Episode 5

1206 Words
Hindi ko maproseso ang mga nangyari, nasa kulungan ako, kanina pa ako tinatanong ng pulis pero wala akong maisagot, "Miss kailangan mong ibigay sa amin ang detalye ng nangyari, o may gusto ka bang tawagan muna" tanong ng babaeng pulis sa akin, "pwede ko po bang tawagan ang kaibigan ko bago ko sagutin yung mga tanong nyo?" bumuntong hininga ang babaeng pulis bago tumayo "sige karapatan mo naman yun" Kinuha ko ang cellphone ko sa dala kong duffel bag, after three rings narinig ka na ang boses ni Mary sa kabilang linya " Hello Niks asan ka hindi ka pumasok kanina lunch na, hindi ka ba papasok?" "Mary pwede ba akong humingi ng tulong" wika ko pagkarinig ng boses nya. " Bakit anong nangyari asan ka ba? "Andito ako sa police station pwede bang pakisabi kay Tita Wedy tulungan akong makalabas, dito na lang ako magpapaliwanag. Wala na talaga akong matakbuhang iba" pilit kong wika dahil nag uumpisa ng tumulo ang luha ko. "Sige pupuntahan ko lang si mommy sa faculty" natataranta niyang sabi. Teacher sa Pinapasukan kong university ang mommy ni Mary, wala na siyang daddy dahil pumanaw ito dahil sa hearth attack. Scholar si Mary kaya kahit hindi masyadong nakakaangat sa buhay ay nakuha nilang magkapatid na mag aral sa mamahaling eskwelahan, Mas gusto ko syang kasama dahil sa kabutihan nya hindi kagaya ibang classmate namin na kagaya ko ay nakaka angat sa buhay. Most of them are b**hy. After an hour dumating na si Mary at Tita Wedy, si Tita ay nakipag usap sa mga police at si Mary naman ay kinausap ako may mga sinasabi sya pero wala dun ang utak ko, madami akong iniisip, isang haplos sa braso ko ang nagpabalik sa akin sa katinuan. "Kanina pa kita tinatanong kung anong nangyari pero naka tulala ka lang dyan, ano ba talagang nangyari? Lumapit si Tita Wedy kaya natigil ang pagpapaliwanag ko sana "Tara na Danica ihahatid na kita sa inyo" ani Tita Wedy, pero umiling ako. "Wala na po akong uuwian Tita, pasensya na po at naabala ko kayo" "Wala yun Danica madami ka rin namang naitulong sa amin ng anak ko, kaya konting bagay lang ito, sabi ng mga police sinaktan mo daw si Cherry kaya ka inereklamo, bakit hindi mo sinabi na menor de edad ka pa" Si Cherry ay clasmate namin ni Mary hindi ko matangap na ito yung babaeng seseryosohin ni Niko dahil kilala itong flirt, marami itong naging boyfriend at ipinagmamalaki nya pa ang pakikipag s*x sa mga ito, nineteen years old na ito mag kasing edad sila ni Mary mas matanda sila ng dalawang taon sa akin dahil accelerated ako, kaya sa edad na seventeen ay third year college na ako. Hindi ko na nasagot ang tanong ni Tita dumeretso kami sa bahay nila, may kotse si Tita kaya madali lang sa kanya ang pagpunta sa police station. Hapon na iyon nag half day lang si Tita kaya hindi na nya kailangan bumalik sa university, Nagderetso si Tita sa kusina at pagbalik ay may dala ng miryenda, "Yumuko ako at hindi magawang galawin ang pagkaing ihihanda ni Tita Wedy "Sorry talaga Tita nagpunta po ako sa condo ni Niko kasi sabi ni Kuya Matt may pinakilala daw sa kanila na girlfriend, Hindi ko matangap ng si Cherry ang maging girlfriend nya madami namang iba pero bakit sya pa? paglalaruan lang sya ng babaeng yun, wala naman akong magagawa kung wala talaga siyang naramdaman sa akin after ng mga ginawa ko para sa kanya, "tell me what really happens? how do you end up in jail and become homeless asan ang parents mo? Dahil sa tanong ni Tita Wendy ay tumulo ang luha ko habang ikinukwento ang nangyari. Flash back: Nagpunta pa rin ako sa condo ni Niko sabi ni kuya Matt may girlfriend na raw ito, nagpunta kasi sya sa bahay para pagbawalan akong pumunta sa condo ni Niko, pero hindi ko kaya, gusto kong malinawan bakit nya ipinaramdam sa akin na gusto nya ako tapos ganito rin naman pala ang mangyayari, sana hindi na lang nya ako pinaasa. Hinagilap ko ang susi sa pinagtataguan nito pero hindi ko na makita, kumatok ako para lang matuod at matulala si Cherry ang nagbukas ng pinto. it's late at night pero nasa condo pa rin sya ni Niko ang wearing a fu***g lingerie, I can't think of anything hinila ko ang buhok nya, "Malandi ka ang dami dami mo ng lalaki sa campus pati ba naman si Niko hindi mo pinalagpas" "Bitiwan mo akong baboy ka wag Kang ilusyunada dyan, bakit feeling mo magkaka gusto sayo si Niko? pwes manigas ka, yung lalaking gustong gusto me eh ako ang gusto, bakit sinong magkakagusto sa matabang katulad mo, Sa sobrang galit ko hindi ko binitawan ang kanyang buhok kinalmot ko rin sya sa sobrang galit, doon na lumabas si Niko na kakatapos lang yatang maligo. "Cherry, Dani tama na yan nakakahiya sa mga kapitbahay," "Dani bitawan mo ang buhok ni Cherry" narinig ko ang sinabi nya pero hindi ko pa rin binitawan ang buhok ni Cherry, parehas na kaming puro kalmot at nakasabunot sa isa't isa pero ako lang ang pinapabitaw nya, ng hindi ko bitawan ang buhok ng hitad ay hinawakan na nya ang kamay ko ng mahigpit, nakaramdam ako ng sakit hindi lang sa sa puso pati sa kamay nyang pilit pinapatanggal ang pagkaka kapit sa buhok ni Cherry, dun na ako napabitaw tumingin ako sa kanya at sa braso kong nasaktan halata kasi ang pamumula nun, "Sorry Dani pero umuwi ka na" doon nagpatakan ang aking mga luha, this is it, hindi man nya diretsong sinabi sa akin pero alam kong dapat na akong tumigil, yung rejection na hindi nya masabi ng deretso pero pinaramdam nya naman sa akin at mas sobra sobrang sakit ang dulot nun. Umiiyak akong umalis pero mas may sasakit pa pala sa nangyari. I received a call from mom, dinala daw sa ospital si dad, i rushed to the hospital, "mom what happened to dad?" pero isang sampal ang natangap ko dito " This is all your fault kung hindi yang kalandian mo ang pina iral mo di sana aatakihin ng hypertension ang daddy mo. lumayas ka sa harap ko simula ngayon wala na akong anak, at bago pa matuluyan ang daddy mo mabuti pang lumayas ka na sa pamamahay namin, "Mom don't do this to me, hindi ko po kayang nawala kayo ni dad, hindi na po ako uulit magbabago na po ako please mom" "Alam mo bang tumawag ang school mo at ang sabi may mga bagsak ka daw subject at hindi ka daw napasok, may nagsabi sa akin na may lalaki kang kinakatagpo kaya ka nagkabagsak na subjects, lumayas ka wala akong anak na kagaya mo, binigyan mo ng kahihiyan ang pamilyang ito, halos lumuhod ako sa harap ni mommy pero hindi nya pa rin ako pinatawad ni hindi man lang nya pinansin ang mga galos ko, alam kong mataas ang pangarap ni mommy para sa akin, kaya sya galit na galit dahil iniingatan nya ang reputasyon nila ni Daddy sa bussiness world. Ganun na lang yun sa kanya parang hindi nya ako anak hindi pa sya nakuntento at pinagtulakan pa ako palabas ng room ni dad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD