2 - Alaala Bago Ikasal

1642 Words
JAMES Nang lumabas si James ng kwarto ay nanatili muna siya sa harap ng pinto bago naglakad papunta sa sala at huminto sa isang maliit na table at kinuha ang isang picture frame. Pinagmasdan niya iyon bago ilapag at ayusin muli sa ibabaw ng table. Iyon ay picture nilang mag-asawa noong kinasal sila. Parehas hindi nakangiti at nakabusangot ang mukha nilang dalawa doon. Halatang biglaan ang lahat, maging ang emosyon nilang dalawa. Naupo siya at inalala ang nangyari noong araw bago sila ikasal hanggang sa mauwi ang lahat sa simbahan. 2 years ago Tahimik siyang nagtatrabaho sa kanyang opisina ng pumasok ang secretary niya dahil may gustong kumausap sa kanya. Si Don Grego, nang nakapasok ito sa loob ng opisina niya ay tumayo siya at binati ito. "Busy ka ata?" Maliit siyang ngumiti. "Some pending papers." "I see. Puwede ka bang makausap saglit?" "Yeah. This way, take a seat." Naupo sila sa sofa at magkaharap sila ngayon na may pagitan na maliit na babasagin na mesa. "Anong pag-uusapin natin?" Bumuntong-hininga ito. "Alam mo naman na matagal na kaming mag-kaibigan ng iyong ama." Tumango siya. "Gusto ko sana na turuan mo ang anak ko sa mga bagay-bagay dito sa mundo." Kumunot ang noo niya. "Ano ba ang hindi pa niya alam?" Sa matagal ng pagkakaibigan ng magulang niya at ni Don Grego ay hindi pa rin niya nakikita ang nag-iisang anak nito na babe. "Halos nasa bahay lang, at kung aalis man ay ang tagal bumalik. Wala ring ibig gawin kung hindi humiga lang, inaalok kong palitan na ako bilang Ceo ng kumpanya ko, pero ayaw niya." "Ano naman ang magagwa ko kung ganun?" Tumitig ito sa mata niya. "Pakasalan mo ang anak kong si Sophia." Natigilan siya at hinintay ang susunod nitong sasabihin dahil baka nagbibiro lang ito sa salitang kasal. Peke siyang napangiti. "Hindi biro ang magpaksal Don Grego lalo pa't hindi naman namin kilala ang isa't-isa. Hindi mo rin batid kung meron na ba siyang nobyo." "Wala siyang nobyo kung iyon ang kinakabahala mo." Hindi niya mahanap ang tamang salita para tanggihan ito. "Ilang buwan na lang ang itatagal ng buhay ko James, at gusto ko na pag nawala na ako sa mundo ay may mag-aalaga sa nag-iisang anak ko. Alam kong mabigat ang hiling ko, pero ikaw na lang ang napipisil ko dahil bukod sa mabait ka ay pinapahalagaan mo kung ano ang meron ka." "Alam ba ito ng anak mo?" "Hindi." Nagsalubong ang dalawang kilay niya. "Kung sakali na malaman niya ito ay sigurado akong hindi rin siya papayag dahil wala namang pag-ibig na namamgitan sa amin." "Sa paglipas ng panahon ay matututunan niyo ring mahalin ang isa't-isa. Pagbigyan mo sana ang hiling ko." Pagkatapos ng pag-uusap na 'yon ay hindi muna siya nagbigay ng sagot dahil mahirap magbitaw ng salita, at puwedeng pagsisihan sa huli kung sakali na sumagot siya kaagad ng oo. Paano kung meron silang magustuhan na iba? Parehas lang silang maghihirap kung dumating ang araw na 'yon dahil kasal na sila. Lumipas ang ilang araw at nakapagdesisyon siya na magpapakasal siya kay Sophia dahil na rin sa magulang niya. Nagkataon na napag-usapan si Don Grego isang araw habang nasa bahay siya. Nakikinig lang siya sa magulang niya at kung ano ang nagawa nito sa pamilya niya. Yes, pabagsak na ang