Chapter 5

1595 Words
Michelle POV “Breakfast is ready, Patrick. Kailangan mo ng bumangon diyan. Mataas na ang sikat ng araw at tulog kapa.” Sigaw ko sa kanya habang natutulog siya sa kabilang kwarto. Ang bahay na aming tinitirhan ay hindi kalakihan at may dalawang kwarto. Alam ko na matagal na naman natulog si Patrick dahil sa trabaho niya. Remote job ang trabaho ni Patrick ngayon so kahit saan siya magpunta ay pwedi siya mag trabaho as long as may internet at computer lang. Bukod pa doon ay nakikita ko sa kanya na seryuso siya sa problema ko ngayon lalo na sa mga taong may gustong tumapos ng aking buhay. Iwan ko ba bakit pati siya ay naging problema na niya ang problema ko. Ilang beses ko na siyang sinabihan na i-report na naming ito sa mga pulis upang matugunan ng action agad pero para kay Patrick ay wala siyang tiwala sa mga ito. May mga kakilala si Patrick na hiningan niya ng tulong at ewan ko ba kung ano ginawa niya pero pumayag naman ang kaibigan niyang tulungan ako. Sa totoo lang hindi ko pa nakita ang kaibigan niya na kusang tumulong sa akin. Sino ba ako at willing silang tulungan ako? Alam ko na galing ako sa mayamang pamilya sa Pilipinas pero mas pinili ko ang mamuhay ng normal. “Ang aga pa Michelle, alas 9 pa. Bakit ang aga mong nagising?” tanong ni Patrick sa akin. Nakalimutan ko na mas productive si Patrick mag trabaho sa gabi kesa umaga. “Are you out of your mind? Malapit na mag alas dyes ng umaga at ikaw at nakahiga pa. I think you need to change your routine, Patrick.” Sabi ko sa kanya habang binigyan ko siya ng kape para magising. Pareho kape ni Patrick na mahilig sa kape pero mas grabe siya kung uminon ng kape dahil dalawa hanggang sa tatlong tasa ang mauubos niya sa isang araw. Minsan tinatanong ko sa kanya kung nakakatulog pa ba siya sa apat na tasang kape sa isang araw na kanyang naiinom. Sagot naman niya sa akin ay parang walang epekto ang kape sa kanya at makatutulog pa din siya ng mahimbing sa gabi pagkatapos niyang mag trabaho. “Michelle, huwag mo ng gawin ulit iyon. Ayaw ko na mapahamak ka. Ako na ang bahala sa mga bilihin dito sa bahay. Huwag ka nag lumabas baka may makakita pa sa iyo” – “na bored na ako dito sa bahay at ikaw lang ang pweding lumabas. I have life Patrick. I want to get back to that life. Hindi pweding habang buhay nalang ako mag tago sa kanila na hindi ko alam kung ano ang atraso ko sa kanila at bakit may gustong pumatay sa akin. Sino ba naman ako kundi isa lang ordinaryong manager sa isang hotel.” Sagot ko sa kanya na medyo tumaas ang boses ko dahil sa nangyari. Nalaman ni Patrick na lumabas ako ng bahay noong nakaraang araw para bumili ng kape at pastry. It feels so good na makalabas ng bahay. I mean nakakalabas naman ako sa bahay pero hindi malayo sa tinitirhan naming at malayo sa mga tao. Well, technically speaking wala kaming mga kapitbahay dito may bahay before sa aming tinutuluyan pero malayo kung saan kami nakatira ngayon. “Even if you are bored, hindi ka pa pweding lumabas sa ngayon. Hindi pa natin alam kung sino sila at kung paano nila nalaman ang bahay mo sa New York.” Tumayo siya at niyakap ako at sinabing, “huwag kang mag-alala pag nahuli na natin ang mga taong gusto manakit sa iyo ay pangako ko na maibabalik na ang buhay mo sa normal pero sa ngayon dapat maging maingat tayo sa paligid.” Sabi niya sa akin. Ewan ko pero parang may mali dito pero hindi ko alam kung ano pero alam ko medyo may mali talaga. Binalewala ko nalang iyon at kumain na kami ni Patrick. Sabi ni Patrick na may lakad siya sandal at kailangan niya makipagkita sa kanyang kaibigan. “pwedi ko bang makilala ang kaibigan mo? Hindi mo pa siya pinakilala sa akin. Babae ba iyan?” pabirong tanong ko sa kanya at agad naman siya tumingin sa akin at tumawa, “Nasiraan ka na ba ng bait? Kasasabi ko lang na bawal ka pang lumabas sa ngayon at anong babae? Hindi siya babae at huwag kang mag-alala ikaw lang ang babae ko” alam ko na may pagtingin si Patrick sa akin pero kaibigan lang talag sa ngayon sagot ko naman sa kanya, “Wala akong oras makipagbiro sa iyo ngayon, Patrick. Seryuso ako”— “At hindi naman ako nag-bibiro, Michelle. Totoo lahat ng sinabi ko. Don’t worry, ikaw lang talaga. Sa susunod ipakilala ko sa iyo ang kaibigan ko pero huwag muna ngayon. Kailangan nating maging maingat sa paligid, okay?” “Okay, sabi mo eh. Ikaw masusunod sir” sagot ko sa kanya pero parang na feel niya na hindi ako kontento sa sagot niya. “Michelle? Promise I will introduce my friend once okay na ang lahat. Pangako ko sa iyo ‘yan. Kumain nalang tayo.” Ayaw ko na may ibang nakakaalam ng buhay ko at hindi ko pinagkakatiwalaan ang kaibigan ni Patrick. Lahat ng naging kaibigan ni Patrick ay kilala ko pero itong kaibigan niyang sinasabi ay hindi ko pa nakita sa personal or sa videocall man lamang. Ayaw ko makipag trabaho sa taong hindi ko kilala or nakikita sa personal pero may tiwala ako kay Patrick, I know that he is doing what is best for me for now. Patuloy kaming kumain ni Patrick ng agahan. ----------- Patrick POV Umalis ako ng bahay sandali para makipagkita sa kaibigan ko na siyang tumulong sa akin at kay Michelle. Gustong makilala ni Michelle ang kaibigan ko at nagdudua pa siya kung babae ba ito. Nagseselos ba siya? Totoo naman ang sinabi ko sa kanya na walang ibang babae sa aking buhay kundi siya lang at ayaw kong magsinungaling sa kanya. Sinabi ko na kay Michelle noon na siya lang ang babaeng para sa aking ewan ko kung naniniwala pa siya dahil sa matagal na kaming kaibigan ni Michelle at ni mismong isang babae hindi ko pinansin dahil siya lang ang para sa akin. Umaasa ako na darating din ang panahon na matutupad din ang kahilingan ko na maging akin siya pero sa ngayon ay dapat focus ako sa plano. Ilang oras ako naghintay sa restaurant para makausap ang kaibigan ko. Walang ka alam alam si Michelle kung sino ito at Mabuti na wala siyang alam para sa kanyang kapakanan. Pagkatapos naming mag-usap ay may binili akong mga importanteng gamit para sa bahay at nag text ako sa cellphone ni Michelle na baka gabi na akong makarating sa bahay. Sinabihan ko siya na i-lock lahat ng pinto dahil mag-isa lang siya sa bahay. “lock all the doors and do not open if someone is knocking except me!!!” Text ko sa kanya. ilang minuto ay nag reply siya, “yes master! Get home safe” I do not know pero bakit kinilig ako at gusto ko ng umuwi agad para makita niya. Kawawang Michelle hindi niya alam kung bakit nangyari ito sa kanya isa lang ang alam ko, at dahil ito sa kanyang pamilya sa Pilipinas. Ng dahil sa kanyang pamilya sa Pilipinas ay may gustong tumapos ng kanyang buhay. Paano ko sabihin kay Michelle na ang taong gustong magpapatay sa kanya ay may koneksyon sa kanyang pamilya sa Pilipinas? ---------------------- Michelle POV Sanay naman akong mag-isa palagi pero bakit nakaramdam ako ng takot? Wala pa si Patrick at sabi niya sa akin na baka matagalan siya sa pag-uwi. Agad ko ni lock ang mga bintana at pintuan for my safety. Bakit ba kasi dito pa kami nakatira ni Patrick sa lugar na hindi ko alam kung ilan ang kapitbahay naming. Ang tahimik sa paligid at ang ilaw ng aming bahay lang ang naging Liwanag sa lugar. Habang nakaupo ako sa living room naming at nagbabasa ng libro na nabili ko noong akoy pumunta sa coffee shop, may nakita akong ilaw ng sasakyan na patungo sa tinitirhan namin. Agad kung pinatay ang ilaw sa living room pero akala ko papunta sila sa bahay naming kundi dumaan lang pala sa lugar. Dalawang sasakyan ang dumaan at mabilis itong umalis. Sino ba ang mga iyon? Ngayon ko lang namasdan ang mga iyon. Ilang linggo na kami dito pero that is the first time na nakakita ako ng sasakyan na galing sa area na ito. Nalaman ba nil ana dito ako nakatira? Agad ko tinawagan si Patrick at sinabi kung ano ang nakita ko. Takot ako at hindi ko alam ang aking gagawin lalo na ako lang mag-isa dito sa bahay at wala akong kasama dahil hindi pa dumating si Patrick. “I will be there in a short minute. Do not open the door, okay?” sabi niya sa akin noong akoy tumawag sa kanya at sinabi ko sa kanya ang mga sasakyan na nakita ko. “Please hurry. I am afraid that I am alone here.” Sagot ko sa kanya na may kaba sa aking boses at ewan ko kung bakit niya nasabi, “Ang aga pa para gawin ito—” sabi niya sa akin at napatanong ako, “ang ano?” tapos bigla niyang pinutol ang tawag at ilang minuto ay dumating na siya at agad ko binuksan ang pintuan para sa kanya. anong ibig sabihin niya kanina “maaga pa para gawin ito”. May nalalaman ba siya na hindi ko alam?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD