Napansin ko ang kanina pang mga titig ni Aspen kapag nagkakasalubong kami sa pasilyo ng bahay. Kung may lumalabas lamang na mga patalim sa mga iyon ay marahil kanina pa ako namatay. Nag schedule si Vlad ng practice today later at 6pm. At dahil sabado ay nilubos ko ang pagbababad sa kama habang ini-enjoy ang lamig ng aircon na wala sa dati kong tinutuluyang boarding house. Napakalambot ng kama at ng mga unan at parang gusto ko lamang magkulong sa kwarto kung hindi lang dahil sa mga kalabog ng mlalakas na katok ni Aspen. Ugh! Good Lord! Gigil na idiniin ko ang mukha sa unan at tumili. Ano nanaman kaya ang kailangan niya? Mabibigat ang mga paa na nilakad ko ang pagitan ng aking kama sa pinto at marahas na ibinukas iyon. Hinanda ko ang sarili sa pagbungad sa expected ko ng nakasimangot na