kumpanya nila noon, pero dumating si Don Grego para tulungan sila. Nag-share ito ng malaking pera at ginabayan ang bawat galaw ng sales hanggang sa makabangon ito muli. Noong panahon na 'yon ay ang ama niya ang namamahala pa sa kumpanya. Pinasa na lang sa kanya, pero ang kapatid niyang bunso na ang humahawak ngayon. Hindi niya alam kung paano napa-oo ni Don Grego ang anak nito noon, kaya tuluyan silang naikasal ni Sophia, pero..." "James!!" Isang sigaw ang nakapagbalik sa kanya sa malalim na pag-iisip at pag-alala sa nangyari noon. Lumingon siya at nakita niyang masama na naman ang timpla ni Sophia. Mukhang bagong gising pa. "Bakit?" Sa tinatamad niyang sagot. "Nagugutom na ako. Wala ka bang katulong dito?' "Wala." Tila hindi pa ito naniwala dahil hinalughog ang lahat ng kwarto maging sa likod ng bahay, kaya pawis na pawis ng bumalik. "Ang yaman mo wala kang katulong!" "Hindi naman na kailangan." "Anong hindi naman kailangan?" Napatigil siya saglit ng sinundan niya ang pawis nito na pababa sa leeg. "Hoy!" Umiwaas siya ng tingin. "Narito ka naman na. Ikaw na ang gagawa ng gawaing bahay." Halos lumuwa ang eye balls nito sa sinabi niya. "Ano 'to gagawin mo akong katulong ng bahay mo?" "Bahay natin. Asawa kita at gawain ng isang asawang babae na pagsilbihan ang asawa niya." Humalukipkip ito. "Hindi nga kita kilala. Feeling ka masyado, sa ganda kong 'to papatulan kita." Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa dahil hindi pa nito tinatanggal ang nakalagay sa balat nito. "Sabihin mo sa akin 'yan kung naalis mo na ang nasa balat mo." Nagpapadyak ito at tinuro siya. "Pag ako ang nagluto huwag kang kakain. Pag tinangka mo lalagyan ko ng lason ng mawala ka na sa mundong 'to!!" Mabibigat ang mga yabag na lumakad ito papunta ng kusina. Napapailing na lang siya kay Sophia. Kahit noong una silang nagsama ay ganun na talaga ang ugali nito paiba-iba, ngayon naman ay mukhang kinakalimutan nitong may asawa. Dapat ay papasok siya ng opisina pero dahil ngayon nga ang dating nito sa bahay ay pinagpaliban muna niya. Tumayo siya at pumunta sa bungad ng kusina. Sumilip siya doon para tingnan kung marunong talaga itong magluto. Nakasuot pa rin pala ito ng maid's uniform. Nakita niya kung paano nito hiwain ang sibuyaas at bawang, at napapatango na lang siya dahil tama naman ang ginagawa nito. Mukhang karne ang iluluto dahil nagbukas ng ref. Base sa kinuha nitong lahat ay adobong baboy ang naisip nitong lutuin. Nakasandal na siya sa hamba ng pinto habang sinisimulan na nitong pagsamasamahin ang lahat sa iisang kawali. "Magaling ka na palang magluto ngayon?" Lumipad sa ere ang sandok nitong hawak at nagliliyab ang mga matang nakatingin sa kanya ngayon. "Bakit nandito ka?" Pinulot nito ang sandok at hinugasan. "Nanunuod lang." Tumaas ang kilay nito. "Wala dito ang t.v nasa sala. Hindi ito cooking show kaya umalis ka rito." Muli nitong hinalo ang niluluto. "Hindi kaya maging kalasa ng luto mo ang ekspresyon g mukha mo ngayon baka sobrang maging maalat?" "Mabuti kung ganun, para hindi ka kumain." "Hindi ka talaga sweet no?" "Hindi." "Hindi mo ba ako na miss?" Napahinto ito sa paghahalo at dahan-dahan na lumingon sa kanya ng nakangiti. "Asa ka pa. Doon ka nga muna sa sa malayong