CHAPTER 8- I Kissed You

2868 Words
"OH WOW!! It's so nice in here!" Nangingislap ang mga mata ko habang inililibot ang paningin sa buong paligid. Napakaganda ng tanawin. Tanaw mula dito sa tuktok ng burol ang kalawakan ng Isla. Itong pinuntahan namin ang siyang pinakamataas na burol. Kakaunti lamang ang mga puno at maraming mga halamang namumulaklak ang nakatanim. Ang matatayog na kagubatan at ang malawak na karagatan sa ibabang bahagi ang siyang nagpapaganda sa lugar. Napakapayapa. At sobrang lamig ng hangin kahit tirik na tirik ang araw. Nakadipa ang mga kamay kong nilalasap ang hanging yumayakap sa 'kin. It feels like I'm flying! Ang sarap damhin, ang sarap sa pakiramdam. Takot ako sa matataas na lugar subalit hindi ko malaman kung bakit parang nawala bigla ang pakiramdam na iyon. Is it because your with him? Napangiti ako. I admit that I'm happy... with him. Iba ang idinudulot niyang saya sa akin ngayon na hindi ko naman masabi sa kanya. At 'yong feeling kapag nagkakadikit kami.. no'ng niyakap ko siya.. no'ng yakapin din niya ako.. at ilang beses na niyang paghalik sa akin... It feels like heaven. And, I think I like him na. Napapakagat na lang ako sa labi. Nagmulat ako at tumingin kay Dazsher, kakatali lang niya ng kabayo sa isang malaking puno ng santol na naroon sa tabi ng nipa house. Papalapit na siya sa 'kin habang malawak ang ngiti. Kumindat pa siya no'ng tuluyang makalapit. Pakiramdam ko tuloy ay pinamulahan na naman ako ng mukha. Kaya nagiwas ako. "Ang ganda dito, Dazsher. How did you know this place?" tanong ko nang muli kong pagmasdan ang paligid. Tumikhim ito. "I spent my long week to find the beautiful spot here in Island. Alam kong magugustuhan mo kaya kita dinala rito. And, I'm glad you like it." "Yeah. Thank you, Dazsher. I love a place like this, so peaceful. Sobrang ganda talaga.." nakangiti kong sabi saka lumingon sa kanya. Napatingin din siya sa 'kin. "You're more than beautiful..." bulong niya saka ngumiti ng pagkagwapo-gwapo. Lihim akong napangiti nang ibaling ko ang mukha ko papaiwas sa kanyang paningin. Napakagat ako ng labi para pigilan ang nagbabadya na namang ngiti sa labi saka muling tumingin sa kanya. "I told you... Stop flattering me.." Tumabi siya sa akin at pagkuwa'y inakbayan ako. Ni hindi niya alintana ang dumi sa mga suot namin. Syempre nagulat ako at napatingin sa kamay niyang nakapatong sa balikat ko. Nang dumako ang paningin ko sa mukha niya, ang lawak na naman ng ngiti niya. Napalunok ako at di na mapigilan ang sarili ko... tipid akong ngumiti sa kanya na ikinatulala niya. Psh! Para 'yon lang, eh! Pa'no pa kaya kapag tumawa na ako? Mababaliw yata 'to? "Thank you dahil nagustuhan mo dito. Pero mas lalo mong magugustuhan ang buong paligid mamayang gabi, for sure." pagkuwa'y sabi niya. "Really, huh? Anong meron dito kapag gabi?" "Hmm.. basta. Mahirap i-explain, eh." anya saka tumawa. "And by the way, I'm sorry about what happened earlier." "Sorry? For what? Sa pagkakahulog ba natin? Psh! That's okay.. It's just an accident. Don't be sorry, it's not your fault." "Not about that.. Pero magsosorry din ako tungkol diyan. But, what I'm asking for forgiveness is that I'm suspecting you for beating me down, Amirah. I am longer believe it was you. I'm sorry..." he sincerely said. Napatitig ako sa kanya. Namumungay ang mga mata niyang nakatunghay sa