Nagising ako sa malakas na dagundong ng kulog sa kalangitan. Agad ang pagmulat ng aking mga mata at iginala ko iyon sa paligid. I was still in the island. Dali-dali akong bumangon at mabilis na nagtungo sa dalampasigan. Ngunit, malalaki na ang alon pagdating ko doon at hindi iyon kakayaning salungahin ng jet ski. Wala akong nagawa kundi bumalik sa kubo. Tantya ko alas-kuatro pa lang ng hapon pero napakadilim na ng buong paligid. Lumalakas na din ang hangin sa isla. Tila may paparating na bagyo. Palilipasin ko muna ang sama ng panahon bago umuwi sa amin at sigurado akong nag-aalala na sina Mommy at Daddy sa akin. Bulong ko sa sarili. Pero habang lumilipas ang mga oras, mas lalo pang sumasama ang panahon. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang mga puno sa isla ay halos humalik na sa lup

