CLARK'S POV Nagpatuloy ang daloy ng buhay naming lahat. Patuloy pa rin ang hindi naming magandang pakikitungo namin ni Anton pero mas ok na siguro ang ganun, isa pa ganun naman talaga kami noong una paman. "Aalis kana?" napatingin ako kay Rita nang bigla itong bumungad sa pinto ng kwarto. "Hhmmm," sagot ko saka tumango. Nanatili siyang nakatayo at nakasandal sa pintuan habang nag-aayos na ako para pupunta na ng school. Napatingin ako sa kanya, "may kailangan pa ba kayo?" tanong ko. "W-wala naman. Gusto lang kitang panoorin," sabi niya, tumangu-tango ako saka nagsalita. "Kaya lang ...ayokong pinapanood ako. Hindi ako makakakilos ng maayos," sabi ko. Napayuko siya sa sinabi ko at pilit na ngumiti sa akin. "Naiintindihan ko," pagkasabi niya'y umalis na siya kaagad sa pintuan ng kwart

