Chapter 24 Matapos ang eksenang iyon ay napagpasyahan nina Lyka at Mad na pumunta sa garahe. Gusto ni Mad na mag-roadtrip sana pero hindi nila inaasahan na may sira pala ang sasakyan ni Mad. Kaya pala nandoon lang ang sasakyan sa may patio. "I can't start the engine," sabi pa ni Mad Kay Lyka. "Teka, titingnan ko." Mad look at her, like he's not convince to what she said. "Are you sure?" he looked at her. "Oo, akin na. Titingnan ko." "Alam mo ba ito?" "Yes. Alam kong mag-ayos, at kung gusto mo...marunong din akong sumira." "Come on, here. Sige tingnan mo, please. Hindi ko kasi alam ang sira. Kanina ko pa sinusubukan." Agad na tiningnan ni Lyka ang bumper ng sasakyan at binuksan ito. Sa pagbukas niyon ay may inayos siyang linya ng gauge at ang ilang koneksyon sa wires. Tiningna

