Pareho sila nakaupo ng binata sa batuhan,nakapwesto sa likuran niya ang kasintahan habang siya ay nakakulong sa mga braso at hita nito. Nakasandig sa harapan nito. Panunuorin nila ang paglubog ng araw mula sa karagatan. "Pwede magtanong?" untag niya sa nobyo. "What is it?" tugon nito sa kanya. "Nagkagirlfriend ka na ba ng seryoso? Gaano kayo katagal naman?" Nakangisi na bumaling ang mukha nito sa kanya. Tinaasan niya ito ng kilay. He chuckled. "No,I haven't yet,but.." pabitin nito saad. Tinaasan niya ito ng kilay na may kasamang warning. Tumatawa ito na mabilis na hinalikan nito ang bibig niya. "Ikaw lang ang seryoso na kinarelasyon ko.." anito. "Bakit?" "DahiL itinakda ako sa karapat-dapat na isang babae...at ikaw yun,Diana.."matapat nitong saad. Bigla tumaba ang puso niya

