CLARK'S POV
"Teka! Saan ka pupunta?" Tanong ni Lani sa'kin nang makita niyang paalis na ako.
Balak ko kasi ang pumunta sa engineering department dahil yun naman talaga ang kurso pero nakalimutan kong I am not Clark anymore.
I am now Anton. Kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod na lang kay Lani. Sina Lani at Anton ay parehong nasa Arts Department at sina Ken at Vence naman ay magkasama Bachelor in performing arts, Major in dance since pareho silang mahilig sa sayaw. Pareho silang apat na nasa 3rd year na rin.
Magaling ako pagdating sa numbers kaya engineering ang kinuha ko but I have no any idea about arts. What should I do?
ANTON'S POV
"Teka! Why do you want to change your course?" Biglang naitanong ni Mark sa akin.
"Kasi .... gusto kong magdrawing," sagot ko at bigla namang tumawa ang tatlo sa sinabi ko saka ako hinila ni Joey sa braso.
"You're just kidding. Tara na para matapos na tayo sa pagpa-enroll."
Teka! Hindi ako nagbibiro. Gusto ko talaga ng arts. Ayaw ko nang engineering kasi ...kasi sa lahat ng subjects, math pa talaga ang pinakaayaw ko. Oo na, bobo na ako when it comes to numbers but do I have any other choice? Pagkatapos naming magpa-enroll kaming apat ay agad kaming lumabas ng school campus pero bago pa kami makalabas ay bigla kaming hinarang ng mga kababaihan.
Nagtitilihan, kinikilig at para bang mamamatay sa sobrang saya nang makita kami. Hindi na 'yun nakapagtataka. Noon paman tinatanyag na talagang heartthrob ang mga lalaking 'to kaya lang iba ngayon dahil hindi na si Clark ang nakikita nila sa akin ngayon. Kahit pa nagkumpul-kumpulan ang mga babaeng nagtitilihan dahil sa mga lalaking 'to, pinilit parin naming makaalis at buti naman binigyan rin kami ng daan ng mga babaeng 'yun.
Para kaming mga prinsipe na naglalakad sa gitna pero bago pa kami tuluyang nakaalis, napahinto ako sa paglalakad nang biglang lumitaw sa harapan ko ang sarili kong katawan na ngayon ay pagmamay-ari na ni Clark. Napatingin ako sa kanya at matatalim na tingin rin ang ibinato niya sa akin.
Nakita ko kung paano niya naitikom ang mga daliri ko. Parang gustung-gusto na niya akong sugurin at ako naman ay nagpipigil. Nakatingin rin pala sina Mark, Joey at Romir sa direksyon kung saan ako nakatingin.
"Dude, let's go," bulong niya sa akin.
Nauna na silang tatlo sa paglakad sa direksyon nina Clark at sumunod na rin ako. Hindi humihiwalay ang matatalim na tingin sa'kin ni Clark at habang naglalakad ako palapit sa kanya ay nakipagtitigan parin siya sa'kin at nang nasa gilid na niya ako, huminto lang ako saglit, tiningnan ko ang mga kaibigan ko na sana tabi ngayon ni Clark.
Gusto kong sabihin sa kanila na ang kasama nilang Anton ay hindi totoong si Anton kundi siya ay si Clark pero hindi ko magawa dahil sa dami ng taong nandoon. Tiningnan ko nalang ang katawan ko na kitang-kita ko naman na nagpupuyos na sa galit saka ko siya nilagpasan.
"Let's go, girl," narinig kong aya ni Ken kay Clark.
Nainis ako dahil ako sana ang sinabihan ni Ken nang ganu'n at hindi si Clark pero ano pa nga ba ang magagawa ko. Nang paalis na sila saka lang ako napalingon sa kanila. Ako sana ang kasama ngayon ng mga barkada ko at hindi ang Clark na 'yan. Naiinis na talaga sa mga nangyayari.
"Dude?" Para akong nagising sa katotohanan nang tawagin ako ni Romir. Pumihit ako paharap para sumunod sa kanila.
CLARK'S POV
"Ok ka lang?" Tanong ni Vence sa akin.
I released a deep sigh at hindi ko na nagawa pang sagutin ang tanong niya. Sino ba kasi ang magiging ok sa nangyari? Magbabayad sa akin ang babaeng 'yun. Hindi kami dapat maging ganito habang buhay. Hahanap ako ng ibang paraan para makabalik na ako sa sarili kong katawan pero hindi ko naman alam kung anong klaseng paraan 'yun.
"Why don't you want to let go the past? Para magiging ok na ang lahat between you and Clark," napatingin ako kay Vence na para bang kakain ko siya ng buhay kaya napatikom niya ang bibig niya.
"Hindi pwede! Dapat silang magbayad," galit kong sabi.
"Puro ka nalang paghihiganti. Papaano mo matatagpuan ang tunay na ligaya kapag ipagpatuloy mo 'yan?" Singit naman ni Lani.
"Matatagpuan ko lang ang ligaya kapag naisagawa ko na ang paghihiganti ko."
Tama. Pagkatapos kong makapaghiganti I know happiness will follow at alam ko rin na kapag hindi ko nagawa ang ninanais ko, hinding-hindi ko matatagpuan ang totoong kaligayahan.
"May napansin ako kay Clark kanina. Dati kasi, kapag nakita niya si Anton talagang hahanap talaga siya ng way para mainsulto niya si Anton pero iba ang nangyari kanina ...tiningnan lang niya si Anton saka umalis. Ni hindi nga nagsalita kahit isang word lang," ani Vence.
"Napagod rin siguro pero infairness huh ...ang hot parin niya," sagot naman ni Ken.
Napatingin lang ako sa kanila habang pinag-uusapan nila ang taong nasa harapan at kasama nila ngayon.
ANTON'S POV
Nasa isang shooting gallery kami ngayon para sa isang shooting range. Hindi ko akalain na mahilig din pala ang mga lalaking 'to sa ganitong recreation.
Napamasid lang ako habang nagso-shoot ang tatlo at hindi ko talaga mapigilan ang mapahanga dahil bull's eye lahat ng target nila. Habang aliw na aliw ako sa panonood, huminto si Joey sa pagso-shoot at tumingin siya sa'kin.
"Let's play, dude," aya sa akin ni Joey.
"Huh?" Gulat kong tanong.
"Come on, dude," sabi pa niya.
"Hindi na natin 'to magagawa palagi kapag pasukan na kaya sulitin na natin 'to. Isa pa, you really like this game. C'mon," sabad ni Romir.
"Next time nalang kasi ------"
Napahinto ako sa pagsasalita nang biglang may tumambad sa harapan ko na isang lalaki, tagapag-alaga ng shooting gallery.
"This way po, sir," iginaya na niya ako papunta sa kung saan naroroon ang baril na gagamitin at ang mga safety gears nito kaya wala na akong nagawa, hindi na ako makatanggi sa lagay na'to. Lumapit ako sa mesa kung saan nakalagay ang mga kakailanganin ko.
Sinuot ko ang eye and ear protection pagkatapos ay iniabot sa akin ng isang lalaki ang isang air gun riffle. Pilit na ngiti ang ibinigay ko sa lalaki. First time kong humawak ng isang baril at riffle pa, hindi ko nga alam kung papaano 'to papuputukin. Dahan-dahan akong lumapit sa kinalalagyan nina Joey.
Ginaya ko ang position nila habang nagso-shoot sila. Nakita kong kinasa muna ni Joey ang riffle na hawak niya saka niya ito pinaputok kaya ginaya ko na rin siya. Kinasa ko muna ang riffle pagkatapos ay ipinasok ko na ang kaliwang hintuturo ko sa trigger guard habang nakahawak naman sa stock ang kanan kong kamay tapos ipinikit ko ang kaliwa kong mata habang ang isa ay nakadikit at nakatingin sa scope ng baril. Kumakabog na naman ang dibdib ko. Nanginginig na naman ang mga kamay ko pero pilit ko namang pinapakalma ang sarili.
Dahan-dahan kong itinulak pabalik ang trigger ng baril kasabay nu'n ang sunod-sunod nitong pagputok at dahil sa first time ko at dahil sa lakas ng impact ng pagputok nito ay bahagya akong tumilapon sa di-kalayuan kasabay nang malakas kong pagsigaw. Napapikit ako! Napahinto ang lahat, sa isang iglap lang tumahimik ang kapaligiran. Tinamaan ba ako? Buhay pa ba ako? Nang mapagtanto kong buhay nga ako ay dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata at ang unang nakita ko ay ang mga mukha ng tatlo kong kasama na hindi ko matanto kung nag-aalala ba sila o nagtataka sa nangyari.
Dahan-dahan akong bumangon at tumayo pero nanatili parin silang nakatitig sa akin. Pilit na ningitian ko nalang sila. Yung ngiting-aso habang pinapagpagan ko ang sarili.
"Ok ka lang ba, dude?" Hindi nakatiis na tanong ni Mark.
"Ang weird mo, dude," sabi ni Romir at napatingin ako sa kanya.
"Alam mo ba na para kang bakla kanina?" Sabi ni Joey.
"Hindi, ah! N-nanibago lang ako," palusot ko naman.
"Last day lang tayo naglaro nito tapos nanibago kana? Are you serius? Don't you have any problem?" Sabi naman ni Mark.
"Hay, I told you. Kalimutan mo na kasi si Anton, yang paghihiganti mo. Tingnan mo tuloy, nadi-distract ka. Walang magandang maibigay yan sa'yo, dude. Akala ko tuloy, nababakla kana. C'mon, Let's continue to play," litanya ni Romir.
Agad na tumalima ang dalawa at sumunod sila kay Joey at ipinagpatuloy ang paglalaro. Naiwan ako na hiyang-hiya sa nangyari. Pero, bakit nga ba ako mahihiya, eh hindi ko naman katawan 'to. Napangiti ako sa ideyang unti-unti ko nang nasisira ang pangalan ni Clark.