akin. Dapat ba akong magalit sa kanya dahil sa matagal niyang paniniwala na ako ang nagpabugbog sa kanya? Kaso hindi ko din siya masisisi dahil ako naman talaga ang aakalain niyang nagpagawa noon sa kanya sapagkat ako ang nagawan niya ng bagay na 'yon. Ngunit iniisip ko, sa nangyari sa kanya... nagkaroon ba siya ng galit sa akin? Kung nagalit siya sa 'kin, dapat noon pa binalikan niya na ako.. Kaso, it's been–what? 8 long years bago siya muling nagpakita sa 'kin.. At ngayon iyon. Pero wala naman akong maramdamang galit sa kanya. "Did you hate me after what happened?" Nagbuntong hininga siya ng malalim saka umiling. "To be honest... yes. But, a year after I realized that it was also my mistake, I deserved it." "You don't deserved it, Dazsher. Don't worry, I will punished them too—" "No." pigil niya sa 'kin. Nakangiti na siyang kinuha ang isang kamay ko at pinisil-pisil. "Let's forget about it. 'Wag na nating isipin 'yon. Atleast, ngayon alam ko nang inosente ka at... Did you like my kiss?" kagat-labi niyang tanong na ikinainit ng mukha ko. Nakatitig kasi siya sa labi ko. "Psh! Forget about it! Tara na nga sa loob, nagugutom na ako, eh.." sabi ko saka siya tinalikuran bago pa niya magawa ang ikaapat. Natatawa naman siyang sumunod sa 'kin. Sa laki ng mga hakbang niya ay agad niya akong naabutan. Tumabi siya sa akin at marahan akong hinapit sa beywang. Napangiwi ako sa kiliting dulot no'n. "Mauna ka ng maligo pagpasok natin, Amirah. Ako na ang magluluto." Napalingon ako sa kanya. "You know how to cook?" Ngumiti siya saka tumango. "But, of course! Nagaral talaga akong magluto para sa magiging reyna at magiging mga anak namin. I'll be their king handsome chief." Pagak akong napangisi. "Oh, really? Ano naman ang special dish mo?" "You'll know it later. Lulutuan kita no'n." kumindat pa siya bago niya ipinasok ang susi sa doorknob. Napairap ako sa ginawa niya. Psh! But, I was just thinking about what he said.. Lulutuan niya daw ako? At sabi niya kanina, nagaral siyang magluto para sa magiging reyna niya... at mga anak? Natigilan ako at napatitig sa kanyang likuran. "Maligo ka na, Amirah." nakangiting utos niya nang makapasok na kami sa loob. Tumango ako. Mabilis kong inamoy ang sarili ko nang tumalikod siya para tumungo sa kusina... Oh my! Kailangan ko na nga talagang maligo dahil ambaho ko na! Shocks! Kaya pala ipinipilit niyang maligo muna ako. Kakahiya tuloy... Pero, siya din naman, eh! Napahinga ako ng malalim nang makita siyang papasok sa kusina. Naisip ko, tama ba'ng sumama ako sa kanya? Kaming dalawa lang ang magkasama at hindi naman kami magkaano-ano. Wala kaming relasyon. Para kasing kinakabahan ako na di ko mawari. Ang lakas ng tambol ng dibdib ko. Aiisst! Ewan ko. Am I fell inlove with him na ba? Or is it just an attraction na anytime ay maaari ring mawala? Kasi parang masyado pa ring maaga. Ngayon pa lang kami nagkasama... I mean, hindi pa namin kilala ang isa't isa.. Is it true that Love at first sight exist? Napasinghap ako saka inilibot ang paningin sa kabuuan ng tutuluyan namin. Medyo may kalakihan din itong nipa house. Malawak ang salas at purong kawayan ang mga upuan at lamesa. Meron ding flower vase sa gitna no'n. Fresh pa ang bulaklak na nakalagay kaya napaisip ako na mayroong care taker dito. Napapangiti ako sa taong iyon dahil ang cute ng mga kurtina, nakabuhol ito sa gitna. Malinis din. Parang ang sarap tumira sa ganitong bahay. So simple but cute. Tumungo na rin ako sa kusina nang may maamoy akong masarap na pagkain, ang bango. Kumalam ang sikmura ko tuloy. Nakapikit kong sinundan ang amoy hanggang sa makarating sa kusina. Ngunit napamulat ako ng mga mata nang mabunggo ako sa hamba ng pintuan. Subalit, kaagad naman akong napatakip sa bibig nang dumako ang paningin sa nakatalikod na si Dazsher. Wala siyang suot na pang itaas. Tanging 'yong shorts niya lang ang suot. Oh... Shocks! Dazsher... Gusto kong tumalikod pero naestatwa na ako sa kinatatayuan. Para akong mabibilaukan habang nakatingin sa maskuladong katawan niya. Likod pa lang ang nakikita ko pero nakakapaglaway na! He's so damn hot and... Shocks! Paano pa kaya kung humarap pa siya sa akin? Shooocckkksss... Napapikit ako at napasandal sa hamba ng pinto. "Amirah?" Napatalon ako sa gulat sa tawag niya. Kahit kasi boses niya... Jusko! Naninindig ang balahibo ko. Napalingon ako sa kanya. Nagaalala siyang lumapit sa akin. Napapalunok ako habang nakatingin sa kabuuan niya na ngayo'y nakabalandra na sa harapan ko. Shocks! Para akong hihimatayin! Di ko maiwasang suriin ang mga naguumbukang niyang abs. Nagiinit tuloy ang buong mukha at katawan ko! Sumilay ang pilyong ngiti sa kanyang mga labi ng mapansin niyang namumula ang mga pisngi ko. "Amirah, you need to go to the shower first before we–" "Psh! It's not what you think, Dazsher! Where's the bathroom here so I can take a bath na." inirapan ko siya ngunit lalo lang siyang ngumiti. "Tapos na rin akong magluto. Sasamahan na kita—" "Whatt?? No way! Sipain kaya kita? Gusto mo? Psh!" angil ko na ikinatawa niya ng todo. "Tigilan mo 'ko, Dazsher, ha! Where's the bathroom ba kasi??" Napapailing pa ito habang humahagikhik pa. Psh talaga 'to! "Walang bathroom rito sa loob ng kubo, Amirah. Nasa likod iyon kaya kita sasamahan papunta doon. Don't over think, babe. Wala akong gagawin sayo na di mo magugustahan.." anya saka kumindat pa. Tumaas ang isang kilay ko. Double meaning? And.. babe again? Isa pa please! I like that, Dazsher... "Seriously?" I asked. He nodded. "Yeah. Separated kasi ang banyo dito, eh. Don't worry.. Walang ibang tao rito dahil pinababa ko muna 'yong care taker. So.. Walang maninilip sa 'yo doon. Sasamahan din kita para safe ka— and of course, sa labas ako! Hehe!" Inirapan ko siya. "Ituro mo na lang sa akin kung saang banda ang paliguan, hindi mo na ako kailangang samahan, Dazshe—" hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil hinila niya na ako palabas ng kusina. May isang pintuan kasi doon papunta sa likod. Hindi na ako nakaangal pa. Nang makarating sa likod ay ilang lakad lang naman ang layo ng paliguan. Psh! Akala mo naman kung napakalayo para samahan pa ako. Binuksan niya ang pintuan na gawa sa kawayan at binuksan ang ilaw. Pumasok na ako sa loob. Siya naman ay nanatili sa may pinto. "May isang storage box diyan, Amirah. Nariyan ang mga kakailanganin mo. May malinis na roba akong pinalagay diyan. Iyon ang isuot mo paglabas mo." Tumango ako. "Thanks. But, what about my clothes? Wala akong dala." sabi ko habang inililibog ang paningin sa bawat sulok ng paliguan. Gawa din ito sa kawayan ngunit maayos at maganda ang pagkakagawa. It's not nakakadiri. It's cute. "Nasa kwarto ang pamalit mo. May mga bagong damit doon na pambabae." sabi niya kaya tumango na lang ako. "Hihintayin kita dito sa labas." "Okay but, don't you dare making silip, ah? Kundi tutusukin ko 'yang mata mo." banta ko sa kanya na ikinatawa niya. "Of course, I wont do that." napailing-iling siya saka ngumiti ulit. "Sige na. Maligo ka na at baka nga maisipan ko pang pumasok diyan sa loob kesa manilip." napahalakhak siya saka tumalikod na. What the heck!!! Naginit bigla ang mukha at katawan ko dahil sa sinabi niya. Padabog kong isinarado ang pinto ng bathroom at huminga ng malalim. Hinawakan ko din ang puson ko dahil sa hindi maipaliwanag na pakiramdam. Psh! Ano ba yan.. Agad ko ng binuksan ang itim na storage box at kinuha ang mga gagamitin ko. Kumuha ako ng shampoo, conditioner, liquid soap, tooth brush, tooth paste, at saka towel. Binuksan ko na rin ang isa sa tatlong malalaking balde na kulay itim din. Puno ito ng tubig. Nang hawakan ko ito ay napasigaw ako. Sobrang lamig! "Amirah?? What happened there?" biglang tanong niya sa labas. Napangiti ako. Parang tanga lang, eh! "Ang lamig kasi ng tubig, eh kaya pasigaw ako!" sagot ko. Napasimangot ako ng marinig siyang tumatawa. Kahit malamig ang tubig ay kaagad na akong nagbuhos sa katawan. This is my first time taking a bath using a 'tabo' and 'balde', and I enjoy it. Gusto ko mang sumigaw ulit sa sobrang lamig ay pinigil ko ang sarili ko dahil baka pasukin ako ng lalaking 'yon. Mahirap na. Nang matapos ay agad ko nang isinuot ang robe. Nanginginig akong lumabas ng bathroom dahil na rin sa hangin na yumayakap sa akin. So lamig in here talaga! Napalingon sa akin si Dazsher nang marinig niyang tumunog ang pinto pagbukas ko. Agad itong tumayo at lumapit sa akin. Aakbayan niya sana ako ngunit inirapan ko siya. "I'm already clean na.. And you're madumi pa. So, keep distance!" Natatawa siyang dumistansya. Binilisan ko na lamang ang mga hakbang para makapasok na sa loob ng kubo para makapagbihis na. Nangangatal na ang bibig ko sa lamig. Mabilis naman na binuksan ni Dazsher ang pinto ng kusina para agad na kaming makapasok. Nakasunod lang ako sa kanya dahil hindi ko alam kung nasaan ang kwarto ko. Nasa likod lang pala ng sala ang room ko at nang nasa bungad na kami ay agad na binuksan ni Dazsher ang pinto. Ngunit ang ikinapagtataka ko ay iisa lang ang kwarto doon. "Where's your room, Dazsher?" Namilog ang mga mata niya at bahagyang sumilay ang pilyong ngiti sa kanyang mapupulang labi. Bago pa man siya makapagsalita ay inunahan ko na siya. "Psh! It's not what you think, naughty man! I was just curious why there is no other room in here? This is my room.. So, where's yours?" Nakangiti pa rin siya. "Why? Ayaw mo ba akong makasama sa kwarto?" "Psh! Get lost, Dazsher!" "Hahaha!" Uundayan ko sana siya ng sapak ngunit natatawa siyang umatras. Naiinis akong isinarado ang pintuan ng kwarto. Tumatahip ang dibdib kong lumapit sa isang cabinet at naghanap ng maisusuot. Isang bulaklakin na dress ang nakita ko doon at mukhang eksakto sa taste ko. Agad ko itong kinuha sa hanger at inilapag sa ibabaw ng kama na gawa din sa kawayan at medyo may kakapalan na kutson nakapatong. Naghalungkat din ako ng mga undies sa ilang box na naroon. Nang may makuha ay agad ko na itong isinuot. The size is too small but kasya naman. Isinunod ko na ring suotin ang dress, of course! Walang salamin doon kung kaya't hindi ko makita ang itsura ko. Mabilis ko na ring pinatuyo ang aking mahabang buhok at pagkatapos ay sinuklay. I don't see any make up kit here and it's okay. I am confidently know that I am beautiful with or without make up! "Amirah? Are you done there? Our lunch are waiting for us to eat them, come on! Let's eat!" Kaagad na akong lumapit sa pinto at pinihit ito para buksan. As usual, nasa bungad na naman siya at ngiting-ngiti nakatulala sa akin. Kaya napatitig din ako sa kanya. He's... wow! Bagong ligo na rin siya. Ang bilis naman niya? "What?" I asked. "Ang ganda mo kasi kahit wala kang make up." kagat-labing sabi niya. Umismid ako. "Psh! I know right! Duh!" pinitik ko ang buhok ko saka siya tinalikuran at nagpatiuna nang maglakad papuntang kusina. "I am soooo hungry na!" Pumantay si Dazsher sa akin sa paglalakad at marahan akong inakbayan. Napaigtad ako bigla. Ramdam kong may kung anong nagliliparan na naman sa tiyan ko. Inirapan ko siya ngunit ngumiti lamang siya. Dazsher moves! "Me too.. I'm hungry." bulong niya sa tenga ko na ikinaigtad ko. Shocks! Nagtindigan ang mga balahibo ko sa ginawa niya lalo pa nang pisilin niya ang balikat ko. Tinampal ko ang kamay niya. What are you doing, Dazsher? Your so naughty! And.. annoying! Psh!" nasabi ko para takpan ang kiliting naramdaman ko. Natatawa siyang inalis ang pagkakaakbay sa akin ngunit kamay ko naman ang binalingan niya. He intertwined our fingers as if we we're just walking in the seashore like a boyfriend and girlfriend! Duh! His moves! Pilit kong binabawi ang kamay kong hawak niya ngunit mas malakas siya sa akin kaya nagpatianod na lang ako. Magkaholding hands kaming nakarating sa kusina at nang makapasok sa loob ay agad niya akong ipinaghila ng upuan. Kaagad na rin akong umupo nang sa gano'n ay mabitiwan niya na ang kamay ko. At salamat naman ay nangyari nga! Psh! Lumigid siya sa mesa upang umupo sa kaharap kong silya. Maliit lang ang mesa kaya sobrang lapit namin sa isa't-isa. Kaagad nang tinanggal ni Dazsher ang takip na ipinangtakip niya sa mga pagkain kaya naman ay agad kong nalanghap ang amoy ng niluto niya. I know this, it's sinigang na baboy! Umuusok pa ito sa sobrang init. Bigla akong natakam sa amoy, super asim! Kukuha na sana ako ng kanin ngunit naunahan ako ni Dazsher. Ipinagsandok niya ako at saka kumuha ng maliit na mangkok upang lagyan ng sabaw. Nakatingin lang ako sa kanya habang sinusundan ang bawat galaw niya. Namamangha ako sa kanyang ginagawa. Why is he doing this? He's like a boyfriend material—no, husband material rather. He is so damn perfect! Siya yata ang pinakagwapong lalaki sa mata ko ngayon. Shocks! Napapikit ako sa aking naisip at muling nagmulat. Napatalon pa ako nang makitang nakatitig na pala siya sa akin. "Let's eat!" nakangiting anyaya niya. "Why are you doing this, Dazsher?" seryosong tanong ko. Napalis ang ngiti niya. "Why? Ayaw mo ba sa ginagawa ko? Tell me.. Alin ang ayaw mo—" "Psh! That's not what I mean.. I mean, your actions? Are you courting me?" Napalunok siya. "What if I say yes? Papayagan mo ba ako?" "W-Why?" "Because.. I.. I like you, Amirah." wala nang pasubaling pag amin niya. Napanganga ako sa sinabi niya. "You are?" He nodded. "Yeah.." his eyes are very sincere when I stared at it. "Since when..?" "Since the first time I kissed you..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD