag-aalala. “ Wala akong problema ! Wala ! Wala! “, muli kong sigaw sa kanya. “ Huy ??? Sorry na may nasabi ba ako ? “, tanong niya Ulit. “ Di ko kaylangan ng Sorry mo .. Umalis ka na diyan Ayoko sa pagmulat ng mata kong puno ng Luha ikaw ang makikita ko “, Reklamo ko sa kanya. “ Ayaw mong makita ang gwapo kong mukha ? “, Sabay tawa siya ng Konti .. naringig ko yun. “ Wala !! Umalis ka diyan “, sabi ko “ okay bahala ka .. Ako na nga lang tong nagmamalasakit ikaw pa nagagalit . Di wag “, Tapos naramdaman kong Tumayo na siya at umalis. Hmmmp sumilip ako ng konti Naupo siya dun sa dati niyang Upuan at May headset nanaman sa Ulo.
Tapos bumukas na yung Pinto. At bumungad yung Isang bakla at Isang lalaking may Camera. “ Kayo ba yung Kukunan ng Picture para sa Tarpaulin ? “, tanong nung lalaking may Camera. Agad kong kinuha yung panyo sa bulsa ko at Nagpunas ako ng Luha. Tapos humarap na ako sa lalaki .. “ Pwede na po bang simulan niyo na ? “, tanong ko. “ Ahh sige .. Aayusan ka na muna ni Jenkie .. jen ayusan mo na yung bata ., Tapos Kasama mo ba yung isa ? “, Turo niya kay Ganny. “Oo siya po yung Isa “, mahina kong sabi. “ Sige jen Pagkatapos mo diyan isunod mo na yung May makulay na buhok “, Tapos Kinuha na nung bakla yung Pang-ayos niya .. Konting pulbo at ewan yung ginawa niya sa akin. tapos pati buhok ko inayos.
Tapos Lumapit na yung Bakla kay Ganny. Patay siya wag na wag niyang iistorbohin ang lalaking yan .. lagot siya. bakla pa naman siya. Nag-aayos naman yung lalaki na may Camera nung mga set ng pang picture niya. “ Ahh excuse me sir .. hmmm pwede ko na po bang ?? “, Tapos tumayo nga si Ganny . Humanda ka bakla ! “ Ahhh pwede bang konti lang na ayos .. di kase ako komportable pag nakakakita ko ng mga ganyan ehh . Diba gwapo naman na ako ? “, Pagmamayabang nanaman nito. “ Oo naman sir .. pwede ngang wag na natin kayong ayusan ehh .. dahiL napakapogi niyo na po “, Sabi ng malanding baklita. Anooo toh ??? Bat parang palagayan ang Loob nila. “ Ikaw talaga miss .. ikaw nga din maganda ehh “, sabay tapik ni Ganny dun sa sa Balikat ng Bakla. Ewan parang naiinis ako at Nalulungkot .. Naiinis ako. Siguro ng makita ko yun naghalo-halo yung mga sama na nararamdamn ko simula pa kanina.
“ Sige simulan na po natin “, Sabi nung Lalaki sabay senyas sa amin. Pumunta na nga kame sa unahan at dun ang Nag pose na. Wala yun nakatayo lang kame. “ Ahh pwedeng talikurankayo tapos yung daliri niyong isa lagay niyo sa may bandang sintido ? yung parang sa pinoy Henyo ? “, sabi nung Lalaki. Ganun nga ginawa namin .. Pero parang tinatamad ako at wala ako sa mood. Naiinis ako at Patuloy ko paring naiisip yung Tungkol sa Public Apology. “ Ahh bata pwedeng ngiti ka naman , Para kaseng ang lamya mo dito sa kuha ehh .. Tsaka pinagpapawisan ka .. Jen pwedeng paayos yung ano ng Bata .. tsaka turuan mo na rin kung paano ngumiti. Mabuti pa tong Isa maganda ang ngiti {tinutuloy niya si Ganny } “, Pina-upo nga ako at Pinabalik magpraktis daw muna ako. tapos mag-ayos Ulit.
“ Ate pwede po bang mamaya niyo nalang ako ayusan medyo masakit kase Ulo ko .. “, Palusot ko sa bakla. “ Ahh Peter masakit daw ulo nitong bata “, sabi nito sa kasama niya. “ Ohh siya pagpahingain mo muna .. “, sabi nung lalaki. Tapos naupo ako at nag-isip ng kung ano-ano. Hanggang sa may Lumapit sa akin. “ hoy .. Para kang batang gusgusin .. Eto mag snickers ka nga “, Sabay abot sa akin ni Ganny dun sa Snickers. Huh ??? Kanina sabi ni Joey Para daw akong aso. Ngayon naman ehh parang Batang gusgusin. Tsaka anong Trip nitong Lalaking toh .. Ginagaya lang yung sa Commercial??. Mag Snickers ka nga .. Hahaha Natawa tuloy ako. “ So pag kinain ko yan .. Wag mong sabihin na magiging masigla ako ? “, tanong ko. “ Oo yun ang sabi sa commercial ehh “, siya. Adik talaga ! Sabay kinuha ko yung Binibigay niya. Binuksan ko at Kinagatan. Hayyy .. sige na nga pipilitin ko ng Ngumiti kahit ngayong Pictorial lang.
Tumayo na ako at Pumunta sa harap. “ Hoy ok na ko “, tawag ko kay Ganny. Ayun naging matagumpay naman yung pagpose pose namin. Madaming picture ang Kinuha dahil parang may Medyo pagkaCollage daw ang gagawin .. Pero siyempre may Starring picture kame. Ewan ko ba sa loob ng Ilang minutong yun .. nagtawanan kameng dalawa. Pero pagkatapos Back to Normal kame. Naunang Umalis yung mga Photographer Tapos yung malanding bakla .. nagpaalam pa kay Ganny. Hmmmp.
Tapos kameng dalawa nalang yung natitira. “ Hoy talaga bang ayos ka lang ? nakasimangot ka nanamn eh “, tanong sa akin ni Ganny. “ Wala tohh wag mo na kong alalahanin “, pagpapanggap ko sabay Ayos ng Bag ko. “ Sige mauuna na ako sayo .. “, tapos aalis na sana siya papuntang Pinto. Tumakbo ako papunta sa kanya. At Niyakap ko siya …
“ ANg Totoo marami akong Problema ngayon .. Pero gusto ko man maging matatag pero di ko sila kayang matalo. Please ganny Tulungan mo ako “, Sabay yumakap ako sa kanya kasabay ng pagtulo ng Luha sa aking mga mata. Pero nagulat ako ng Biglang Tinanggal niya yung kamay ko sa pagkakayakap sa kanya.
“ Ayoko na Dennis .. tigilan mo na tohh .. Ayokong Pumasok ulit sa isang Problema tulad ng hinaharap mo .. Kung ano man yan. Sapat na yung mga nagawa ko nuon .. Duon sa BoyFriend mong Janitor dun ka humingi ng Tulong .. Oh kaya sa Guidance Office, wag kang mahiyang Pumunta. Ang mahalaga naman ehh kung tama ka wag kang matakot .. Ehh ako Ayoko ng makasira ng isang realasyon. sapat na yung pagkabaliw ko sayo nuon at Di na yun mauulit. “, Paliwanag niya sa akin.
“ Eh ano ang ibg sabihin nung Jacket kagabi .. Tsaka yung Snickers kanina “, Tanong ko. “ Walang Ibig sabihin yun .. Simpleng tulong para sa simpleng Problema mo. Wag kang mag-expect na Dahil Dun ay Mahal pa kita . Wala na akong nararamdaman sayo .. matagal ng nawala “, Sabay Umalis siya at Deretchong Naglakad.
Ouchhh </3