lugar yung hindi kita makikita. Masakit na ang mata ko magkaka-sore eyes pa ata." "Pero mukhang na enjoy mo naman ang dalawang taon ng hindi ako kasama." "Yes, at kakayanin ko pa ang ilang taon mawala ka lang sa paligid na ginagalawan ko." Natahimik siya at pinagsawa na lang ang mata niya sa pagluluto nito hanggang aa matapos. Pagkatapos nitong magluto ay naglagay lang ito ng ulam sa mangkok at kanin hindi nga lang sa plato nakalagay. Buong kaldero ang kinuha at dinala sa dining area katabi ng kusina. Sinundan niya ito hanggang sa maka-upo sa upuan at handa ng kumain. "Hindi ka talaga titigil ng kakasunod?' "Hindi kita sinusundan." "Anong hindi? Kung saan ako magpunta nandon ka." "Kumain ka na lang diyan." "Sinabi ng hindi ako palabas sa t.v para panoorin mo. Buksan mo ang t.v na nasa sala ng bahay mo para may pakinabang naman siya at hindi nakatambay lang do'n maghapon." "Kailangan din naman niya ng pahinga." "Ako rin kailangan ko rin ng pahinga." "Hindi ka naman pagod. Dinala ka nga rito buhat-buhat ka pa." Sumubo na ito ng kanin na may ulam at parang hindi kumain bago iuwi rito. Magana itong kumain walang arte, nakakamay lang ito at hindi gumamit g kutsara at tinidor. "Safe ka bang kumain habang may nakalagay sa palad mo?" Maging sa palad nito ay iba ang kulay. Napahinto ito sa pagsubo. "Wala ka bang gagawin kung hindi pakialaman ang ginagawa ko? Kadarating ko lang sa bahay mo pinepeste mo na agad ako. Makahanap lang ako ng pagkakataon, tatakas ulit ako." Sinubo nito ang kanin at galit na galit na nginuya iyon. "Hindi mo na magagswa 'yon." "Bakit hindi?" "Nagkaroon na ko ng kontrata sa mga agent na nagdala sayo rito, at kung sakali na tumakas ka sila rin ang maghahanap sayo ulit." Nabilaukan ito at umubo ng umubo. "Paano...sila..." Hindi nito matapos ang pagsasalita dahil sa pag-ubo. "Uminom ka kasi ng tubig ng mawala." Pagkatapos nitong uminom ay nagtanong ulit ito. "Paano ka nakipag-contract sa kanila?" "Sinabi ko lang na oras na tumakas ka ulit ay sila pa rin ang hahanap sayo. Nagbigay ako ng kontrata at pinirmahan ng mas mataas na agent na kasama nila kanila." "Baka sinuhulan mo ng malaking pera." "Yes. One Billion Pesos." Nasamid na naman ito kahit wala naman ng kinakain. "Kahit ako talaga papayag din ako kung ganun ang halaga." "Kaya nga wala kang takas." Umirap ito at sumandok na naman ng kanin kaya napakunot ang noo niya. Tumayo siya at sinilip ang kaldero, pero kalahating kanin na ang nauubos na nito. "Saan mo dinadala ang kinakain mo?" "Sa kabilang lugar." "Tsk. Hirap mo bang kausap." "Bakit kinakausap mo pa rin ako kung mahirap pala?" Napakunot ang noo niya at naningkit ang mata. "Bukas aalis tayo pupunta tayo sa daddy mo. Sigurado ako na magiging masaya siya kung makikita ka na niya." "Kumusta na nga pala siya?" "Okay naman." "Sino ang kasama niya doon?" "'Di ba dalawa lang kayo na nakatira sa bahay niyo noon, syempre mag-isa na lang siya do'n, puwera lang pala sa katulong." "Ganun ba, sige sasamahan ko na si daddy sa bahay namin doon na ako titira at iiwanan na kita rito." "Anong.." Lumakad na ito papunta ng kusina dala ang lahat maging ang kaldero. Hindi talaga siya inalok kahit kanin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD