CLARK'S POV
"Here we are," sabi ni Lani.
Napatingin ako sa labas ng bintana ng pick-up ni Lani. Buti nalang, tinatawag nila ang isa't-isa sa mga pangalan nila kaya nakilala ko rin ang mga ito. Nandito na kami ngayon sa bahay ni Anton. Inihatid nila ako galing sa farm nina Ken. Napatitig ako sa bahay ng mga taong kinaiinisan ko. Kaya ko kayang tumira dito nang matagal? Kakayanin ko bang pakisamahan araw-araw ang babaeng naging dahilan ng pagkasira ng pamilya ko?
"Bababa ka ba o hindi?"
Napapiksi ako nang hindi ko inaasahan ang pagbulong ni Ken sa punong tenga ko. Napalingon ako sa kanya, napatingin na rin sa iba pa na pareho nang nakatingin sa akin.
"Oo na! Bababa na," sabi ko saka agad akong bumaba at isinara kaagad ang pinto ng pick up. Mula sa loob, sumilip si Vence sa bintana ng sasakyan.
"Don't forget sa Monday, sabay tayo magpa-enroll," sabi niya. Oo nga pala, enrolment na pala. Pasukan na at 3rd year na ako sa kursong engineering. Bilis ng panahon. Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon.
"Babay," sabay nilang sabi habang kumakaway pa hanggang sa nawala na sila sa paningin ko at napabuntong hininga nalang ako. Humarap ako sa bahay, anong gagawin ko? Papasok ba ako? Hindi ko kayang makita ang babaeng sumira sa pamilya ko.
Kailangan kong umalis kaagad sa bahay na 'to dahil baka hindi ako makapagpigil at ano pa ang magawa ko. Tumalikod ako para aalis nalang pero bago ko pa naihakbang palayo ang mga paa ko, biglang bumukas ang pinto.
"Anak, Anton?"
Napapikit ako kasabay ng pagkuyom ng mga palad ko nang marinig ko ang boses ng babaeng kinasusuklaman ko.
"Aalis ka pa ba? Gabi na. Baka mapa'no ka pa," hindi ako umiimik pero ang dibdib ko, nagpupuyos sa galit.
"Nak, nag-alala ako sa'yo," ganito ba silang mag-ina? Sweet sa isa't-isa? Ang saya pala nila samantala kami, sira ang pamilya. Paano nila nagawang mabuhay ng tahimik at masaya habang may ibang pamilyang nasira? Hanep din pala ang pamilyang 'to.
Bakit hindi ko nlang gagamitin ang pagkakataon na'to para maisagawa ko ang paghihiganti ko. Madali nalang na gawin ang paghihiganti dahil nasa katawan ako ng anak niya mismo at mas masakit kapag nagkasiraan silang magpamilya dahil narin sa kanilang anak.
Tama, gagamitin ko ang katawan ng anak nila para sa pghihiganti ko. Hinarap ko ang ina niya. Galit, pagkamuhi 'yan ang nararamdaman ko para sa kanya ngayon.
"Pagod na ako. Kailangan ko nang magpahinga," pagkatapos kong sabihin 'yun ay agad ko na siyang nilagpasan, iniwan dahil sukang-suka na ako sa pagmumukha niya.
"Anton, anong gusto mong ihain ko para sa'yo?"
Napatingin ako sa may katandaang babae na agad sumalubong sa akin pagpasok ko. Kanina ko lang 'to nakita. Sino ba siya?
"Hindi ako kakain," sabi ko at tiningnan ko lang siya saka ko siya iniwan.
Umakyat na ako sa itaas at dumiretso sa kwarto ni Anton dahil bihis na bihis na talaga ako kasi kahapon pa yata 'tong damit niya eh ..amoy-pawis na. Pagkapasok ko sa kwarto niya saka ko lang ito napagmasdan ng maigi. Hmmmf ..hindi na rin masama. Hindi rin siya kalakihan pero infairnes, malinis at maayos ang loob nito. Ang kulay ng kurtina, ng bedsheet ay talagang babaeng-babae. Naagaw ang pansin ko sa mga portrait na nakasabit.
Isa-isa kong nilapitan ko ang mga iyon at napamangha ako sa sobrang ganda ng portrait. Portrait ng halaman, hayop, may desinyo rin ng bahay at ang pinakahuli ay portrait ng magkakaibigan.
Sina Vence, Lina at Ken. Bakit wala siya? Napatingin ako sa baba, sa bandang gilid ng portrait, may pangalang nakasulat doon. Antonia Lasmila? Sino siya? Si Anton kaya 'to? Kaya ba siya tinatawag na Anton dahil Antonia ang totoo niyang pangalan? Hanep, ah! Pero magaling pala siya magdrawing. Hindi ko akalaing may talent rin pala siya, akala ko puro kaartehan lang ang alam nun.
Ano ba 'tong iniisip ko? Hindi ako dapat magpapadala sa mga magagandang bagay na nakikita ko dahil anak siya ng babaeng sumira sa pamilya ko. Dahil feeling malagkit na ako at kating-kati na ay agad akong pumasok sa bathroom na nandoon sa loob ng kwarto niya. Malinis din, may hot and cold shower at may bathtub rin.
Buhay prinsesa nga talaga ang babaeng 'to. Nakita ko ang tuwalyang nakasabit sa rock towel. Hinubad ko ang sout kong damit, sanay na kasi akong maligo na nakahubad dahil nasa loob lang naman ng kwarto ko ang bathroom sa bahay kaya ok lang.
Agad kong naitapon ang underwear na sout ko matapos ko itong hubarin dahil diring-diri talaga ako at hindi ko sinasadyang napatingin sa kaharap na salamin at nanlaki ang mga mata ko nang mapagmasdan ko ang hubad na katawang nasa salamin. Ahhhhhh! Napasigaw ako sa gulat at dahil sa sobrang pagkabigla ko ay napadulas ako na naging dahilan ng pagsalampak ng pwet ko sa sahig ng banyo. Napangiwi ako sa sakit.
Bwesit ka talaga, Antonia!! Dahan-dahan akong tumayo kahit na masakit pa rin ang balakang ko at dali-dali kong binuksan ang shower at ipinailalim ang sarili ko dito. Napakuyom ko ang mga kamao ko sa inis. Antonia, humanda ka! Hindi talaga ko kayo tatantanan hangga't hindi ko nakukuha ang gusto ko. Kailangan ko na talagang makapagsout ng damit dahil ayokong makita pa uli ang katawan na'to.
Pagkatapos kong maligo ay inabot ko ang tuwalya sa rock towel at ibinalot ko ito sa ibabang parte ng katawan ko pero natigilan ako nang maalalang babae pala ako kaya inis na binaklas ko ang tuwalya at itinakip ko iyon sa buong katawan ko. Haist! Kainis! Agad akong humalungkat sa cabinet niya at nakita ko ang pantulog niyang damit, halos lahat ng pantulog niya ay naka-spaghetti strap.
Ano ba'to. Kailangan ko bang magsout nito? Kahit na babae ang katawan na'to, lalaki pa rin naman ako bilang kaluluwa nuh pero may choice pa ba ako? Kumuha ako ng isa at inilapag ko iyon sa kama pagkatapos ay hinagilap ko kung saan niya nilagay ang mga undergarments niya at hindi nagtagal ay nakita ko rin sa isang drawer niya.
Infairness, maayos ang pagkakalagay niya. Napatingin ako sa mga brassiere niya, maliit lang pala ang dibdib niya kasi hindi naman kalakihan tong mga bra niya, eh. Napadako naman ang mga mata ko sa undies niya. Dahan-dahan akong kumuha ng isa. Napanganga ako nang makita kong see through 'yun kaya walang kaabog-abog na itinapon ko iyon sa sahig.
Kumuha pa ako ng isa pa gamit ang dalawa kong daliri habang ang tatlo kong diliri ay nakataas at nang matingnan ko iyon ng mabuti ay agad ko ring naitapon dahil T-back undies iyon. My god! Ano ba 'tong mga knickers niya? Ganito ba ang lahat ng mga undie niya? Hindi ko kayang magsuot ng mga ganyan kaya naghanap pa ako hanggang nakakita ako ng boy shorts panties niya.
Ok na 'to parang boxer shorts lang naming mga lalaki, for sure magiging komportable ako dito. Agad ko nang sinuot ang mga gamit niyang pambabae. Nandidiri ako pero may magagawa pa ako?