Sinulit namin ni Aspen ang napakagandang araw na iyon at nagbabad lamang sa init ng araw habang umiinom ng orange juice. Kapag naglalakad naman kami sa buhanginan ay napapalingon sa kanya ang mga babae na nakaupo sa dalampasigan. Sino nga ba ang hindi mapapatitig sa ganda ng hubog ng katawan ni Aspen? Para itong divine being that was carved into perfection. Napaka kisig niya, malamlam ang mga berdeng mata, matangkad at isa pa, katakam-takam ang kanyang mga abs na nakadisplay dahil bukas lahat ng butones ng kanyang polo s**t. Panay din ang tingin sa akin ni Aspen dahil ngayon lamang niya ako nakitang mag two piece. Kapag napapadaan naman kami sa grupo ng mga kalalakihan ay agad niya akong iginigiya sa ibang direksyon dahil napansin yata niyang pinagppyestahan din ako ng mga mata ng mga iy

