Chapter 8

3088 Words
Marga, Present Years passed by, mula ng umalis ako ng Pilipinas at nagpagamot sa Singapore, walang araw o gabing hindi ko naiisip si Franco. Mga alaala na lang namin ang tanging naging sandalan ko sa paglaban sa aking sakit na halos ikamatay ko na. Nabalitaan ko ring halos mawala sa kanyang sarili si Franco ng umalis ako. And when my parents went back to the Philippines, sinabi ni Mommy kay Franco na hindi na ako babalik pa kailanman at iyon ay nagdulot ng pagkakaaksidente nito. Inakala niyang patay na ako at ganoon din ang gusto nitong mangyari sa sarili. But, Tito Sandro saves him hanggang sa mabalitaan ko na lamang na nagpakasal na ito. Nang mga sandaling iyon parang bumalik ang sakit ko. I felt my whole world shattered. Hinang-hina ako at parang saglit na nawalan ng buhay. Walang katumbas ang sakit na nadarama ko noon, ngunit anong magagawa ko? Ako rin naman ang may kasalanan ko ng lahat. I was the first one whole broke our promises between each other, at hindi ko masisisi si Franco kung nagmahal itong muli. Life must go on, ika nga. I met Troy and we put-up business together. Kaya mas pinili ko ng manatili sa Singapore at hindi na bumalik ng Pilipinas. I know what I will caused kapag ginawa ko iyon. Ayoko ng magulo pa ang tahimik naming mga buhay. But, maybe, I couldn’t hide forever. Kaya heto ako ngayon, muling nagbabalik. At hindi ko alam kung anong naghihintay sa akin. “Ma’am please fasten your seatbelts. We’re going to land soon,” ang pukaw ng stewardess sa aking pa-iisip. Dagli akong sumunod dito. Ilang sandali na lang at makakaapak na akong muli sa Pilipinas. Hindi mawala-wala ang kaba sa dibdib ko. Maliit lang ang Pilipinas, lalo na ang Manila. Hindi nalalayong magkabungguan kami doon ni Franco. Ipinilig ko ang ulo ko. Hindi si Franco ang ipinunta ko rito. Trabaho. At doon lang dapat nakatuon ang atensyon ko. At kahit magkita pa kami, hindi na ako ang Marga dati. “Iyan ang itatak mo sa isip mo,” bulong ko sa sarili. Nasabi nang lahat sa akin ni Troy ang mga detalye tungkol sa aming investor na gustong magbukas ng branch ng Artemis Grill dito sa Manila. Si Mr. William Lorenzo, may-ari ng Lorenzo Group of Companies. Ang kompanya nito ay nagve-venture sa iba’t ibang klase ng negosyo. May restaurants, malls at kung anu-ano pang businesses ito. Kaya sabi ni Troy, isa rin daw magandang opportunity iyon para sa business namin. Hindi naman nagkakamali doon si Troy, hindi rin naman kasi nga basta-basta ang mga negosyo ni Mr. Lorenzo. Ilang saglit pa papalabas na ako ng terminal. Nakita kong nakaabang na sa akin si Kuya Benedict sa labas. Sinamahan niya rin ako sa Singapore noon, at ng masiguro nitong wala na talagang cancer sa katawan ko ay bumalik na ito ng Pilipinas. Isa na ito ngayong cardiologists sa Makati Medical Center. “Kuya!” tawag ko dito at dali-daling naglakad papalapit sa kinatatayuan niya. Sinalubong naman ako nito ng mahigpit na yakap. “Welcome home, Marg!” maluwang ang pagkakangiting saad ni Kuya. “Thanks Kuya…” sabi ko sabay kawala sa yakap nito. “Bakit ‘di mo isinama si Brandon?” Ang tinutukoy ko ay ang tatlong taong gulang na anak nito at ni Daisy. Marami na talaga akong na-missed na family occasions dito sa Pilipinas. ‘Ni hindi ko rin nakuhang um-attend sa kasal nito na ikinatampo nito ng husto sa akin. At ngayon ay may anak na ito na siya namang bagong kaligayahan nina Mommy at Daddy. “Hay, naku! Magkukulit lang ‘yon habang naghihintay sa ‘yo.” Kakamot-kamot sa ulong wika nito. “Gusto ko na ulit makurot ang pisngi ng batang ‘yon,” na-eexcite na turan ko. Last year pa kasi ang huling pagkikita namin, nang dalawin ako ng mga ito sa Singapore. “Maraming ka ng pagkakataon ngayon. Hindi naman siguro masama ang magbakasyon kahit minsan sa trabaho mo, ‘ di ba?” “Kuya… I am the CEO, remember?” paalala ko dito. “Oo na. Oo na,” ang sumusukong sabi nito. “Work first before anything else.” Nagkibit ako ng mga balikat at sumakay na sa kotse nito. Sa isang condo sa Makati kami tumuloy. Pag-aari iyon ni Troy, dahil paminsan-minsan ay naririto rin ang binata sa Pilipinas para dumalaw sa pamilya nito. “By the way, how’s Troy?” tanong ni Kuya pagkabuhay nito ng makina ng sasakyan. “He’s doing great. Actually, we’re expanding our business on Paradise Hotel. Kaya siya nag-iintindi doon at ako naman dito sa Pilipinas.” “Wow! That’s great news! Unti-unti ng lumalago ang business n’yo. At magkasabay pa talaga ang expansion, ha?” bilib na bilib na sabi nito. “Oo nga eh.” Hindi ko lang masabi kay Kuya na ‘yon lang naman ang naging dahilan ng pag-uwi ko dito, kaso baka biglang magtampo ito. Sa loob ng labing-tatlong taon na hindi ko pag-uwi, alam kong bawat araw ay inaasam-asam ng mga ito na babalik din ako sa Pilipinas for good. Nakarating kami sa condo unit ni Troy na kung anu-ano lang ang napag-usapan. Marami na talaga akong napalagpas na mga pangyayari sa Pilipinas. Tinulungan ako nitong mag-akyat ng aking mga gamit. Nang matapos ay sandaling iginala nito ang mata sa paligid. “Kakaiba din ang taste ni Troy, ano?” komento nito ng makitang kulay dilaw ang pinta ng condo, sabay upo sa sofa. Buti na lang kulay maroon iyon, kung hindi baka pati iyon tanungin ni Kuya. Napangiti na lang ako. Hindi kasi alam nito ang tunay na pagkatao ni Troy. Magaling kasing magtago ang isang ‘yon maliban na lang kung talagang safe ang sekreto nito sa isang tao. “Ikaw talaga, Kuya. Kakaiba talaga ang taste ‘non sa buhay.” “Hindi pa ba s’ya nanliligaw sa ‘yo?” Natawa na ako ng todo sa tanong nito. “Never in his wildest dream.” Makahulugang sabi ko dito. “Why? What’s wrong with that? You’re both single.” Umiling lang ako bilang tugon dito. Maya-maya pa ay tumayo na ito. “I’ll go ahead,” sabi nito. “Call me if you need anything. And by the way… Mommy is asking, kelan ka daw pupunta ng San Bartolome.” Nagkibit lang ako ng mga balikat. “I’ll just call her, Kuya.” Tinitigan muna ako nito ng matagal bago tumango-tango at tuluyan ng nagpaalam. I don’t think I could set foot on San Bartolome. Bulong ko sa sarili ng makaalis ito. At may lungkot na lumukob sa puso ko. Ilang sandali rin akong nag-isip at pagkatapos ay isa-isa ko ng inayos ang aking mga gamit. Isang araw lang ang pahinga ko at pagkatapos ay ime-meet ko na si Mr. Lorenzo. *** Nakarating ako ng Lorenzo Group of Companies pasado alas-dyes ng umaga. Dito ang nakatakdang meeting namin ni Mr. Lorenzo. Tiningala ko ang mataas na building na may tatlumpong palapag. Mukhang hindi talaga basta-basta ang investor namin. Sa isip-isip ko. Huminga ako ng malalim before walking confidently papunta sa lobby. Naka-ready ang isang matamis na ngiti sa aking mga labi. May mangilan-ngilang tao doon na napapalingon sa akin. Kahit ternong pants na corporate attire ang suot ko at balot na balot, hindi maikakaila ng mga ito ang magandang