EPISODE 22

1286 Words
ANTON'S POV Nakasunod akong naglalakad kay Clark habang siya naman ay abala sa pagmamasid sa madaanang street foods. Nang makakita ito ng fishballs ay biglang bumuka ang palad nito sa harapan ko. Napakunot naman ang noo ko sa pagtataka. Para siyang batang naghihingi ng pera. "Why?" Taka kong tanong. Tinaasan niya ako ng kilay sa tanong ko at nang maalala ko ang usapan namin kanina sa library na kapag hindi ko masagutan ang mga ibinigay niyang problems sa akin ay ililibre ko siya. Agad kong inilabas ang wallet ko pero bigla naman niya itong kinuha mula sa kamay ko. Aangal pa sana ako nang bigla niya akong sinubuan ng isang fishball kaya imbes na magrereklamo pa ako ay napanguya na lamang ako. Napatingin ako sa kanya, sarap na sarap siya habang kumakain ng fish ball. Hindi ko akalain na ang isang mayaman, gwapo at machong lalaking tulad niya ay kumakain pala ng ganitong pagkain. Sabagay, wala namang masama sa ganitong pagkain, masarap naman! Pagkatapos sa fish ball ay pumunta na siya sa isang nagtitinda ng kwek-kwek. Bumili na naman siya ng dalawa at ibinigay niya sa akin ang isa. "Hmmm ... ang sarap talaga kumain ng ganitong pagkain," sabi niya habang ninanamnam ang bawat kagat niya sa kanyang kinakain. Hindi ko napigilan ang titigan siya. Di ko inakala na may ganitong side din pala siya. Para siyang bata na ang saya-saya habang kumakain ng pagkaing matagal na niyang hindi natitikman. Sa tagal ng pagkatitig ko sa kanya, hindi ko na namalayan na kanina pa pala niya ako kinakausap at nang mapansin niyang nakatunganga ako sa harapan niya ay bigla na naman niyang pinitik ang noo ko. "Aray naman , Clark! Ba't ba ang hilig-hilig mo 'kong pitikin?" "Nakatunganga ka kasi habang nakatitig sa akin..." inilapit niya muli ang bibig niya sa punong tenga ko at pabulong na muling nagsalita, "...naiinlab ka na ba sa sarili mo?" Nanunukso nitong tanong. Hindi ako naiinlab sa sarili ko dahil habang pinagmamasdan ko siya, hindi ang sarili ko ang nakikita ko kundi siya mismo. Si Clark mismo ang nakikita ko sa halip na ang sarili ko. Hindi na 'ko nagsalita pa. Maya-maya lang ay iniwan na naman niya ako at lumapit siya sa may nagtitinda ng buko juice, 'yong buong buko talaga. Nakangiti pa siyang lumingon sa akin saka niya ako kinawayan para lumapit. "Ang lakas talaga kumain ng nobya mo, nuh?" Napatingin ako kay Ale na nagtitinda ng kwek-kwek, ningitian ko lang siya saka ako lumapit kay Clark na nakaupo sa harap ng isang maliit na mesa kung saan nakapatong ang binili niyang buko na may nakalagay pang dalawang straw. Umupo ako sa harap niya at nasa gitna namin ang bukong binili niya. Ininguso niya ang straw na nasa harap ko na nakatuon sa akin ang dulo nito saka niya inilapit sa bibig niya ang dulo ng isa pang straw na nasa harap niya at humigop ng tubig ng buko. Pagkatapos niyang humigop ng buko juice ay napatingin siya sa akin habang nanatili lang akong nakamasid sa ginagawa niya. Muli niyang ininguso sa akin ang buko pero nagdadalawang-isip pa rin ako dahil baka aakalain ng makakita na nakakakilala sa amin na magsyota kami pero ewan ko ba, may kung anong kiliti akong biglang nadama sa isiping magse-share kami sa iisang buko. Para talaga kaming mag-syota kung ganu'n man 'yon. "Don't worry I don't have rabies. Malinis ang laway ko." Napasulyap ako sa kanya sa kanyang sinabi pero hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa paligid. May mga magkasintahan na umiinom rin ng buko juice, nagse-share sa iisang buko. Naglalambingan, nag-uusap, nagtatawanan. Biglang nanlaki ang mga mata ko nang biglang inilapit ni Clark ang mukha niya sa mukha ko saka niya ako tinitigan sa mga mata. "Bakit? Takot ka ba baka mapagkamalan nila tayong magsyota?" Tanong niya sa akin at napalunok na lang ako nang wala sa oras dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko pero pinilit ko paring maging kalmado para hindi mahalatang kumakabog na naman ang puso ko. "H-hindi nuh!" Depensa ko sa sarili at para maniwala siya ay agad kong hinawakan ang straw at inilapat ko ang dulo nu'n sa bibig ko pero bigla na lang ulit nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang yumuko at humigop ng buko juice gamit ang straw niya habang nakatingin sa akin nang walang kakurap-kurap. Muling nagkalapit ang mga mukha namin. Bigla akong napasigok at nakita ko kung paano siya napangiti sa naging reaksyon ko. Nanatili parin siyang nakatingin sa akin, he keeps teasing me. Kumakabog na naman ang puso ko, hindi ko maintindihan kung bakit ganito na lang magreact ang katawan ko everytime he keep looking at me that way. Dahil sa iba't-ibang emosyon na umusbong sa puso ko at sabayan pa ng pagtataranta na nararamdaman ko ay bigla akong nabunulan nang higupin ko ang buko juice. Agad naman siyang rumispunde sa akin. "Are you ok?" He asked while he trying to calm me down by massaging my back at nang maramdaman ko ang palad niya sa likod ko ay may kung anong init akong nadama. Agad akong tumayo at bahagyang lumayo sa kanya dahil pakiramdam ko mapapaso na ako sa init na hatid ng paghaplos niya sa likod ko. "I'm ok," awat ko. Nagtatakang napatingin siya sa akin. "Ok ka lang ba talaga?" Tanong niya uli at muli akong umatras nang akma niya akong hawakan uli. "Oo," matipid kong sagot. Hindi na siya naging makulit pa. Tumangu-tango na lang siya at muling umupo. Dumidilim na ang paligid nang magpasya siyang magpunta sa park at umupo sa isang bench. Nakatayo lang ako sa harap niya nang bigla niyang ibinuka ang palad niya sa harapan ko na para bang nanghihingi. Napakunot naman ang noo ko. "Ano 'yan?" Kunot-noo kong tanong. "Yong candy mo. Andyan pa ba?" Tanong niya sa akin. "Ah! Oo!" Agad kong sagot. Candy lang pala, akala ko ano na naman. Dali-dali akong kumuha ng isa at inilagay ko 'yon sa nakabukas niyang palad. Tinapik-tapik niya ang bakanteng space sa tabi niya bilang senyales na pinapaupo niya ako at wala akong nagawa kundi ang umupo na lang din sa tabi niya. Nakita kong binuksan niya ang candy at tiningnan niya ito. "Yeah, you are right! This is my favorite candy, my favorite everytime I am lonely, I am sad." May halong lungkot sa boses niyang sabi. Napatingin ako sa kanya at nakita ko kung paano nagbago ang expression ng mukha niya na kanina lang ay kay sigla-sigla. "Malungkot?" Nagtataka kong tanong. "Actually favorite ko talaga 'to before. I always asking my father to buy this for me, ewan ko kung bakit mahilig ako sa candy..." he laughed bitterly, "...but when he left us, this candy keeps reminding me of how cruel my father was." Natahimik ako sa mga sinabi niya. Ngayon, alam ko na kung bakit hindi ko nakikita ang ama nila sa bahay nila. "Why ...why did he left you?" Tanong ko at napalingon sa akin si Clark na may bahid ng galit ang mga mata. Bakit ganu'n siya kung makatingin sa akin? Dahil ba may kinalaman si Mama sa pag-alis ng ama niya? Bigla siyang nagbawi ng tingin atsaka tumayo. "Uwi na tayo," sabi niya. Lalakad na sana siya paalis nang hinawakan ko siya sa braso. "Dahil ba kay Mama?" Lakas-loob kong tanong. Nanatili siyang nakatalikod sa akin at dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay ko na nakahawak sa braso niya at ni hindi man lang niya ako nilingon. "Umuwi ka na rin." Sabi niya saka tuluyan na niya akong iniwan. Napaupo ako at napahilamos ko ang sariling palad sa mukha. Ano ba ang totoong nangyari? Gaano ba talaga kalaki ang pinsalang nagawa ng panlulukong ginawa ng mga magulang namin? Ni Mama? Ng ama niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD