oNagpatuloy ang mga araw na tumutok lamang ako sa gamutan na ipinayo sa akin ng doktor. Buti na lamang ay lagi akong iniiwanan ni Aspen ng pera sa bangko at iyon ang ginagamit. Buti na lamang ay hindi ito nagtatanong kung saan napupunta ang mga perang inilalagay niya sa aking bank account. Kundi ay mapipilitan talaga akong sabihin sa kanya ang lahat kahit na hindi pa ako lubusang handa. Kahit na tutok ako sa aking gamutan ay hindi ko pa rin nakakalimutan na lumabas kasama sina Chelsea at Maya. Nang ipaalam ko sa kanila ang tunay kong kalagayan ay halos kalahating araw kaming nag-iiiyak na tatlo at pagkatapos noon ay tulalang tumitig lamang kami sa kisame ng aking kwarto at nagmuni-muni sa mga bagay na ginawa namin sa buhay. Sa kaso ko naman, habang inaalala ang lahat ng pinagdaanan ko k

