EPISODE 20

1388 Words
CLARK'S POV "Oyy, Anton!" Tawag sa akin ni Lani, "Ay, sorry! C- Clark pala." Bawi naman niya kaagad. "Pwede mo naman akong tratuhin na parang si Anton, eh. Gaya nang pagtrato mo sa akin noon," sabi ko naman. "Sorry, nanibago lang talaga ako." "Ano ba 'yang hawak mo?" Tanong ko ng makita kong may hawak-hawak siya. "Ah, heto? Poster 'to. Kinuha ko sa bulletin board." Kinuha ko ang poster na dala niya at tiningnan ko kung ano ang laman nito. 35th Stanford University's anniversary? Ito 'yung event ng school kung saan ang bawat department ay may pa-contest at every department ay may representatives. Dito rin malalaman na hindi porke't kumuha ka ng engineering eh hindi ka na magaling sumayaw. Lahat pwede sumali kahit pa iba ang field na pinag-aaralan mo as long as magaling ka naman sa ibang field, welcome kang sumali. Ako nga last year, ako ang naging representative namin sa pa-contest ng engineering department at ako ang naging champion nu'n. "Kung malalaman niyan ni Anton ang tungkol sa pa-contest na 'yan, sigurado akong sasali talaga 'yun." Litanya ni Lani. "Ganu'n ba talaga siya kahilig sa pagguguhit?" Tanong ko. "Oo. Pero alam mo ba, minsan na niyang iniwan niya ang pagpi-paint?" Napatingin ako kay Lani. "Bakit?" "When her father died." Natahimik ako sa narinig ko. Ganu'n ba talaga kahirap para kay Anton ang pagkawala ng ama niya? "Pero ...napag-isip-isip niya na hindi niya dapat iwanan ang pagguguhit kasi ...'yun lang ang tanging ala-ala na iniwan sa kanya ng kanyang ama." So, ang pagkahilig niya sa pagpi-paint ay namana niya sa kanyang ama? May mga bagay pa pala akong hindi alam tungkol kay Anton. Bigla na lang kaming natahimik nang pumasok na sa room ang prof namin ng mga oras na 'yun. "Good morning, class." Bati ng Prof. namin. "Good morning, Prof.," sagot din namin. "Did you see the announcement in the bulletin board? About the contest?" Tanong niya sa amin. "Yes, Prof." "Walang exempted du'n. Dapat every department ay may representative and Ms. Lasmila. I want you to be our department's representative." Nanlaki ang mga mata ko. Napatingin ako kay Lani at napatingin rin siya sa akin na para bang sinasabi niyang "paano na?" "Don't disappoint us." Tuluyan na akong nabahala. Ano nang gagawin ko? Wala talaga akong talent sa pagguhit. ANTON'S POV "Mr. Martin, you will be the representative for our department for this incoming event." "Po?!" Napanganga ako sa pagkabigla at napatingin naman sa akin sina Mark, Joey at Romir. "Prof, can I say no?" Tanong ko dahil sa pagbabansakaling pwede pa pala. "No! We already listed your name there so you can't backout now." God! Ano nang gagawin ko. Napatingin ako sa tatlo at sinisenyasan ko sila sa pamamagitan ng facial expressions na tulungan nila akong tumanggi pero puro kibit-balikat lang ang itinugon ng tatlo sa akin. "Anong gagawin mo ngayon?" Tanong ni Mark. "I don't know," sagot ko habang tinutusok-tusok ko ng tinidor ang ulam na nasa pinggan ko. Kasalukuyan kaming nasa canteen. Biglang may naglapag ng pagkain sa tabi ko kaya napatingala kaagad ako at pakiramdam ko, nakahanap ako ng kakampi. It's Clark! Kasama niya ang mga kaibigan ko. Umupo sa pinakadulo ng mesa si Clark at nasa tabi ko naman sina Lani at Vence at sa kabilang dulo ng mesa ay si Ken, nakaharap siya kay Clark. Napatingin ako kay Clark at parang hindi maiguhit ang mukha nito kaya napatingin ako sa tatlo kong kaibigan. "A-anong nangyari? May problema ba?" Tanong ko sa katabi kong si Lani. "Siya ang magiging representative sa gaganaping event," sagot naman ni Lani. Napatingin ako kay Clark, kaya pala hindi maiguhit ang mukha nito, "Did you agree?" Tanong ko sa kanya. "Makatanggi pa ba ako? Hay, kainis talaga?" Nakasimangot niyang tanong. "Wag kang mainis. Ganyan rin ang problema ngayon ni Anton," pahayag ni Mark. Napaangat ng tingin si Clark at diretso sa akin ang mga mata. "Bakit? Are you the representative of -----" "Exactly! Gusto niyang mag-backout kaya lang fixed na ang lahat. Hindi na pwedeng umatras," putol agad ni Joey sa iba pa sana niyang sasabihin. Muling napasandal sa upuan si Clark. "Paano na 'to ngayon? You will be the representative