EPISODE 1: AMIHAN

319 Words
“Ang pogi, jusmeyo aribasbas! Grabe! Wooh!” Hindi ko talaga mapigilang mapatili dahil nakita ko na naman ang crush ko na si Josh Garcia sa TV. Mabuti na lang talaga dahil hindi na sila magka-loveteam ni Julie Ann Barreto at siguradong mawawalan na naman ako ng modo manood. “Ikaw na bata ka, nandiyan ka pa rin pala!” Napalingon naman kaagad ako at napatili nang marinig ko ang boses ni Inay na nasa likuran ko lang pala. “Nay!” “Bakit nandito ka pa?” tanong niya sa akin habang nakataas ang kanang kilay. “Hindi ba’t sabi ko sa ‘yo ay umalis ka na para itinda itong mga gulay na pinitas ng Itay mo?” “Nay naman! Alam n’yo naman po na kapag ganitong oras ay binabantayan ko talaga si Josh. Naiintindihan naman po ninyo ako—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sumenyas na ang kaniyang daliri at itinuro ang pinto. Nakataas pa rin ang mga kilay nito sa akin kaya mukhang hindi effective ang ritwal ko sa kaniya ngayong araw na hayaan muna akong manood bago umalis papuntang palengke. “Ito na ho…” Napatingin na ako sa mga gulay na nakakalagay sa malaking buslo. “Pero sandali lang ho at pupuntahan ko muna si Sunshine.” Bunso sa aming magkakapatid si Sunshine habang ako naman ang pangalawa at si Kuya Storm ang panganay. Hindi ko nga alam kung ano’ng trip ng mga magulang ko at ginawang Amihan ang pangalan ko. Baka bumabagyo noong mga panahong ipinanganak kami ni Kuya at maganda naman ang bungad ng araw noong ipinanganak si Sunshine. Naglakad na ako patungo sa kwarto namin ng kapatid ko habang nagdadabog at nadatnan ko siyang naka-upo lang sa kahoy naming upuan habang binabasa ang mga napaglumaan ko ng mga libro noong nasa kolehiyo pa ako. “Shine, ano’ng ginawa mo?” “Ikaw pala, Ate…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD