CLARK'S POV Nagising ako kinabukasan nang nararamdaman ko ang init ng sinag ng araw na tumatama sa balat ko. Agad akong nagmulat ng mga mata at ang kisame kaagad ang natanaw ko. Napalingon ako sa side table ko, nakapatay na pala ang lampshade at bigla na lang ako napatingin sa isang maliit na box na nakapatong sa ibabaw ng mesa na may maliit na kapirasong papel na nakapatong rin dito. Pinilit kong abutin iyon habang nanatili pang nakahiga. Nang maabot ko na ang papel ay agad ko itong binuklat at binasa. Anton, Happy birthday, nak. Sana maging masaya ka sa araw na ito. Wala akong ibang hinhiling kundi ang makita la lang na masaya. Nak, alam ko masama parin ang loob mo sa akin pero sana balang-araw, bibigyan mo ako ng pagkakataong ipaliwanag sa iyo ang lahat-lahat. Mahal na mahal kita