hubog ng katawan ko. And as usual, my deep set of dimples were shown which always captured everyone’s attention. “Hi! May I know Mr. Lorenzo’s office? I have an appointment with him today.” Magiliw na bati ko sa receptionist pagdating ko sa reception area. “May I know your name, Ma’am?” magalang na tanong ng receptionist sa akin. Mababakas sa mukha nito ang paghanga mula sa akin. “Marga... Marga Agustin.” Nakangiting sabi ko dito. “Okay, Ma’am. Kindly wait for a moment.” “Thanks…” Tumatango-tangong sabi ko. Hindi naman nagtagal at ibinigay sa akin ng receptionist ang go signal at ang impormasyon kung saan naroroon ang office ni Mr. Lorenzo. Nasa twenty-ninth floor ito. Mabilis ko naman iyong natunton, dahil exclusively for executives lang ang lahat ng nasa palapag na iyon. Kumatok ako sa pintuan na may nakalagay na Office of the CEO. Isang nasa mid-thirtie’s na babae naman ang nagbukas niyon. Sa hinuha ko ito ang sekretarya ni Mr. Lorenzo. Muli akong ngumiti. “Hi! I’m Marga Agustin. Mr. Lorenzo is waiting for me.” Niluwagan ng sekretarya ang bukas ng pintuan. “Please, come in Ms. Agustin,” sabi nito at pumasok na ako sa loob. “This way, Ma’am.” At iginiya ako nito papunta sa mismong pintuan ng office ni Mr. Lorenzo. “Sir, Miss Agustin is here,” pagbibigay alam ng sekretarya kay Mr. Lorenzo sa presensya ko. “Let her in,” ang narinig kong sabi ng may ‘di katandaang boses. Nginitan ako ng sekretarya bago tuluyang pinatuloy sa loob. Isang may katabaang lalaki na nakasalamin ang nakita kong nakaupo sa swivel chair. Halos kasing-edad lang ito ng Daddy ko. Kagalang-galang ito sa suot na suit. Malapad itong nakangiti sa akin, na ginantihan ko rin naman. “Miss Agustin, finally!” ang may kagalakang sabi nito pagkakita sa akin sabay tayo at lumapit sa akin. “Come in. Come in,” anito habang iginigiya ako sa isang visitor’s chair sa harap ng lamesa nito. “Thank you, Mr. Lorenzo.” Sabi ko ng makaupo na. Ito naman ay bumalik sa iniwan nitong swivel chair kanina. “Troy didn’t tell that you’re very beautiful,” ang humahangang sabi ni Mr. Lorenzo habang pinapasadahan ako ng tingin. “And Troy didn’t tell me you’re such a joker Mr. Lorenzo,” magiliw kong saad dito. Hindi nawawala ang ngiti sa labi ko. “Oh! I’m just telling you the truth,” ani Mr. Lorenzo na lalong lumapad ang pagkakangiti. Hindi ko alam, pero mukhang magkakasundo kami. “By the way, what do you want? Coffee? Tea? Or juice?” tanong ni Mr. Lorenzo. “Just plain water, Sir.” At pagkasabi ko noon ay agad itong nagdial sa intercom. “We haven’t formally introduced ourselves. I’m Marga. Marga Agustin.” Pakilala ko sa sarili at inilahad ko ang aking kamay sa harap nito. “William Lorenzo,” sabi ng lalaki sabay abot sa kamay ko. “I’ve heard a lot about you, Ms. Agustin. Sabi ni Troy, you’re an excellent business partner.” Isang simpleng ngiti ang isinagot ko dito pagkatapos, “I haven’t asked Troy about this, but how did you two met?” tanong ko rito. Base kasi sa pagkukwento nito matagal na silang magkakilala ni Troy. “Oh, that?” tanong nito. “We met at a business conference in Singapore two years ago. We attended that same conference and we chatted along the way. He told me that you two owned a restaurant there. Then, he invited me and I was very glad that I accepted it. I really loved the food on your restaurant especially the grilled salmon. Very fresh. So, I asked him immediately if I could invest on your business and expand it here, but it took a long while before he said yes.” Mahabang paliwanag nito Isa lang ang ibig sabihin noon, matagal ng may offer ng expansion ang business namin, hindi lang sinasabi ni Troy sa akin. At nahuhuluan ko na rin ang dahilan nito. Mapait akong napangiti na pilit kong itinago sa aking kaharap. “Well… all I could say is, thank you for trusting us, Mr. Lorenzo.” Nakangiti itong umiling. “I’m a businessman and I knew your restaurant worth it.” Anito. Binuksan ko ang aking bag at kinuha doon ang business proposal na ako mismo ang naghanda. Ito ay base sa mga impormasyong ibinigay ni Troy sa akin. Binigyan ko ito ng isang kopya. Binuklat naman nito iyon. “So, this place you offered, I think this is a good place to start for me, and Troy also agreed with it. I’ll just inspect the place maybe in the afternoon?” tanong ko rito na ang tinutukoy na lugar ay ang pagpwepwestuhan ng itatayo naming branch ng Artemis Grill dito sa Pilipinas. “I’m glad you like this place,” anito na ang pansin ay nasa picture ng lugar na ipinadala nito mismo sa amin. “It’s very practical to open your restaurant in this area. Bukod sa malapit lang iyan mismo dito sa building ko, marami pang ibang businesses sa part na iyan ng Makati,” dugtong pa nito. Tumatango ako. At ipinagpatuloy namin ang usapan tungkol sa pag-e-exapand ng restaurant namin. Hindi naman mahirap kausap si Mr. Lorenzo, halos lahat ng nakasaad sa business proposal ay sinasang-ayunan nito, maliban sa isang bagay. Kailangan, isa sa amin ni Troy ang mismong magma-manage ng lugar. Sinabi ko dito na iko-konsulta ko muna kay Troy ang bagay na iyon, pero alam ko na agad ang isasagot ng kaibigan ko. At doon ako nababahala nang husto. ** Tinawagan ko si Troy bago magpunta sa magiging location ng restaurant namin. “Yes, Dear,” bungad nito pagkasagot sa telepono nito. “Kumusta ang Pilipinas?” tanong nito sa nagbibirong tinig. “You have a lot of explaining to do.” Agad kong sabi dito. “And what was that?” tanong nito at narinig kong may kinakausap ito sa kabilang linya. Napairap na lang ako sa hangin. As if naman na matatanong ko pa ito kung ganoong busy naman pala ito. I sighed. “Do you want me to call you later?” “I’m sorry, Marga... I was here at Paradise. Inaayos ko ang ibang detalye sa expansion natin dito,” hinging-paumanhin ni Troy sa akin. “That’s fine. I’ll just call you later then.” At nagpaalam na ako dito. ** After talking to Troy, I immediately visit the site. Maganda nga talaga iyon. Matao rin at very popular. This will be a very good spot for our restaurant. Sa isip-isip ko. Bago kami maghiwalay ni Mr. Lorenzo kanina, ibinigay n’ya sa akin ang contact number nang mismong may-ari ng building na iyon. Isang nagngangalang Bianca Rosales ang nakasulat sa calling card na ibinigay ni Mr. Lorenzo sa akin. Tinawagan ko na ito kanina bago ako magpunta rito. Sabi ng babaeng kausap ko na magkita na lang daw kami sa isang coffee shop na nasa first floor ng mismong building na iyon. Papa-reserved na lang daw ito doon. Hinanap ko ang coffee shop na sinasabi nito. Hindi rin naman mahirap hanapin dahil nag-iisa lang iyon. Pumasok ako sa loob at tinanong ko sa crew kung saan naroon ang kinauupuan ni Bianca Rosales. Mabilis naman akong itinuro nito kay Bianca na nasa isang corner ng shop. Nakatalikod sa kinatatayuan ko ang babae, pero kapansin-pansin ito dahil matangkad at maputi at mahaba ang blonde na buhok. Nakasuot ito ng isang mini red dress na lalong nagpatingkad sa kulay nito. Naka-ready na ang ngiti ko ng tumapat ako sa kinauupuan nito. “Hi! Are you Miss. Bianca Rosales?” tanong ko sa babae na kasalukuyang humihigop ng kanyang kape Nakita kong nagulat ang babae at muntikan ng matapon ang iniinom nito. Nangungunot ang noo nito habang nakatitig sa akin. Pero maya-maya’y ngumiti na ito sa akin. A friendly smile. Ibinaba nito ang tasa ng kape at tumayo. “Yes. I’m Bianca and you must be Marga.” At inilahad nito ang kamay sa harap ko. Ako naman ang bahagyang nagulat, pero sandali lang iyon. Tinanggap ko agad ang pakikipagkamay nito. Hindi ko kasi natatandaang sinabi ko rito ang first name ko, pero baka nasabi na ni Mr. Lorenzo sa babae ang pangalan ko kaya ipinagkibit ko lang iyon ng balikat. “Please, take a seat,” sabi nito at inilahad ang upuang nasa harapan nito. Mabilis naman akong naupo. Kung kanina ay kapansin-pansin na ito mula sa likuran, mas lalo na ngayong kaharap ko na ito. Agaw atensyon ang pagkakahawig nito sa manikang si Barbie. At sa palagay ko halos kasing-edad ko lang din ito. “Mr. Lorenzo said, you’re the owner of this building. He also said that he already talked to you about the business we’re going to open here.” Ang mahabang sabi ko dito. “Yes. And I am glad you chose this place.” Ngumiti ito, pero kitang-kitang hindi iyon umabot sa mga mata nito. “Well, magaling pumili ng lugar si Mr. Lorenzo. And I would like to tell you that my business partner and I decided to get the space here. Can we sign the contract as soon as possible?” tanong ko sa kanya in business-like-tone. “Of course!” mabilis na tugon nito nang biglang may maalala. “Oh… I almost forgot, what would you like to drink? I’m sorry for being so inconsiderate. Baka hindi ka pa kumakain,” hinging-paumanhin nito ng mapunang hindi pa ako nag-oorder ng kahit ano. “No, thank you, Miss Rosales.” Tanggi ko kaagad. “I already had my lunch at the cafeteria on Mr. Lorenzo’s building,”dagdag ko pa. Biglang umilap ang mga mata nito. Napahigop ito ng kape ng wala sa oras. She seems so tensed sa aking paningin na hindi ko naman masyadong pinansin. I was too excited on the expansion of our business para punahin pa ang mga kakaibang ikinikilos nito. Huminga ito ng malalim. Pagkatapos ay ngumiti na ulit ito kagaya kanina, pero parang pilit lang iyon. “Just call me Bianca. Can I call you Marga? Hindi naman siguro tayo nagkakalayo ng edad.” “Of course,” mabilis kong sagot. “Mas okay sa ‘kin iyon. Mas magiging madali sa akin ang makipag-negotiate sa ‘yo.” At ngumiti ako dito. Pero iba talaga ang ibinibigay nitong tingin sa akin, at ikinapagtataka ko iyon. Ngayon lang naman kami nagkakilala, ngunit tila matagal n’ya na akong kilala. “I’ll just call you when the lease agreement is done. Madali ka lang naman sigurong hanapin ‘di ba?” anito na sa pagtataka ko ay may halong sarkastiko ang tinig nito. Bahagya lang napataas ang kilay ko bago ito sinagot. “Oo naman. I lived in a condo unit here in Makati at wala naman akong ibang gagawin kundi ayusin ang business namin dito. You can call me anytime.” At ngumiti ako dito pagkasabi noon. Maya-maya pa ay nagpaalam na ito. May lakad pa daw kasi ito. Pero halatang-halata ang pag-iwas nito sa akin sa mga kilos nito. O guni-guni ko lang iyon? Sa isip-isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD