Nang maging okey na si Lyka ay agad silang humahol sa peak ng bundok. Nakaalalay lang sila Mad at Bryan sa likuran ng dalaga. Halatang gustong magpaligsahan ang dalawa dahil panay pabibo at pakitang-gilas ang mga ito, mula sa paghapit sa beywang, pag-alalay sa kamay, at maging ang pag-alalay sa kung saan man ito pwedeng umapak ng daan. "Teka nga, ba't ba kanina ko pa napapansin na kayo na lang halos ang nasusunod? Okey lang ba kayo?" si Lyka na nahahalata na ang mga galaw ng dalawa. "Uh, kasi baka matumba ka." Agap naman ni Bryan na ngumiti pa sa kaniya. "I don't want to hurt your feet, dear. Kaya gusto kong siguraduhin na okey ang..." "Okey, fine. Tumigil na kayo. Okey na ako, nakakalakad ako, nakakagalaw, huwag n'yo naman akong gawing lumpo, alright?" ngisi ni Lyka saka umiling-