of engineering department eh hindi ka naman magaling sa math tapos ako? Ako ang magiging representative sa art department, eh hindi naman ako magaling gumuhit. Hay, ano ba 'tong buhay 'to?" Frustrated niyang litanya. "Oo na! Hindi ako magaling sa math pero kailangan mo pa bang ipagsabi?" Nagtawanan na lang ang mga barkada namin pero siya, napahilamos na lang niya ang palad sa mukha. Gulong-gulo na talaga ang isip niya pati na rin ang isip ko. Pareho kaming problemado, nadamay pa ang mga barkada namin. CLARK'S POV "Can we meet at 8:00 in the school park?" Taning ko kay Anton isang umagang tinawagan ko siya sa phone. "O-ok," sagot naman niya mula sa kabilang linya. Magkikita kami ni Anton, kailangan naming pag-uusapan ang mga dapat naming gawin. Hindi pwedeng mananahimik lang kami at maghihintay sa araw ng event. Ayokong mapahiya ang department ko at alam ko rin na ayaw rin niyang mapahiya ang department niya kaya kailangang may plano kaming gagawin. "Kanina ka pa ba?" Tanong niya sa akin ng dumating siya na nasa lugar na ako ng pinag-usapan namin. "Kararating ko lang." "Ano bang pag-uusapan natin?" Agad niyang tanong sabay upo sa tabi ko. "About the event," matipid kong sagot. "Ano namang tungkol doon?" Usisa pa niya. "Ayokong papalpak ka sa araw na 'yon. Nag-champion ako last year kaya sana ganu'n rin ang mangyayari this year." "Eh, anong gagawin ko?" Kunot-noong tanong niya. "Let's help each other." Seryosong napatingin siya sa akin, "But how?" Tanong niya ulit. "Every free time natin, I'm gonna teach you and if you are free, you can teach me how to paint." "Kaya kaya natin?" Pagdadalawang-isip pa niyang tanong. "Bakit hindi? Basta ba andoon lang ang determinasyon. Walang impossible. Oh, ano? Deal?" "Deal!" Ningitian ko siya at napangiti naman siya sa akin. "Ano 'yan?" Biglang tanong ni Ken. Sabay kaming napalingon kay Ken kasama sina Lani at Vence. "Anong ano?" Kunot-noong tanong ko. "Yan oh," ininguso niya kaming dalawa, lalong kumunot ang noo ko pati na kay Anton. "Ano nga?" Tanong din ni Anton. "Yang ngiting yan. Ano yan?" Mas lumaki pa ang ngiti ko sa sinabi ni Ken at napakamot naman sa batok si Anton. "M-may pinag-uusapan lang kami," sagot naman ni Anton. "At ano naman?" Pag-uusisa pa nito. "Ahh ...ano -----" "Pinag-uusapan namin ang tungkol sa event," putol ko na sa iba pa sanang sasabihin ni Anton. "Ay, oo nga pala! Anong balak niyo tungkol du'n?" Tanong naman ni Lani. "Mapag-usapan namin na magtulungan na lang kami," sagot ko din. "Pa'no?" Tanong ni Vence. "Tuturuan niya akong magpaint at tuturuan ko rin siya sa Math," paliwanag ko. "So, ibig bang sabihin niyan, ok na kayo?" Sabi ni Ken sabay sa pag-flip niya sa mahaba niyang buhok kahit ang totoo, naka-boy cut siya sabay patong ng siko niya sa balikat ko. "O-oo! Para sa grado namin," sagot ko sa kanya. "Telege? E beke mey ibeng dehelen," malandi niyong sabi at napangiwi ako sa narinig pati na rin sina Anton at parang gusto ko yatang sumuka sa paraan kung paano niya sinabi ang mga 'yon. Bahagya naman siyang tinapik ni Anton sa braso. "Ang landi mo," sabi ni Anton at agad namang tinanggal ni Ken sa pagkakapatong ng siko niya sa balikat ko. "Malay natin. Baka nga," giit pa niya kaya bahagya siyang siniko ni Vence. "Tumigil ka nga. Impossible 'yang mga sinasabi mo," tutol naman na sabi ni Vence. "Oo, nga. Pag nangyari 'yon, paano na si Direk?" Napatingin ako kay Lani dahil may pangalan ng lalaki siyang binanggit. "Ay, oo nga pala! Nakalimutan ko tuloy," sabi naman ni Ken. "S-sinong Direk?" Curious kong tamong. Napatingin ang lahat sa akin at agad namang lumipat ang tingin nila sa nakayukong si Anton. "Boyfriend ko," sagot niya. Agad akong napatingin sa kanya nang banggitin niya ang salitang "boyfriend". May boyfriend na pala siya? Bakit hindi ko alam 'yun? Bakit bigla na lang may kung anong damdamin ang biglang umusbong sa kaloob-looban ko. Hindi ko maintindihan kung para saan ang damdaming 'yon basta ang alam ko lang, biglang umiba ang timpla ng araw ko. Mula sa pagiging magaan, bigla na lang naging mabigat. Ano ba'tong nararamdaman ko? Bakit ko'to nararamdaman?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD